Last Kiss

172K 3.1K 210
                                    

30

"What happened there?" usisa ni Avvi sa akin noong masolo niya ako habang gumagawa ng meryenda ng lima. Nakatitig lang siya sa tuna sandwich na ginagawa ko.

"Anong 'what happened'?" pagkakaila ko. Tumaas lang ang kilay ni Avvi bago ngumiti ng parang baliw sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong talo na ako. Hindi nito ako tatantanan. Mangungulit at mangungulit siya hanggat hindi ko siya sinasagot sa tanong niya.

"Nag-away kayong tatlo kanina? I saw it. Parang S and A will kill each other na kanina. Tapos you're in the gitna looking back and forth. Para kang ewan then." Natatawa niyang sabi. Ngumuso lang ako at kinuha ang isang lettuce at binato sa kanya iyon. Umiwas siya habang humahalakhak pa rin sa akin. Kumuha ako ng tuna at pinapak iyon.

"Stop laughing. Hindi naman nakakatawa." I whined. Pinunasan niya ang luha niya at nangalumbaba akong tiningnan.

"It is kaya. Why don't you choose na kasi. If you will make patagal pa, you'll only hurt them more." Ngumuso siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Umiling na ako bago pa man siya matapos magsalita.

"They are both important to me. Different level of importance. But still, importante sila. I don't see the need to choose." Katwiran ko. Tumigil sa pagtawa si Avvi at seryoso akong tiningnan.

"Alam mo, the more that you hold on to the two of them, the greater the odds na pareho silang mawala sayo. Stanley is too possessive and Athan is not the type who will give up easily. The more that you prolong this, mas lalo silang mag-aaway. The next thing you knew, sira na yung friendship nila. Sira na yung banda nila. Everything that you tried to protect then will all fall apart because you were just so afraid to choose." Madiin niyang sabi sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Avvi makes so much sense. I know I have to choose. And I know my choice is obvious.

Hindi ko na namalayan na nakaalis na pala si Avii sa harapan ko at mag-isa na lamang ako sa kusina. Lumamig na ang kape na tinimpla ko para sa lima sa sobrang tagal ko na palang nakatanga. Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa narealize ngayon lamang. Can I take it? Kaya ko bang saktan si Athan..ulit?

"Matagal ka pa ba diyan? Gutom na ako."

Hinarap ko si Tan Tan na inip na inip ng nakatingin sa akin. Inilang hakbang lang niya ang pagpunta sa pwesto ko at kinuha ang isang tuna sandwich doon bago kinagatan. Tinitigan ko lang siya bago napalunok.

I kept staring at Stanley who is eating at the tuna na para bang bibitayin na siya bukas. Mahirap habulin ang takbo ng isip ni Montreal. He is too moody. At kahit masaya akong ayos na kami at hindi na malamig ang trato niya sa akin, natatakot naman akong baka magbago na lang iyon sa isang iglap.

Sinaktan ko siya noon. What if this is just his way of building his ego back? Paano kung naglalaro lang siya at hindi naman pala ito seryoso? Saan ako pupulutin kapag nangyari iyon?

Montreal siya. Iilang beses ko ng nakita kung ano ang nagagawa nila kapag nagagalit sila. It scares me more dahil ang inaasahan kong pagbaha ng galit ni Stanley sa akin noong bumalik ako ay hindi nangyari. I am more afraid that he just kept it all inside him. Parang bulkan na ano mang oras ay sasabog at wala akong kahit na anong magagawa kung hindi ang saluhin ang buong galit niya.

"Why?" tanong niya noong tumigil siya sa pagnguya. Tiningnan niya ako habang ako naman ay nagkibit balikat lamang sa kanya.

"May problema ka." Madiin niyang sabi. Tinukod niya ang kamay niya sa island at tinitigan ako sa mata. Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong inilapit sa kanya.

"You tell me what is wrong." Utos niya. Ngumiti ako ng pilit bago lumayo.

"Uhm.."

Natatakot akong sabihin kay Tan Tan ang nasa isip ko dahil baka totoo iyon. I don't want to burst my happy bubble. Kakabati lang namin kahapon.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon