Insecurities Kill

172K 3K 255
                                    

18

Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng Galleria pero wala pa ring taxi na humihinto sa harapan ko. Sumabay pa ang pagpatak ng ambon sa kapalaran ko. Gustuhin ko mang bumalik sa loob, alam kong nandoon naman si Tan Tan.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mata ko. Napapapikit na lang ako kapag naaalala ko ang sakit sa mukha ni Tan Tan noong pinipilit niya akong magsabi sa kanya ng nararamdaman ko. Kung katulad lang sana ako ni Georgina. Kung kasing yaman lang sana ako ni Georgina, buong puso akong sisigaw na mahal ko siya. Pero hindi ko kaya dahil ayaw ko na ng kumplikasyon. Hindi ko pa kayang ipaglaban si Tan Tan dahil mahina pa ako. I can't even fight for my father, how can I fight for him? He is a freaking Montreal. Kahit kailan, ang babaeng katulad ko, hindi babagay sa lalaking katulad niya.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao lalo na at malakas na ang buhos ng ulan pero hindi pa rin ako sumisilong. Ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko sa lamig pero nanatili pa rin akong naghihintay ng taxi. Biglang umihip ang hangin at nangatal na ako.

"Are you trying to kill yourself?!"

Napatingin ako sa lalaking galit na galit nang nakatayo sa likuran ko. Tulad ko ay basa na rin siya dahil sa ulan. Tinitigan ko siya at ganun na lang ang gulat ko ng hinila niya ang pulsuhan ko at kinaladkad ako papasok.

Malalaki ang hakbang niya at halos hindi na ako makasunod sa bilis ng paglalakad niya. Wala na ring lakas ang tuhod ko dahil sa pagkakababad ko sa ulan. Pumasok kami sa elevator at tinulak niya ako papasok bago malakas na sinuntok ang pader sa may bandang ulunan ko. Napatalon ako sa gulat sa ginawa niya.

"Ano bang problema mo?" nagiigting ang bagang niya habang sinasabi niya iyon. Nagiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Toryang!!" sumigaw na siya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Ramdam ko ang lakas ng pagkalabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Tumigil ang elevator sa susunod na florr at nabigla pa ang dalawang babae na papasok sana. Tumingin si Tan Tan sa dalawa.

"Labas!" sabi niya dito. Namutla naman ang dalawa at halos kumaripas ng takbo. Binalik niya ang tingin niya sa akin.

"Toryang naman.."

Napapikit ako ng marinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Yumuko ako para hindi ko makita ang mukha niya.

"Anong problema?" malambing na niyang sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming dalawa.

I am not enough for you. Hindi tayo bagay. Ito ang problema ko Tan. Pakiramdam ko wala akong lugar sa isang katulad mo. Ang pag-alis ko lang ang makakatulong sayo at sa banda na mahal na mahal mo. Hindi ako sapat sayo kaya gusto ng mga tao sa paligid mo mawala ako. Hindi ako sapat Tan.

"Toryang.." namamaos na ang boses niya ng tinawag niya ako. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at marahan siyang tinulak.

"Gusto ko ng umuwi Stanley." Bulong ko. Ni hindi man lang siya gumalaw sa sinabi ko. Rinig ko na lang ang pagbigat ng hininga niya sa bawat segundo na lumilipas sa pagitan naming dalawa. Dahan dahan siyang lumayo sa akin. Pinadaan niya ang daliri niya sa buhok niya bago ako tiningnan ng matiim. Pakiramdam ko ay nanunuot ang tingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya bago siya tumalikod at lumabas na. Napahinga na lang ako ng malalim at sumunod na rin palabas.

----------------------------------------

"When I grow up, I want to be a lawyer."

Madali lang sabihin ang pangarap na ito noong bata palang ako. Noong hindi ko pa naiintindihan kung gaano nga ba kabigat ang pangarap na iyon. Gusto ko lang naman kasing maisuot ang mga damit ng mga abogada at magbigay hatol sa mga masasamang tao. Ganun lang kasimple. Ito lang ang pangarap ko. If I pursue the scholarship and earn an additional degree in Law, wala nang makakapigil pa sa katuparan ng pangarap ko. This is all I ever wanted.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon