Chapter 18

1.4K 47 10
                                    

Ni-revise ko ang chapter 18 hanggang chapter 25.

-
Pupunta na sana akong Bookstore para bumili ng pan-design at iilan pang gamit para sa pag-gawa ko ng banner para sa concert nila Mark mamayang gabi nang makita ko ang 2 grupo ng mga babae sa labas. Alam ko ang dalawang dahilan kung bakit sila nandito. Una, ang walang sawang pagi-stalk nila kay Mark at pangalawa, ang pagpa-planong sabunutan, sakalin at kalmutin ako. Ayun nga lang, hindi ako sigurado kung alin doon sa dalawa. Inisip ko na hindi na lang ako bibili doon sa bookstore at baka pwedeng bumili na lang ako ng lightstick doon sa concert hall. Lumabas ako sa likod na pinto at dahil iba na rin ang daan doon at siguradong hindi ako makikita ng mga babae na 'yon.

Nagpalit ako ng damit kung saan may nakalagay na "GOT7" sa harap. Nakatuping pants at nakaboots. Maraming tao at nakikita ko ang excitement nila sa comeback ng Got7.

May lumapit na babae sa akin kaya naman napatalon ako sa gulat nang magsalita sya. "Autumn?" At mas lalo akong nagulat sa tanong nya. Hindi ko gaanong makita yung mukha nya dahil medyo madilim na dito at magsisimula na yung concert.

Paanong? Paanong nakilala nya ako? Nagkulay ako ng buhok sa violet at nagmake up rin ako! Shit.

"Uhm, sorry. I'm not. Btw, who's Autumn?" Binigyan ko sya ng nagtatakang mukha. Sana gumana. Sana. Hinila nya ako sa cr ng mga babae.

"Aemi?!" Yung pinsan ni Mark!

Halos maubusan ako ng salita. "Uhm, ikaw pala! A-ano , di ko alam na pupunta ka pala dito."

Niyakap nya ako at saka binulungan.

"Why are you here? Baka pagtulungan ka ng fans." Nagalak ako sa sinabi nya.

"Aemi, salamat sa pag-aalala." Nginitian ko sya at lumingon doon sa stage na may nagsasalitang host.

"Ofcourse, I should! You're my cousin-in-law." Tumawa sya at nakitawa na lang din ako. May kinuha sya sa bag at nilabas iyong hoodie.

"You'll wear this, Autumn. Baka may makilala sayo. Kahit nagpakulay ka ng buhok ay kilala pa rin kita. At ito pa, put this on." Nilagay nya sa akin iyong eyeglasses. Iyong pang-nerd.

Tumingin ako sa salamin at para ngang di ko na nakilala ang sarili ko. Medyo nakakatawa.

"Salamat talaga dito, Aemi. Tara na sa concert hall, simula na ata." Pumunta na kami doon sa VIP Seats. Sa pinakaharap kami at kitang-kita doon ang pito. Katabi ko si Aemi na nakikisigaw din sa mga tao.

"Come on get it, GOT7! Annyeonghaseyo!" Sabay na sabi noong pito. Noong part na ni Mark para mag-introduce ay nagkatinginan kami. Nanlaki ang tingin nya sa akin at nanatili iyon sa akin. Halos mag-wala ako dahil sa mga tingin nya. Nang matapos ang isa nilang kanta at pumunta silang backstage para mag-ayos. Nag-vibrate ang phone ko at agad kong naramdaman iyon.

From: Mark

What are you doing here?

-

To Mark

Supporting you. :)

-

Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay agad syang nagreply.

From: Mark

I don't need your support, Autumn. I want you to be safe. Pumunta ka dito sa backstage.

-

Hindi ko pinansin ang text nya hanggang sa lumabas sila ulit. Nagkakagulo ang ang standing vips at pati kaming mga nasa bip seats ay nadamay na. Pinuntahan naman sila ng mga guard at pinalabas. Halatang pati ang GOT7 ay nagulat sdun sa nangyari. Pinabalik naman sila JB, Jr, Youngjae, Yugyeom, Bam sa backstaghe pero naiwan sila Mark at Jackson. Pumunta silang dalawa sa mga vip seats ang kinuha kami ni Aemi.

[GOT7] Living with GOT7's MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon