Enigma 4

25 7 2
                                    

Not you







Pagkatapos naming kumain ay ginamit ulit ni Fizureh ang kaniyang Chandra upang makabalik kami sa kaharian.

" May task pa pala tayo." sabi ni Fizureh, nabigla rin ako. Nawaglit ko iyon sa aking isipan.

"Ang dali lang siguro non, sigurado." pagmamayabang ni Neelu, mas kinabahan ako dahil baka hindi ko iyon masagutan.

" Ang yabang mo naman Neelu, palagi nga kitang natatalo sa mga ganong bagay." sabi ni Aika sa kaniya.

"Natalo mo na ba si Jalaneel?" naka ngising tanong sa kaniya ni Neelu.

" Alam mo, tayo ang pinag uusapan, bakit ka nandadamay ng iba?" sagit sa kaniya ni Aika.

"Walang tayo, alam mo, napag hahalataan na kita ha." pang aasar niya kay Aika.

"Kapal mo naman, Neelu! Sa pagkaka alam ko nang malasing ka, sinabi mo kay Jalaneel na gusto mo ako. Kaya hindi mo mapapagana sa akin yang mga taktika mo. " sagit ni Aika kay Neelu, na namumula na sa hiya.

"Hindi ba Jalaneel?" tanong pa ni Aika kay Jalaneel. Tumango lamang si Jalaneel bilang sagot.

"Mauna na ako, naririndi na ako sa inyu, eh!" bigla na lamang nag laho si Fizureh.

"Una na rin ako." sabi ni Neelu at sumunod na nawala si Aika.

Kaming dalawa na lang ni Jalaneel ang natitira. Hindi ko alam kung mananatili ba ako o aalis na rin.

"If you can't answer the task, remember Ma'am Myta's words." yun ang huling sinabi niya ay naglakad narin palayo .

Bumalik na rin ako sa aking silid. Binukasan ko ang pinto at inihanda ang aking sarili para tignan ang task na binigay ni Ma'am Myta.

Kinuha ko ito at tinignan ang naka sulat.
ettesulB si ym emoh.

Ilang beses kong tinignan ito. Inalala ko ang sinabi ni Jalaneel sa akin. Alalahin ko raw ang sinabi ni Ma'am Myta.

Ano ba ang sinabi ni Ma'am Myta?  Ilang minuto kong pinag isipan kung alin doon sa kaniyang mga sinabi.

Baliktarin niyo ang ang flascards.Diba, wala kayong nakita? Baliktarin niyo ulit

"Baliktarin, baliktarin, baliktarin," paulit-ulit kong sambit habang pinapa-ikit ang ballpen.

" I GET IT! It's a reverse code." nagtata-talon ako sa sobrang saya.

Isinulat ko ang sagot sa aking papel.
Matapos n'on ay nag handa na ako para matulog. Nang ako'y humiga, hindi ko mapigilang isipin kung kamusta na kaya si Mama at Papa. Mag i-isang taon na akong tulog. Siguro nawawalan narin sila ng pag-asa kung magigising pa ba ako. Ako mismo ay hindi ko alam kung makaka-alis pa ba ako rito.

Umiyak na naman ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako sa sobrang pagod sa pag iyak.

Nang aking tignan ang orasan ay ala singko na. Dali-dali akong nag bihis. Nang matapos akong maghanda ay dinala ko lahat ng aking mga gamit. Isinarado ko na ang aking silid at naglakad papunta sa paaralan.

Nakita ko na naman ang pamilyar na puno, na siyang aking nakikita sa aming mundo. Hindi ko alam kung anong mayroon dito.

Dumiretso ako sa paaralan at ako pa lamang at si Neelu ang naroroon.

"Azurine, dito ka na sa tabi ko." naka-ngiting sabi ni Neelu.

" Sige," umupo ako sa tabi ni Neelu.

Ilang sandali lang, nagsidatingan  na rin ang lahat. Si Fizureh ang umupo sa inupuan ko kahapon, si Jalaneel doon parin kung saan siya umupo kahapon.
Si Aika ay umupo sa inupuan kahaoin ni Fizureh.

ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon