Married To The Bad Boy SC#3

161K 3.4K 192
                                    

Stanley

 

 

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay nasusunog ako habang tumatakbo kami papunta sa delivery room. Alam kong gwapo ako, pero kahit na perpekto ang mukha ko, hindi ko pa rin kayang kontrolin ang pagkalabog ng kaba sa dbdib ko.

Normal pa ba ito? Tangina, natatakot ako.

"Stan.."

Naalarma ang mukha ni Toryang noong binitawan ko na siya at pinasok na siya sa loob ng DR. Pinagbawal akong makapasok sa loob kaya naiwan ako, kasama ang limang ungas sa labas para hintaying makalabas ang anak ko.

Pabalik balik ang lakad ko sa gitna ng hallway habang hinihintay ang doktor na lumabas. Hindi ako mapakali at gustong gusto ko ng pumasok sa loob.

"72, 73, 74.."

Tiningnan ko si August na mariing nakatitig sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Tumigil rin siya sa pagbibilang at nginitian ako.

"Tumigil ka na nga S. Pipilayan kita. Ang likot mo." Bwisit na sabi ni I sa akin. Nakapamulsa lamang siya habang nakasandal sa pader ng ospital. Tinaasan ko lang siya ng kilay at ngali ngaling sapakin. Bwisit itong lalaking ito.

"Lumayas nga kayo." Sigaw ko at tinalikuran sila. Naglakad ulit ako ng pabalik balik para mawala ang kaba na nararamdaman sa dibdib ko. I am nervous but shit, I am excited too.

"77, 78, 79--" pagpapatuloy ni August. Tumigil lamang siya noong sinapok siya ni Ethan.

"74 pa lang kanina." Natatawang sabi ni Greg at nagbasa ulit ng dyaryo sa gilid. Noong napagod ako au umupo na lamang ako sa sahig at muntikan na talagang mapasabunot sa sobrang kaba ko. Nanginginig na ang kalamnan ko. Idagdag mo pang sobrang tagal lumabas ni Toryang at ni baby mula sa delivery room.

Pumikit ako at pinatong ang noo ko sa aking tuhod. Alam kong hindi ako dapat nagkakaganito. Hindi rin naman ako matatakuting tao. Pero hindi ko alam, pagdating kay Toryang ay tumitiklop ako. Siya lang talaga ang nakakapagpanginig sa akin ng todo.

Isang braso ang pumatong sa balikat ko kaya napatingala ako. Doon ko lamang napansin si Athan na umupo rin sa sahig.

"She'll be alright." Simple niyang sabi. Tumango si Greg at lumapit sa amin. Hanggang sa maya maya ay kaming anim na ang nakaupo sa sahig kahit naman may steel benches sa kabilang gilid ng hallway.

"Malamig sa pwet itong semento." Reklamo ni Ethan habang naglalaro ng pacman sa kanyang cellphone. Ngumuso lamang ako at hindi sumagot.

Nabawasan ng kaunti ang kabang naramdaman ko noong nakaupo na kaming anim sa sahig at hinihintay si Toryang. Kahit papaano ay nakalma ang rumaragasa kong kaba habang nakikinig sa pag-aaway ni August at Iñigo tungkol doon sa babaeng bumasag sa salamin ng BMW ni I.

"Destiny dude. Sa ilang kotse sa parking lot, sayo pa talaga yung nabasag noong babae." Katwiran ni August. Umiling lang si Iñigo sa sinabi nito.

"Destiny your ass Gus."

OA na suminghap si August at bahagyang lumayo kay I. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin pa rin dito.

"My ass?! Pinagnanasahan mo ba ako Iñigo Shaw?" seryosong sabi ni August. Nagkatinginan na lamang kami ni Athan sa katangahan ni August. Sa totoo lang, sa aming anim, si August ang pinakatanga. Hindi ko naman siya masisisi. Siya ang pinakabata sa amin.

But I am still the cutest--no. Gwapo pala ako. Hindi ako cute. Para sa aso lang ang cute. Si August, aso yan. Ganon ang tawag ng kapatid kong alien sa kanya eh.

"Ang iingay." Saway ni Athan at nagsuot lamang ng earphones. Sinandal niya ang ulo niya sa pader at pumikit na lamang. Ginaya ko siya at inisip kung ano ang magiging itsura ng anak namin kapag lumabas na sila ni Toryang.

Pupusta akong kamukha ako ng anak ko. Aba dapat lang. Sa gwapo kong ito, tiyak akong pinagpala ang anak ko kung magiging katulad niya itong perpekto kong mukha. Kung babae naman siya ay papasa na ang mukha ni Toryang. Maganda naman siya. Wag nga lang sana magmana yung bata sa pagkaslow--

"Stan.."

Muntik na akong mapamura noong sinira ni August ang pagmumuni muni ko. Binigyan ko siya ng matalim na tingin pero hindi siya natinag.

"Ninong ako ha?" nakangisi niyang sabi. Tumaas lang ang kilay ko at hindi siya pinansin.

"Asa ka pa. Wala kang matuturong matino sa anak ko."

"Sakit naman dude. Wag ganyan, masamang magsalita ng ganyan. Tsk." Umiiling niya pang sabi. Siniko ko lamang ang pisngi niya at pumikit muli.

"Wag kang mag-alala. Swerte nga ang anak mo dahil magiging Ninong niya kami." mayabang niyang sabi. Tiningnan ko ang lima na nakatingin na rin sa akin. Umiling lang ako at natawa na lamang.

"Sige na Stan. Hindi ko pagtataguan ang anak mo sa pasko." Dagdag ni August. Tumawa lamang ang iba habang ako ay napailing na lamang.

Umakbay si Greg sa akin at tinitigan akong muli. Noong sasagot na sana ako ay bumukas ang pintuan ng DR at lumabas na roon ang doktor. Nilingon niya kami bago ngumiti. Ako naman ay nahigit ang aking hininga habang hinihintay ang kanyang sasabihin.

"It's a boy Mr. Montreal." Anunsyo niya. Sabay sabay na tumalon ang lima habang ako ay hindi na nakagalaw sa sobrang tuwa. Hindi ako makapaniwala.

Tatay na ako?

-----------------------------------

*pen<310

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon