06

75 3 0
                                    

Carlo

Hindi ko dapat ginawa 'yon kay Hera lalo at ikakasal na ako. I made a mistake at pinagsisisihan ko yun.

Agad kong hinabol si Hera patungo sa restroom at hinintay siya na lumabas.

"Hera, about…"

"It's nothing sir… pero sana huwag ng maulit pa mahirap na at baka may makakita tapos maging dahilan pa ng away ninyo ng fiance mo."

"I know. Sorry sa nangyari."

"Kalimutan na lang natin yun Sir."

"Sorry talaga sa nangyari."

"Forget about that. Let's go back to the office na baka magtaka na ang mga tao roon."

Bumalik na kami ni Hera sa office. Sa buong biyahe tahimik lang at walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nauna ng bumaba si Hera habang ako pinarada pa sa parking ang kotse.

Pagbalik ko sa office ko agad na bumungad si Allyson na nakaupo sa mesa ko.

"Babe…"

"Allyson?"

"Gulat ka yata ng makita ako."

"No! Hindi naman. Teka bakit ka nga pala nandito?"

"Dumaan lang sana ako para yayain ka ng mag lunch."

"Kakatapos ko lang."

"With who?"

"Just my client."

"Sayang naman. How about a dinner tonight."

"D-dinner?"

"Yeah Dinner tonight. Why busy ka ba tonight?"

"Okay, let's have a dinner tonight. Ako na bahala. By the way sorry sa nagawa ko."

"Sorry for what?"

"Basta sorry," saad ko sabay yakap kay Allyson.

Nagsisisi ako sa nagawa ko. I know kapag nalaman ni Allyson ang nagawa ko tiyak magagalit yun sa 'kin. Ibabaon ko na lang sa limot ang mga nagawa kong kasalanan dahil baka yun pa ang dahilan para masira ang pagsasama namin ni Allyson.

Biglang bumukas ang pinto ng office ko pagtingin ko si Hera.

"Sorry… Sir may bisita po pala kayo babalik na lang ako mamaya."

"Babe siya ba yung new secretary mo?"

"Yes, she's my new secretary. Hera Agoncillio."

Lumapit si Allyson kay Hera.

"Allyson fiance of Carlo."

"Nice to meet you po Allyson. Hera po pala secretary ni--"

"I know ikaw yung new secretary ng fiance ko. Masaya ako na makilala ka Hera."

"Nice to meet you din po Allyson."

"Kung pwede sana ikaw na bahala sa fiance ko. Not all the times nasa tabi niya ako lalo na at busy rin ako sa trabaho."

"Okay, naman po."

"Glad to hear that. I hope na magkasundo tayong dalawa."

"Why not."

"Bakit ka nga pala nandito Hera?"

"May pinabibigay po yung accounting department kailangan ninyo daw pong pirmahan."

"Ilagay mo na lang sa mesa then you may go now."

Inilapag na ni Hera ang mga papeles sa mesa tsaka lumabas na ng office ko naiwan kami ni Allyson.

 Downfall Of HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon