Chapter 17

1.1K 35 2
                                    

"Hello mom, dad?" Hindi ko alam kung nariinig ba nila ako sa kabilang linya. Magka-skype kami ng parents ko. Ilang taon ko na rin silang di nakikita. And I miss. I miss them a lot. My mom and my dad owns a cafe na may branches na sa iba't-ibang lugar, specifically, dito sa Asia.

"Yes, honey. Can see you from here." Nagalak naman ako sa sinabi ni Daddy. Hindi ko maipagkakaila na medyo naaasiwa ako sa sarili kong itsura ngayon dahil hindi pa ako naliligo mula kaninang umaga at mag-aalas otso na ng gabi.

"That's a good thing, Dad. So, kamusta ang cafe?" My dad used to call me every week pero dahil siguro nasa ibang bansa sya at may inaasikaso pa syang business nya ay hindi na rin sya nakakatawag.

Nakakatuwang isipin na kahit hanggang ngayon ay malapit pa rin ako kay Daddy. Ganoon rin naman kay Mommy.

Puro tawanan lang ang nagawa namin habang kinukwento ko ang mga naranasan ko dito sa Korea. Naisabi ko rin na nag-aaral ako.

"Where's mom, Dad?" Simula noong inumpisahan namin ang mag-skype eh hindi ko pa nakita si Mommy.

"She's busy on signing something, anak. Anyways, magbabakasyon kami dyan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Dad.

"Oh, really, Daddy?! So glad to hear that. Sandali lang, I'm going to tell it to Mark." Nagsimula na ang akong i-dial ang number ni Mark.

"Nako! No need, Daph. Nasabi ko na rin naman iyon sa mga magulang ni Mark and I told them na iparating na rin kay Mark." Napaisip ako. Nakita kong dumating na si Mommy pero busy pa rin sya at may tinitingnang mga files and passport. Hindi pa ako nakakasagot ay may tinanong na ulit sila.

"Anak, okay naman kayo ni Mark dyan?"

Dahan-dahan akong tumango.

"May konting hindi pagkakaunawaan po pero normal lang naman yun sa mag-asawa right? Naaayos naman po agad. He even brought to his favorite cafe!" Ngumiti ako pero nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nila. Why?

"Oh, We see. Oh, paano ba yan Autumn? We need to work pa. See you soon." Saka in-end ang video. Naisipan ko nang maligo muna kaya kumuha ako ng damit ko sa cabinet at saka tumungong cr.

"Hello?  This is Autumn Daphne, Am I right?"

"Ah, yes. Who's this?"

"You don't need to know. Hanggang maaga pa lang ay layuan mo na si Mark. Stay away. You love him right? Then let him go." Saka ibinaba ang tawag.

Yan ang naalala ko habang nasa shower ako, sya yung tumawag na unknown sa akin noong araw na nahold-up rin ako. What's with that girl?

Mahal ko nga 'di ba? Bakit ko nga papakawalan? Kung nahihirapan si Mark, then, okay. But I can't even see a small mark of pain in Mark's.

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko si Mark na nanonood ng "The Interview" habang yakap ang isang bowl ng popcorn. Nakita ko rin ang isa pang bowl ng popcorn na nasa lamesa na pinapatungan naman ng paa nya.

Mahina nyang hinampas ang space sa tabi nya kaya't naupo rin ako roon.

"Mark, magba-bakasyon daw sila Mommy at Daddy dito." Tiningnan nya ako ng gulat na gulat.

"Talaga? Bakit hindi sinabi nila Tito sa akin?" Nagkibit-balikat ako.

"Akala ko ay sinabi na sa'yo nila Tita at Tito." Umiling lang sya at pinagpatuloy ang panunuod.

Nagulat ako nang hinubad noong babae ang damit nya at naka-bra na lang. Kaya tinakpan ko agad yung mata ni Mark dahil alam kong masyadong malisyoso ang lalaking 'to.

"Omo! Omo! Ano ba 'yang pinapanuod mo, Mark?!" Sabi ko sa kanya habang tinatakpan pa rin yung mata nya. Pinipilit nyang tanggalin ang pagkakatakip ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit may ganyang scene dyan! Comedy kaya yan." Saka sya humalakhak. Tinanggal ko na yung kamay ko sa mga mata nya nang matapos ang scene na 'yon dahil may umentrang lalaki doon sa movie.

"Autumn, you know what?" Bigla nyang sabi."What?" Tiningnan ko sya na deretso pa rin ang tingin doon sa TV.

"Dapat hinahayaan mo na akong manuod ng mga ganon kahit sa movie lang." Nanlaki ang mata ko sa gulat at tiningnan sya. Nakita kong tumingin din sya sa akin. Hinampas ko sya ng mahina.

"Bakit naman, aber?! Bakit naman?" Dumako ang tingin nya sa dibdib ko kaya  agad ko itong tinakpan.

Ngumisi sya. "Eh kasi hindi mo naman sa akin pinapakita iyong sa'yo. Paano na yung needs ko?" Humagikhik sya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"MARK!" Nangibabaw ang sigaw ko sa sala na 'to habang pinapalo pa rin sya.

"Ouch, it hurts!" At umarteng nasasaktan sabay yakap sa akin. Tinigil ko na ang pagpalo sa kanya saka kumawala sa yakap nya. Uminit yata ang pisgi ko sa ginawa nya.

"Ang puti mo." Saka ngumuso at inakyat yung dalawa kong binti sa sofa.

"Inggit ka naman? Maligo ka kasi!" Bumaling sa akin si Mark saka tumawa. Bumaba ang tingin nya sa akin. "Fuck that shorts." Tiningnan ko ang shorts ko.

"Ha? What's wrong with my shorts?"

"Too short." Di ko namang napigilang tumawa at hinampas ulit sya sa braso.

"Geez. Are you crazy? Kaya nga tinawag na shorts eh!" Pfft.

Tumayo sya, iniwan ako at pumutang kwarto. Pagkalabas nya ng kwarto nya ay may dala syang kumot. Umupo ulit sya sa tabi ko at ikinumot sa akin yung dala nya. Sinuntok ko sya ng mahina sa braso. Pinigilan nya 'yon at inilahad yung isa nyang braso sa kabila kong braso. Humikab ako dahil 11 pm na rin.

"Sleep." Hinalikan nya ako sa noo. And because of that I feel safe.

[GOT7] Living with GOT7's MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon