IKAAPAT NA KABANATA
"Eh naman eh!" inis ko ng sigaw habang nakatingin sa mga nakahilerang dustpan sa department store. Ginulo gulo ko na ang buhok ko sa sobrang kalituhan ko.
Ano bang kulay ang gusto ni Tan Tan? Yung blue o yung green?
Bakit kasi sa lahat ng bagay na hihingiin niya, dustpan pa! Bwisit talaga yung Montreal na yun. At dahil nabwisit ako, kinuha ko na ang purple na dustpan at dumiretsyo na sa counter para magbayad. Pagkatapos ko ay dumiretsyo na ako sa building ng AEGIS. Ang sabi ni Athan, may dance rehearsal daw sila at gusto kong manuod. At kung papalarin, makikisayaw din ako. Ganda kaya nung rubber shoes ko, sayang naman kung di maeexpose. Dagdag mo pang first time sasayaw ng mga itlog. Puro lang kasi sila kanta at tugtog. Buti na lang at masisira na ang image nila sa mga babaeng nahuhumaling sa kanila. Maganda na iyon dahil baka may magkainteres pa kay Tan Tan.
Buhat buhat ko ang dustpan ng makapasok na ako sa building. Agad naman akong pinatuloy at dumiretsyo na ako sa practice room nila. Hindi na ako kumatok. Reyna nila ako. Hindi ko kailangang gasgasan ang balat ko para lamang papasukin ako---
"Toryang!! Kamahalan!" bungad sa akin ng pawis na pawis na si Ethan. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap.
"May pagkain ka?" si Greg naman ang lumapit. Tinaas ko lang ang dustpan kong dala.
"Anong gagawin mo sa dustpan?" tanong niya. Tiningnan ko iyon.
"Ah eto? Nanghihingi si Tan Tan eh." Sabi ko. Biglang napatingin si Stanley sa akin.
"Ha?" tanong niya. Hinarap ko siya.
"Naghingi ka ng dustpan diba?"
"Talaga? Kailan? Bakit hindi ko alam?" takang tanong niya. Napanguso lang ako at nagkamot ng batok.
"Kahapon. Noong bago tayo bumili ng fishball. Binulong mo sa akin iyon diba?" nakalimutan na niya agad? Kahapon lang iyon ah.
"Anong binulong? Anong dustpan?! Bakit ba du--" bigla siyang napatigil at tinitigan ako. Maya maya ay namula ng todo ang mukha niya.
"Dustpan ang narinig mo?" manghang sabi niya. Tumango ako. Matagal akong tinitigan ni Tan Tan. Tiningnan niya ang dustpan pagkatapos ay ako. Habang tumatagal ay umaasim ng umaasim ang mukha niya.
"Dustpan naman ang sinabi mo." Inosente kong sagot. Tinitigan lang niya ako na para bang gustong gusto na niya akong sakalin.
"Ayaw mo ba ng purple?" sabi ko na lang. Baka yun ang kinagagalit niya. Dapat talaga yung blue na lang yung kinuha ko kanina. Huminga ng malalim si Stanley bago niya ginulo ang buhok niya.
"Haynako Toryang! Haaaay! Talaga naman oo, dustpan daw! Aaah! Haaay nako, asar ka!"
Napakurap kurap na lang ako ng nagsisisigaw siya. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. bigla niyang tinaas ang mga braso niya bago bumagsak sa rubber mat.
"Haay, ang layo layo ng dustpan sa--haaay!" pumadyak padyak siya sa rubber mat pagkatapos ay hindi na siya gumalaw. Lumapit si Greg sa kanya at may binulong. Tiningnan lang siya ni Stanley.
"Dito ka muna Toryang." Sabi ni Iñigo sa akin bago ako inakay sa isang stool. Tumango na lang ako. Nagsimula na rin silang magpractice.
Napapangiti na lang ako noong tumayo na silang lima at nagsimula na ang tugtog. Nakatingin lang ako kay Athan na hindi gumagalaw. Wala siyang pakialam sa paligid niya habang inaayos lang niya ang butones ng shirt niya.
"Bakit di ka sumasayaw A?" natatawa kong tanong. Para kasi siyang ewan na nakatayo lang sa gilid. Tiningnan niya ako.
"Hindi ako marunong."
BINABASA MO ANG
Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer