Passport

153K 2.9K 131
                                    

20

 

 

 

 

"Sigurado ka ba dito kamahalan?" tanong ni Greg sa akin habang tinutulungan niya akong ilagay sa likuran ng taxi ang maleta ko. Tumango lang ako bilang sagot. Tinitigan lang niya ako at hindi na nagsalita pa.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Sa kanilang lima, si Greg lang ang sumama sa akin paalis. Hindi na ako nagulat doon, considering how rude Iñigo was when he learned about my decision. Hindi rin pumayag ang kambal sa gusto ko at pinigilan pa nila ako. Hindi na ako nagsalita noong nagalit ang AEGIS sa pag-alis ko.

 

"You know.. I kept my mouth shut dahil alam kong sobra na ang sasabihin ni Iñigo at nung kambal. Pero kasi Toryang, sa tingin ko, mas maganda kung dito ka na lang." sabi nito. Tiningnan ko siya. Nagsasalita siya habang pinapanood niya ang video ng performance nilang lima sa youtube.

"I need to go." Katwiran ko.

"You want to go. We need you Toryang. Stanley needs you." Diretsyo niyang sabi. Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na sumagot pa.

"Ikaw ang kailangan niya Victoria Shayne. Not just a woman who is deserving of him. He needs you. Ikaw lang." ibinulsa niya ang cellphone niya at tiningnan ako. Ngumiti lang ako ng mapait sa sinabi niya.

 

"Shut up Greg." Sabi ko na lang dahil ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya. Surely, he is just doing that because he wants me to stay. But I can't stay. Alam kong marami ang maiiwanan ko dito kapag umalis ako, but they will survive. AEGIS will survive without me. I know them.

 

"I don't know T. Alam mo naman sigurong malaki ang posibilidad na wala ka ng babalikan kapag umalis ka hindi ba? Stanley's not the most forgiving person."

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Greg. Alam ko naman yun. And that makes me more afraid. I know Stanley, kilala ko siya kaya nga ginagawa ko ito. Tama si Tatay Sandro. Kailangan nga naman talaga naming dalawa magmature. All my life, kay Stanley lang umikot ang mundo ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako.Naging desperada ako at wala nang nakitang iba pa kung hindi si Tan Tan lang.

Sometimes too much is too much. I have to lie low. I have to let him go and find myself. Yung Toryang na nabubuhay para sa sarili niya at hindi para mapansin ng isang Stanley Montreal. If I want everybody to accept me as someone who is deserving of that Montreal, then I have to accept myself first. I have to lose all my insecurities. Kailangan kong gawin ito.

Siguro hindi nila ako maiintindihan ngayon. But I know, everything will fall right into its place. Hindi man siguro ngayon, pero darating din ang panahon na hindi ko na kakailanganing patunayan ang sarili ko sa lahat ng nasa paligid namin ni Tan Tan.

"Mag-iingat ka." Greg said. Tumango lang ako at pumasok na sa loob para makapag board. I looked back at Greg and waved him goodbye. He just nodded at me. Tinitigan ko lang siya habang kumakaway ako sa kanya. I bit my lips so hard para pigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pero nang maramdaman ko iyong tumulo ay agad na akong tumalikod sa kanya. Halos takbuhin ko na ang daan papasok. Natatakot akong baka magbago pa ang isip ko at mananatili na lang ako dito.

I have to be away from here. I have to grow. Para balang araw, I can be someone who is worthy of Stanley.

---------------------------------

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon