Zipper

157K 3.3K 334
                                    

24

Ilang minuto ring hawak lang ni A ang kamay ko. Lumapit na rin si E para tumabi sa akin at yakapin ako. Ramdam ko pa rin ang lamig na nanunuot sa balat ko.  Mabuti na lamang at nagpabili na sina I at G ng bihisan ko.

 

"Should I turn the airconditioner off?" concerned na tanong ni E. Patayo na sana ito ng bigla ring tumayo si Tan Tan at lumapit sa aircon. Nilakasan niya pa ito at halos mangatal ako noong umihip ang malamig na hangin mula doon.

 

"Ang init naman ngayon." Sabi nito. Naglakad siya pabalik kay Ria at inihilig niya ang ulo niya sa balikat nito. Huminga ng malalim si E at tiningnan si Tan Tan.

 

 

"Nilalamig si Toryang." Madiin n sabi ni Ethan. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa balikat ko.

"E-ethan.." I stammered. Nilingon lang ako nito bago niya muling binaling ang tingin niya kay Tan Tan.

Tumingin lang si Tan Tan sa akin bago ngumuso. Lalo siyang sumiksik kay Ria. Lumigid ng kaunti si Ria at may ibinulong dito. Nalukot ang mukha ni Tan Tan at lalong nainis.

 

"Nilalamig ka?" tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya bago ko nakagat ang labi ko. Tumango lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita sa sobrang lamig. Lumingon ito kay Athan bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

"Stanley."  Tawag ni Iñigo dito. NAglakad si Greg papunta sa aircon at pinatay iyon. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang si Stanley sa akin.

 

"Halos mamatay na siya sa lamig Stanley. Ano bang ginagawa mo?" naiinis na tanong ni I dito. Ngumisi lang si Tan Tan at pinaypayan niya ang sarili niya.

"Naiinitan ako." Simple nitong sabi. Suminghap si Greg sa sagot nito.

 

"Pathetic. Para ka pa ring bata Stanley."

 

 

"Ano na namang koneksyon ng pagiging isip bata ko sa aircon? Ang babaw mong kausap Greg." Ganti ni Stanley dito. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Greg.

 

"Hindi mo ba nakikita, nanginginig siya--"

"Eh di umalis siya dito. She's good at leaving. Lumabas siya kung hindi niya kaya." Tuloy tuloy nitong sabi. Parang wala lang sa kanya ang mga salita niya habang ako naman ay napapangiwi na sa sakit noon. Tumayo ako para lumabas ngunit muntik akong matumba dahil sa panghihina ng tuhod ko.

 

"Alam mong hindi kaya ni Toryang ang lamig Stanley."

 

 

"She stayed in the US for four years. Nasanay ka na sa lamig hindi ba Victoria?" nakangisi nitong sabi. Tiningnan ko lang siya.

 

"Lalabas na lang ako." Sabi ko. Naglakad na ako diretsyo sa hallway kahit na mabuway ang mga paa ko. Kumapit ako sa pader at pinilit maglakad ng tuwid.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon