Damian
Humanda talaga yang si Allyson kapag nakatakas ako dito. Napakawalang hiya niya balak pa niya yata akong patayin. Hindi niya mapapagsak ang katulad ko.
Ilang araw na rin akong bihag ng mga tauhan ni Allyson. Sa
bawat araw na narito ako kung anu-anong bagay ang ginagawa nila sa 'kin pero pilit kong lumalaban para sa anak kong si Camia.Hinang-hina na ako dahil sa mga pagpapahirap na ginawa sa akin ng mga tauhan ni Allyson.
Naramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa 'kin.
Isang malamig na tubig ang dumampi sa mukha ko.
"Wake up!" Saad ng lalaki na nagbuhos ng malamig na tubig sa akin.
Hindi ako sumagot sa mga sinabi niya.
"Pare patay na yata ito!" Wika naman ng isa.
"Hala lagot ka kay Madam pinatay mo siya."
"Mga tanga! Di ba nga ang utos ni Madam pahirapan siya hanggang sa mamatay!"
Lumapit yung isa sa 'kin para tignan kung patay na talaga ako.
"Ano ng gagawin natin sa kanya?"
"Kumuha ka ng drum tapos ilagay mo siya roon tabunan ng simento at itapon sa ilog."
"Ang morbid mo naman. Patay na siya. Ilagay na lang natin sa sako at ihagis sa kalsada."
"Okay."
Binalutan nila ng telang itim ang buong ulo ko at inilagay sa sako.
Marahan nila ako isinakay sa likod ng sasakyan. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Mahigit trenta minutos rin ang biniyahe. Muli kong naramdaman ang pag-buhat nila sa 'kin tapos ay inihagis sa may damuhan.
Lintik naman oh ang lakas ng pagkakahagis nila sa 'kin. Pagkaalis ng sasakyan pinilit kong tanggalin ang pagkakagapos ko ko ng magawa ko na ito sunod ko namang tinanggal ang tela na nakabalot sa mukha ko. Hirap na hirap ako sa paghinga dahil sa telang nakabalot sa mukha ko. Hinang-hina na ako dahil sa mga nangyari sa akin. Hindi ko na magawang makatayo kaya gumapang na lamang ako hanggang sa marating ko ang kalsada. Natanaw ko ang isang lalaking naka bisikleta at humigi sa kanya ng tulong.
"T-tulong..." Saad ko.
Huminto yung naka bike at lumapit sa akin.
"A-anong nangyari sa'yo?" Natatarantang tanong nito sa 'kin.
"T-tulong..." Huli kong sambit bago tuluyang mawalan ng malay.
Paggising ko ay nakahiga na ako sa isang kama. Pinilit kong bumangon kahit na nahihirapan ako.
"Gising na po pala kayo?" Bungad ng magandang dilag na naka puting damit.
I think she's a nurse and right now I am in a hospital.
"Nasa hospital po ba ako?"
"Yes, Sir. Someone brought you here."
"I want to meet him and say thank you."
"Nakaalis na po siya. May iniwan na number."
Iniabot sa akin ng nurse yung number ng tumulong sa 'kin.
May mga dumating na rin na mga police.
"Mga police po kami. Nakatanggap po kami ng report tungkol sa nangyari sa'yo. Sa tingin ninyo po sino ang may kagagawan ng nangyari sa inyo?"
"I have something in my mind, but I need some evidence to proof na siya ang may gawa nito."
"Kami na po ang bahala sa investigation."
BINABASA MO ANG
Downfall Of Hera
General FictionDue to indebtedness to a man who helps her to pay the debt of his late father Hera needs to ruin the relationship of Carlo Sandoval and his fiancee Allyson. Will Hera succeed in her mission? But what if she falls and falls for her trap. **** Hera on...