16

100 5 0
                                    

You're pregnant dalawang salita na gumulat sa pagkatao ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nalaman ko dapat ba akong matuwa o hindi.

"Totoo po ba yan Nurse Joy?"

"Hija, seryoso ako you are one week pregnant!"

"S-sino po nagdala dito sa akin?"

"Hindi ko alam hija. Basta medyo nasa late 40's na siya."

Maya-maya pa may dumating na medyo matangkad na lalaki.

"Buti gising ka na!"

"N-ninong Tirso?"

"Buti at nahanap na rin kita sa wakas."

Hindi ako makapaniwala na ang nagdala sa akin dito ay si ninong Tirso. Matalik na kaibigan ni mommy. Huli kong kita sa kanya noong libing ng parents ko after that wala na akong balita dahil nga naghirap na ako at kung saan-saan napadpad.

"Hinahanap?"

"I have something to tell you. Nabawi ko na ang ilang assets ng mommy mo. Bukod dun nalaman ko na may iniwang pera sa bangko ang mommy mo worth 40 million plus isang mansion sa exclusive subdivision at town house in batangas."

"40 million?"

"Yes, Hija. Maari ka na ulit mabuhay bilang prinsesa."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni ninong Tirso. Mayaman na ulit ako.

"By the way, Hija congratulations on your pregnancy."

"T-thank you Ninong Tirso."

"So where's the father?"

"Ninong Tirso about my baby's father...."

"Kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol doon naiintimdihan ko. The most important is kailangan mong maging malakas para sa magiging anak mo. Gusto mo bang sa bahay ka muna tumira. Natitiyak ko matutuwa rin ang Ninang Sandy mo kapag nakita ka."

"K-kayo po bahala Ninong."

"Nabayaran ko na rin ang hospital bills at nakabili na rin ako ng medicines mo."

"S-salamat po Ninong."

Pagkagaling sa hospital dumirecho na kami ni Ninong Tirso sa house nila. Pagkababa ko ng kotse agad akong sinalubong ng matinding yakap mula kay Ninang Sandy.

"Oh my God Hera!"

"N-ninang..."

"Finally we found you. Ang tagal ka rin namin hinanap."

Grabe hindi pa rin nagbabago si Ninang Sandy she's still pretty.

Ninang Sandy was also my late mother's best friend. Wala silang naging anak ni Ninong Tirso kaya gayun na lamang akong itrato na parang anak nila.

"You're still Beautiful hija."

"K-kayo rin po Ninang Sandy. Hindi po kayo nagbabago."

"I heard buntis ka?"

"O-opo Ninang Sandy."

"Don't worry from now on nandito na kami sa tabi ng ninong mo. Kami na bahala sa iyo at sa magiging anak mo."

"T-thank you po ninang."

"May mga hinanda akong mga pagkain. Just for you. Kumain ka na I know hindi ka nakakain ng sapat."

"O-okay po."

Pagkapasok sa bahay nina Ninong Tirso at Ninang Sandy dumirecho na kami sa kusina ang daming mga pagkain halos lahat mga paborito ko.

 Downfall Of HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon