Nalaglag ang panga ni Tyche sa sinabi ko. "You must have been kidding me." Ngumiti sya. Hindi nya ba talaga naiinitindihan.
"I'm serious. My mom is on danger because of this fucking married life with Mark."
Pumasok ako ng convinience store kaya imbis na Bibimbap ang bilhin nya, bumili na lang sya ng black soda at ramen para sa amin dalawa. Tumango sya kaya nagsimula na ako magkwento.
"Nalaman ni Mama yung mga ginagawa ni Mark sa akin dati. I dont know how basta nalaman nya na lang and that time, that fucking heart attack happened. Nung nakalabas na sya ng hospital, nalaman nya naman na binubully ako sa school dahil rin kay Mark. Inatake ulit sya at doon nalaman nila Papa nay Ischaemic heatlrt disease si Mama. Sabi ng mga na pwedeng mawala si Mama sa mundong to anumang oras. Gusto rin nilang makipaghiwalay na ako kay Mark." Tumulo ang luha ko kaya yumuko ako. Ayokong makita nya na umiiyak ako.
Hinagod ni Tyche ang likod kaya mas lalo akong napahagulgol. "Bakit mo tinatago? Hindi naman masamang umiyak. " Tumayo sya hinila ako sa park na wala masyadong tao.
"Ayokong manghimasok, pero ano nang gagawin mo ngayon?" Inabutan nya ako ng dirty ice cream. my comfort food.
"Thanks. Siguro lalayo na lang muna ako. That's the best thing I can do. Hindi magandang makikipaghiwalay na lang ako bigla." Tumango-tango naman sya. Kanina nya pa bonubuka yung bibig nya na parang may gustong sabihin pero agad naman nyang sinasara yun.
"May itatanong ka ba o ano? Mukha kang tanga, bukas sara yang bibig mo."
"Kailan alis mo?"
"Next week."
"Eh balik?" Kailan nga ba ang balik ko?
"Nakalagay sa passport na hindi raw ako allowed na bumalik dito sa South Korea." ........
Nagkatinginan kami ni Tyche at parehas na nanlaki ang mata naman dahil sa sinabi ko.
"AREN'T ALLOWED?!"
***
"Bakit hindi na kayo bumalik kanina sa building?" Tanong ni Mark pagka-pasok ko ng kwarto. Nakalimutan ko, paano ko sya lalayuan kung nasa isang bubong kami.
"Uh.." Bakit nga ba? Ah! "Uh, kasi umulan kanina kaya nagpatila lang kami." Lame. Alam kong hindi nya yun paniniwalaan. Tumagilid ang ulo nya at tiningnan ako.
"Habang pauwi ako hindi naman umuulan." Kasi hindi naman talaga.
"Baka tumigil na?" Nag-iwas ako ng tingin ag baka mahalata nya na nagsisinungaling ako.
"Kung tumigil na bakit ngayon ka lang dumating?" Kumunot ang noo at tiningnan sya. Kailangan ko ng depensa para tumigil sya.
"May traffic jam." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Pinagdududahan mo ba ako?" Sorry Mark. I just need to do this. Baka kapag hindi ko pa gawin to ngayon ay mas lalo na akong mahulog at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na iwan ka.
"No." Hinawakan nya ang ulo ko pababa sa buhok ko. "I'm sorry. Okay? I'm sorry." Umiwas ulit ako ng tingin at tumungong kusina. Uminom ng tubig para makapagisip ng bagong kasinungalinang sasabihin ko kay Mark.
"I shouldn't have done that." Pumunta sya sa likod ko at ni-back hug ako. Mabilis kong sinara ang ref para makawala sa yakap mya.
"It's okay. Just don't do it again." Pumasok ako sa kwarto at isasara na sana ang pinto nang harangan nya iyon kaya hinyaan ko na lang sya na pumasok. Sasabihin ko na sa kanya ang plano ko ngayon.
"Itinatabi mo pa rin pala ito hanggang ngayon?" Lumingon ako para tingnan yung tinutukoy nya. Yung pictures namin sa photobooth dati.
"Yup. Just to keep the memories. Mahirap nang mawalan ng memories." Pabiro kong sabi. Binuksan ko ang cabinet para tingnan kung ayos pa yung maleta ko.
"Pero mas mahirap mawalan ng feelings." Tiningnan ko sya dahil sa sinabi nya. Totoo yun. Minsan gustong-gusto mo nang mawala ang feelings mo sa tao na yun pero hindi mo magagawa kasi hindi naman dapat iyun pinipilit. Hinihintay yun. At habang hinihintay mo yun magugilat ka na langnisang araw dahil wala na pala. Hindi ka na nasasaktan. Hindi ka na naapektuhan.
"Ang lalim ah?" Sagot ko sa kanya at pabirong tumawa. Tumawa rin sya. Ayan, ayos na. Magaan na ang atmosphere. Pwede ko nang sabihin sa kanya.
"Mark." Lumingon sya sa akin at naupo sa kama ko.
"Hm?" Lumunom muna ako bago sabihin ang dapat kong sabihin.
"Kay Papa muna ako titira ngayon ah? Gusto ko kasi syang makasama. Father and daughter bonding na rin." Tumango-tango sya sa sinabi ko. Buti naman at sumang-ayon sya.
"Andito pala si Papa? Kailan ka naman babalik?" Sana pala hiniling ko muna sa sholting star na huwag nya tanungin ang bagay na 'Kailan ang balik mo' and such.
"Baka hindi na ako bumalik."
Gusto ko man sabihin yan pero hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano.
"Hey, you're spacing out."
Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na hindi na alo makakabalik at makikipaghiwalay na ako sa kanya? Iniisp ko pa lang ay parang hindi ko na kaya.
"Autumn, are you okay?" He snapped a finger.
"Sorry. Ano nga ulit yun?" Pabalik kong tanong sa kanya. Nakalimutan ko ang tanong nya kanina dahil sa lalim ng iniisip ko. Bahala na nga.
"I said kung kailan ang balik mo?" Kung makakabalik pa ako. Mark Tuan, patawad pagkat ako'y makasalanan, sinungaling na nilalang
"I don't know. Text you na lang kapag babalik na ako. Busy ka rin naman 'diba? May Asia Tour kayo. Ayokong maiwan lang dito sa bahay." Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun nagligpit na ako ng gamit para makaiwas sa tanong nya.
"Ilang araw ka ba dun? Bakit ang dami mong dalang damit?"
Pero hindi dahil sa ginawa ko na yun ay makakaiwas na talaga ako. See? Hindi nga ako nakaiwas. Para tuluyan na talaga akong makaiwas, hindi ko na lang sya sinagot. Mapapahaba pa ang usapan.
"Bukas ang flight namin sa US. After ng fanmeet namin doon ay deretso na sa Asia tour. " Dagdag nya pa ulit. Nang matapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay tumungtong na ako sa kama. Busyng-busy sya ngayon. Mukhang ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para mapaglayo kami.
"Good." Tiningnan nya ako nang nakakunot ang noon. "I mean... that's good kasi 'diba its been a while since nakauwi ka sa US." Sabi ko sa kanya kaya napatango naman ulit sya.
"Mukhang matagal pa ulit tayo bago magkita." Hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo.
"Hm I guess? Text, call and chat. Kaya nga may ganun. Matutulog na ako. Matulog ka na rin." Sabi ko sa kanya at humiga na sa kama ko. Nag-kumot ako hanggang leeg. "I'll miss you." Sambit ko bago tuluyang naka-tulog.