Married To The Bad Boy SC#4

159K 3.4K 136
                                    

More Than A Band

"She almost fucking died!"

Napamulat ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Stanley mula sa labas ng kwarto ko. Dahan dahan kong binuka ang mata ko pero masyadong maliwanag. Wala rin akong maramdaman at halos manhid ang buong katawan ko sa nangyari.

"Hindi pa naman siya patay Kuya. Ang OA nito." Boses naman ni Shana ang sumagot. Napalunok ako at pinakiramdaman ang dalawang Montreal na nag-aaway sa labas.

"Ikaw. Kapag nanganak ka na, pagdadasal kong maCS ka din, bwisit kang alien ka." Pagdadabog ni Stanley. Narinig ko ang ilang pagtawa sa paligid at doon ko lang napansin na hindi lang pala silang dalawa ang narito.

"S naman. Hindi pa ako sinasagot nitong si Halimaw, buntisan agad ang labanan?" natatawang tanong ni August.

"Asa ka pa! Bwisit ka!" ganti ni Shana kay August.

"Gago. Maawa kayo sa mga anak ninyo kung sakali." Sagot ni Stanley. Tumawa lang ulit ang mga tao bago ko naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

"Thank you for Shawn." Bulong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at binuka na ng tuluyan ang mata ko. Una ko siyang nakita at pinilit kong ngumiti sa kanya. Bumilog ang mata niya sa gulat noong makita ang paggising ko.

"Yang.." nagmamadali niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko bago niya tinawag ang iba.

"Kamahalan." Bati ni Ethan sa akin. Nasa tabi niya si Avvi na naluluha habang nakatingin sa akin. Tinapik ni Athan ang kabila kong kamay at nagbigay ng daan kay Greg para malapitan ako. Yumuko si G at hinalikan rin ang puno ng ulo ko bago lumayo.

"Nanay ka na." natatawang sabi ni I sa akin. Ngumiti ako at tumango sa narinig.

"Sungit, kapag Ninong ako, kapogian na lang regalo ko ha? Wala akong pera eh." Nakangusong sabi nito. Tumawa ako pero agad ding natigilan noong kumirot ang bandang abdomen ko.

Hinawakan ni Tan Tan ang balikat ko. "Yang."

"Ayos lang ako." Pilit kong sinabi. Nilingon ko si Stanley at ngumiti.

"Nasaan si Baby?" tanong ko. Nilingon niya ang likuran niya at doon ko lang napansin si Leria na may kinukuha sa crib doon. Maya maya ay lumapit siya sa akin at inilapag si baby sa balikat ko.

"Nandito na si Mama mo baby Shawn." Sabi ni Ria. Agad lumapit si Shana at Avvi para maalalayan ako sa pag-upo. Ilang beses akong napapangiwi habang gumagalaw pero wala akong pakialam. I want my son now.

Noong nakarga ko siya ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. Hinaplos ni Stanley ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

"Shawn Joaquin Montreal. Sinunod ko sa pangalan ni Lolo." Aniya. Hinaplos ko ang maliit na ulo ni baby Shawn at tumango.

"Shawn Montreal. I like that." Nakangiti kong sabi. Bahagyang dumilat si baby Shawn at pumikit ulit. Lumapit si Stanley sa akin at inabot si Shawn pero umiyak agad ito.

"Hala, hala. Ayaw kay Papa?" natatawang sabi ni Greg. Lumapit siya sa amin at hinaplos ang bata. Sumunod si August at ang ibang AEGIS at doon lamang natahimik si Shawn.

Lumapit na naman si Stanley at hinawakan ang ulo ni baby noong umiyak na naman ito. Natawa na lamang ng malakas ang iba habang ako ay nangingiti na lamang sa bawat pagnguso ni Stanley.

"That's unfair child. Ako ang Tatay mo. Don't be a bad boy." Aniya. Napahagalpak na lamang ang AEGIS sa sinabi nito.

"Wala eh. Mas gusto kami ni Shawn." Natatawang sabi ni Ethan habang sumasang-ayon naman sa kanya si Athan.

"Tahimik!"

"Pikon naman to." Si I ang dumagdag. Lumapit si Stanley dito at sasapukin na sana siya noong umiwas ito at si Greg ang tinamaan ng kamao ni Stanley.

"Aray! Wala naman akong ginagawa!" reklamo ni Greg. Tumawa ang mga babae sa gilid ko habang nanunuod. Umakbay si August kay Greg.

"Masakit talaga yan dude. I can feel you. Empathy." Pang-aasar nitong sabi kay G. nag-away away na ang anim at naging maingay na sa kwarto.

Nilingon ko ang anim na naglolokohan kaya napangiti na lamang ako. Hinaplos ko si Shawn at hiniling na sana ay makakilala rin siya ng mga kaibigan na katulad ng AEGIS.

Because AEGIS is more than a band. It is a brotherhood.

---------------------------------------

*pen<310

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon