"Jalaneel, ikaw ang inaatasan kong magligtas sa puno ng Ossaiwa." Marlais said, tinitigan ko lang siya at saka naglakad palayo. I abhor him.
"Hindi ka man lang magpapa-alam?" tanong niya habang naglalakad ako. Hinarap ko siya, ngumiti, saka umalis uli nang walang sinabing salita.
Susundin ko parin siya, hindi bilang ama, kundi bilang isang pinuno ng kaharian na ito.
Pumunta na ako sa puno ng Ossaiwa at nakitang sasa-gaasan ng pulang kotse ang itim na kotse. Ginamitan ko ito ng aking chandra upang patigilin ang dalawang kotse.Lumabas ang dalawang babae at nagpakita ako sa kanila.
"My help is not for free, without my help naga-agaw buhay na kayong dalawa. Hindi ito libre, walang libre sa panahon ngayon." diretsang sabi ko sa kanila, ayoko nang masyadong magpaligoy-ligoy.
"Thank you, Iho. Anong gusto mong pabuya? Kotse? Bahay? Name it." tanong ng isang babae. Tumawa ako sa kaniya at nagulat silang dalawa. Nagtataka siguro kung bakit ako natatawa.
" Hindi ko kailangan ng pera at lalong hindi ko kailangan lahat ng binanggit mo." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Ikaw ang maga-agaw buhay, kung sakaling hindi kita nailigtas." itinuro ko ang isang babae, naka uniporme ito ng uniporme ng guro. "Ikaw ang anak mo ang maga-agaw buhay kung sakali." itinuro ko ang isang babae mula sa pulang kotse.
"Sa madaling salita, ikaw." itinuro ko ang babae na bumaba kanina mula sa itim na kotse. "At ang anak mo." itinuro ko ang kaniyang anak sa loob ng sasakyan.
"Ang kabayaran sa utang niyo." sabi ko sa kanila, mababakas ang pagkabigla sa kanilang mga mukha.
"Iho, kayang kong ibigay kahit anong hingin mong materyal na bagay, wa'g ang anak ko. Maawa ka." pagmamaka-awa ng babae na bumaba mula sa pulang kotse.
"Iho, walang a-alaga sa anak ko, napakabata pa niya para iwan ko." nai-iyak na sabi ng isa.
"Iniligtas ko na kayo. Ngayon, gusto niyong problemahin ko pati problema niyo? " hindi napigilan ng aking kilay na tumaas.
"Iho, kahit ano, wag lang ang ganito." pagmamaka-awa ng isa. Lumuhod naman ang isang ina.
I suddenly feel guilty. Hindi ko kayang makita ang isang inang nagkakaganito.
"Tumayo po, kayo." itinayo ko siya.
"Okay, ipalit niyo ang inyong mga anak sa ngayon. " their eyes widened with what I've said."Iho, h'wag ka namang mag biro ng ganiyan." nanginginig ang boses nito.
"I'm not kidding, Do I look like I'm joking?" naiinis na tanong ko sa kanila.
"Kapag pinalit niyo sa ngayon ang inyong mga anak, kapag darating ang araw na kukunin kita." I pointed the lady with the black car. "Makakasama mo ang anak mo, dahil sa halip na anak niya ang kukunin ko, ay anak mo ang makukuha ko. Magkakasama kayo doon nang matagal sa Chandraneel, while you and your son will be living here happily. That way, the both of you win the situation." I explained them. Mukhang nag-isip naman sila kung papayag ba sila. For me, it doesn't matter if what will be their decision. Kahit ano, pabor sa akin. Basta, dalawang tao ang madala ko sa Chandraneel.
"What's your decision?" I asked the both of them. Tinignan ko ang aking relo, tiyak naghihintay na sa akin sina Neelu.
Hindi naman pumupunta ng Neeblaja ang mga iyon nang hindi kompleto ang Bluesette. Kinakailangan na rin ng isang miyembro para tuluyang mabuo ang Bluesette. Hindi pa namin matukoy kung anong chandra ang taglay nito, kapag ang taong nagmula sa kanilang mundo; at ginamit ang puno ng Owaissa papasok ng Chandraneel, awtomatiko itong nagkakaroon ng sariling chandra. Kami ang tutulong sa kaniya upang matukoy niya ang taglay niyang chandra na ipagkaloob sa kaniya ng puno ng Owaissa.
BINABASA MO ANG
ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1
FantasyAng makulimlim na kalangitan; ang banayad na pag haplos ng hangin sa aking katawan. Mga banoy na naglilipana sa kalawakan. Ang perpektong kaharian, hindi nitong kayang tumbasan Ang takot sa aking dibdib na nararamdaman. Pamilyar sa akin ang lugar...