Ilang months na rin after kong pumasok sa SOPA. Wala namang magandang nangyari, except sa fact na dyosa pa rin ako, saka classmate ko rin pala sa Hera na childhood friend ko at the same time parang baby girl ko na rin. Isip bata eh. Medyo ka-close ko na din si Tyche. Yung lalaking nakasalubong ko sa Men's comfort room tsaka yung nagsabing maganda raw yung lips ko. Err. >_____
Inggit siguro yun, 'no? :33
Habang naglalakad ako sa runway, ay, I mean sa corridor biglang may humampas sa likod kong maganda rin.
"ANAK NG PUTANGINES NAMAN TYCHE OH! ANO NA NAMAN KAILANGAN MO?!" Andito na naman sya. Jusko! Kras ata ako nito oh? Sunod ng sunod. Aso lang? Shetniz.
"Easyhan mo lang! HB?" Tsaka sya tumawa. Abno ata 'to eh? At saka ano raw sabi nya? Easyhan ko lang? Taenes, pangit ng term. Deym! Parang nagaanuhan lang. Yung ano, yung ano ba. Yung bang parang nag-aano sila. AH BASTA! Yun na yon. Pangit talaga. Sagwa, amputs. :3
"Anong sinasabi mong easyhan ko lang?! Bastos ka talaga! Dun ka nga!" Saka ako naglakad ulit. Pagka-sinundan ulit ako nito, masisipa ko na 'to.
"Tsk. Ang arte mo talaga!" PUTRAGES TALAGA TYCHE! Pinitik nya lang naman yung noo ko. Bwishet. T^T Battered wife na nga ako sa bahay, pati pa naman dito sa school. Grabehan na 'to!
Hala~ pero di ko sinasabi na wife nya ako ha, I mean, battered rin ako dito. Battered—ahm, friend. Oo tama, battered friend. T^T
"Aigoo jinjja! Sinong nagsabi na pwedeng mong pitikin ang noo ng isang dyosa, aber?" Ayan na, dahil nga sa gumagawa kami ng commotion dito ni Tyche eh nagtitinginan na naman yung mga babae. SuS, if I know inggit lang sila! Bleeeh! At ito pa, napagalaman ko na heartthrob kuno pala itong si Tyche! :o Mukha bang hearththrob 'tong lalaki na 'to? Hahaha! Mga joker pala kayo eh. Nalaman ko rin na nag-audition pala sya sa JYP rin. Di ko lang alam kung nakapasok sya or what.
"Yan tuloy pinagtitinginan na tayo ng ma fangirls ko. Tsktsk. Mamaya susugurin ka lang nila ng di mo alam." Argh. Kung alam mo lang. Leche na yan. Nagpatuloy na ako ng paglalakad nang hawakan nya yung braso ko.
"Teka nga. Ano ba yang mga bitbit mong kahon, ha?" Jusme! Kanina nya pa ako kausap tapos ngayon nya lang napansin na may hawak ako mga kahon. Matinde!
"Mga basura. Mga basurang itatapon na. Gusto mo bang sumama? Pasok na dito sa kahon!" Bwisit na usisero talaga. Kalalaking tao eh.
Kinuha nya sa akin yung mga kahon. Sht. Di pwede.
"Akin na. Ako magbubuhat." Sabi nang di pwede eh. Kinuha ko ulit yung mga kahon. Bwisit na 'to. Bakit ang lakas nya. Kainis! :3
"Di pwede akin na!"
Kinukuha ko na pero ayaw nya pa ring ibigay. Ang kulit.
"Ako na sabi eh! Ang bigat ng mga 'to tapos ikaw pa magbubuhat? Nako, di pwede baka mabali na mga buto-buto mo nyan." Saka sya tumatawa.
"Nakakatawa. Ha—ha—ha." Hinatak ko na yung kahon na may kasamang full force.
TYCHE'S POV
Sht. Ano ang mga 'to? MGA PANTY, AMP! De jk lang. Pero totoo na. Bakit may mga pictures na sunog, yung iba naman ginupit. May mga bears at unan na may pictures nya na may mga punit tapos may kasama pang dugo pero sigurado naman ako na food coloring lang 'to. May mga colored paper rin, nakasulat yung name nya na may kasama pang mura. May mga hindi magagandang salita rin na nakasulat katulad ng — get lost, wanna die, bitch at slut.
Tiningnan ko si Autumn. Alam kong iiyak na sya pero alam ko ring pinipigilan nya lang. Ang tibay talaga ng babaeng 'to. Simula noong nakita ko sya dito sa school alam ko na di lang sya basta-basta.