ALISEA'S POV
"Ayieee saan galing ang chocolate na toh," tanong ng kaibigan ko simula nung grade 7 pa ako, siya nga pala si Wizie, ang aking gay friend.
Nandito siya sa bahay ko dahil binisita niya ako, echos masyado.
"Baliw wala! Binili ko yan as if may manliligaw sa akin."
"Echos ka gurl sinong niloloko mo ha! wag mo akong lokohin, hirap kayo sa buhay kaya pano kayo makakabili niyan!" Hays grabe siya mang-lait.
"Hoy ang sama mo! Kahit papaano may pera kami! Hindi kami mahirap at lalong hindi mayaman kumbaga gaya nga ng sabi ng iba--- middle class," sabay flip hair ko, ngumuso naman siya.
"Sabihin na nga natin na middle class person ka pero mahal yang chocolate na yan, kaya impossibleng walang nagbigay sayo echosera," sabay irap niya.
"Bigay ng tita ko yan," ginawa ko talagang kapani-kapaniwala yung tono ko.
"Wag ka maniwala diyan may secret admirer yan," singit ni krisandra (krissa for short) may pa kilig effect pang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Tamo! Sinasabi ko na nga ba may nagbigay sayo bwisit ka!" Tila na parang nanalo sa lotto na wika niya na may kasamang hampas. Sa totoo lang, may gusto sa akin si Wizie, actually mutual. So ayun na nga bakit hindi naging kami? Isa lang masasabi ko, dahil study first ako at isa pa baka masaktan lang ako dahil dati siyang bakla, at naging bi ng magustuhan niya ako. What if ipagpalit niya lang ako sa lalaki kasi ako pa lang naman nagustuhan niyang babae, so natatakot ako mag risk.
"Ito kasi si Krissa eh promotor," tinignan niya si Krissa na parang dudutdutin ang mata.
"Ha? Anong promotor diyan, makasisi naman toh, diba nga masama magsinungaling."
"Ha-- hakdog, may pasabi-sabi ka pang masamang magsinungaling, kala mo kung sinong malinis na tao."
"Tama na nga pero naiinis pa rin ako sayo Alisea!" sabat ni Wizie Parang bata niyang sabi.
"Teka nga Wizie! Maiba nga tayo kanina inaasar mo pa ako ng ayiee sino nagbigay tapos nung malaman mo nagalit ka, para kang timang--- kala mo naman may tayo, makapag ano toh feelingero," pagbibiro ko sa kanya.
"Hmpp nakakainis kasi, kala mo naman hindi mo ako gusto! Talagang sinusunod mo yung vocabulary, mo kala mo naman hindi kita papanagutan che!" Nagpameywang siya at umirap habang ang ulo ay patingin sa ibang pwesto.
"Alam mo wizie maghintay ka ng tamang panahon, kung talagang para tayo edi tayo, kung hindi edi hindi. tanggapin na lang natin ang tadhana na ibigay sa atin alam mo naman si tadhana mapagbiro. tsaka hindi ako medyo sigurado sayo," pag amin ko.
"Ay kapal mo ghorl hindi ka sigurado sakin? Pagkatapos kong makasigurado sayo! At tsaka ano tayo kalyeserye."
"Basta baklang ulikba!"
"Ay grabe ka naman sa baklang ulikba pwede namang baklang pretty letche ka jombagin kita."
"Tama na nga ang away basta abang-abang na lang ako sa love story niyo pero team Marcellus ako!" Sabi ni Krissa.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
