Paano kung ang kilalang bakla sa campus niyo ay sobrang obsessed pala sayo. Ang malala pa ay isa siyang Psychopath. Anong mararamdaman mo kung lagi mong nararamdaman na laging may nakatingin sayong mata na hindi mo nakikita, lagi kang sinusundan, alam ang bawat galaw mo, at ang malala ay pinapanood ka habang natutulog.
'Yan ang nakakatakot na pangyayaring nararanasan ni alisea sa pang araw-araw niyang buhay, sa katunayan, nasanay na lamang siya. Pinapabayaan niya na lamang ito at isa pa, magsumbong man siya ay hindi makukulong yun dahil ang pagiging psycho ay disorder kaya hindi ito makukulong. Bukod pa roon ay marami itong koneksiyon.
Nagtataka si Alisea kung bakit college na siya ngunit ni isa ay wala pa ring nagtangkang manligaw, samantalang nung elementarya pa siya ay kilala niya mga nagkakagusto sa kanya. Ni isa ay wala man lang nanligaw, samantalang mahaharot naman ang mga lalaking iyon.
Simple lang naman ang buhay niya. Mayroon siyang bahay, pero ang bahay na 'yon ay pang dalawang tao lamang.
Samantala, si Riggs Marcellus Dallas naman ay isang baklang obssesive, psycho, at stalker ni Alisea. Si Riggs ay isang anak ng pinakamayaman sa bansa nila. Lumaking may mental disorder si Rigss kasabay nito na ang sexuality niya ay gay. Tanggap namain ito ng magulang niya dahil wala na silang magagawa.
Noong una ay mga lalaki pa ang hinuhunting ni Riggs, nang lumaon ay babae na at si Alisea lang. Kung gaano ka obsessed si Riggs sa mga lalaki, i-10 times mo 'yon kay alisea.
"ano ba bitiwan mo ako! tigilan mo na ang pinaggagawa mo sa akin!nakakatakot ka! tandaan mo hindi kita mamahalin. Isa kang psycho!!!" prangkang sabi ko.
"Ayoko! pwes kung hindi mo ako kaya mahalin, tuturuan kita kung papaano! subukan mo lang na hindi ako tanggapin sa buhay mo, sisiguraduhin kong may magdudusa sa pamilya mo! And also you can't escape," pambla-blackmail niya sabay halik niya na mapusok sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/235992099-288-k794666.jpg)
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university, but suddenly a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and stalker, who is really madly in love with A...