Watt
Kinabukasan, maganda ang naging gising ko. I started my day with a smile on my face. Nang matapos akong maligo at naghanda na para sa pagpasok. Naging komportable na ako sa Chandraneel. Minahal ko na ang pagiging Chanraneelen. Gumaan na ang loob ko sa bawat miyembro ng Bluesette.
Nang lumabas ako, naroon na si Jalaneel, naghihintay. Nang makita niya ako ay nilapitan niya ako at kinuha ang aking bag. Siya ang palaging nagbibit-bit nito. Nahihiya ako, dahil napakaraming chandraneleens ang nakitingin sa amin.
Medyo umusog ako palayo ng konti kay Jalaneel ,dahil masyado na akong nahihiya sa mga nakatingin. Naging matalim ang naging tingin niya sa akin.
"What are you doing?" malamig niyang tanong.
"Uhmmm... Nahihiya ako." I shyly answered.
"Tss... Kahiya-hiya ba ako?" naiinis na tanong niya.
"Ahhh... H-hindi n-naman." I said.
"Tss..." yun lang ang tanging sinabi niya at hindi ako pinansin hanggang sa makarating kami ng paaralan.
Nang makapasok kami, inilagay niya lang sa aking upuan ang aking bag at dumiretso na siya sa kaniyang upuan. Na guilty tuloy ako. Bahala na magso-sorry nalang ako mamaya sa kaniya.
Isang normal na araw lang sa paaralan, normal na may pa contest si Ma'am; hindi mawawala ang asaran ni Neelu at Aika, at ang pagkainis ni Fizureh dahil naririrndihihan siya sa boses ni Neelu at Aika na hindi matapos-tapos ang pagtatalo.
Paglabas ko nag a-antay na si Jalaneel sa labas, nang makita niya ako agad siyang tumungo sa direksiyon ko.
"Give me your bag." he said, hindi ko binigay sa kaniya.
"Ayoko, galit ka, eh." I said.
"What's the connection of me getting mad and your bag?" walang emosyon niyang tanong.
"Akala ko leader ka ng Bluesette? Simpleng katanungan di mo kayang sagutin?" patanong na sagot ko sa kaniya.
"When it comes to you, even the simpliest and easiest question, I want the most precise answer. " he answered, walang paring emosyon ang mababakas sa kaniyang mga mukha.
"I don't want you to bring my bag, because your mad at me, and this bag belongs to me. " I answered him honestly.
"First, I don't remember me saying that I'm mad at you. Second, even if I'm mad I'll still bring that bag, because as you said that belongs to you; I love everything and anything that you considered yours. Lastly, when did I get mad at you?" sabi niya sabay kuha ng bag ko.
"Masyado ka naman palang understanding, Jalaneel. Edi ikaw na." panunukso ko sa kaniya.
"When you love, you need to understand your love ones. Ang tunay na nagmamahal marunong umintindi." he seriously said.
"Paano kapag hindi pina intindi ang gusto mong maintindihan?" nagbibirong tanong ko sa kaniya, sabay tawa.
"Intindihin mo sarili mo,Azurine." pagbibiro niya, inirapan ko lang siya at kinuha ulit yong bag ko sa kaniya. Masayado siyang malakas kaya hindi ako nagtagumpay sa pagkuha nito.
"I'm just kidding, i-initindihin parin kita, hahanapin ko ang lahat ng posibleng dahilan para lang maintindihan ang nais mong ipaintidi. " he said, inakbayan niya ako and he kissed my forehead.
"Ang tindi mo, Jalaneel." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Ikaw lang nagpapatindi." tumawa ako sa kaniyang sinabi.
"Ang corny mo, Jalaneel." panunukso ko sa kaniya habang tumatawa parin sa mga banat niya.
"Am I?" naguguluhang tanong niya, siguro iniisip kung corny ba talaga siya.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at matapos niyang ibigay ang bag ko ay isinarado ko na ang aking pinto.Maglinis muna ako ng aking katawan bago matulog at napansin ko na naman ang kulay asul ma marka sa ilalim ng aking paa, mas lumalaki na ito ngayon. Wala naman akong natatandaang gumamit kami ng pinta. Pilit kong tanggalin ito,ngunit hindi talaga. Pinabayaan ko nalang muna ito at nagbihis na upang makapag pahinga.
Nagulat na lamang ako nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Nang aking buksan, Si Ma'am Myta, may dalang pagkain. Nakalimutan ko nga palang kumain.
"Azurine, this is for you." she said and smiled. I really admire her thoughtfulness, even in human world. She always gave me a simple 'goodluck', before I joined every quiz bee. Ngayon ko lang napansin na siya palagi quiz master sa mga quiz bee na sinasalihan ko. Maybe, napakarami na niyang karanasan dito.
"Thank you, Ma'am. I really love this." I thanked her.
"You're welcome,Azurine. Mauna na ako." she said, luminga muna siya sa kaniyang paligid. Tila may inaabangan.
Sinirado ko ang pinto at hindi ko na kinain ang bigay ni Ma'am Myta, dahil hindi ako nagugutom. Itinabi ko nalang ito sa aking lamesa at bumalik na sa kama, upang humiga at matulog. Mabilis akong dinalaw ng antok kaya mabilis rin nakatulog.
Kinabukasan, naghanda ako para sa pagpasok. As usual, Jalaneed waited for me. Binitbit niya ulit ang aking bag. I smiled, because that's Jalaneel's signature simple move.
Habang naglalakad pababa ay hindi inaasahang sumabog ng isang bulb. Mabilis na hinigit ni Jalaneel ang bewang ko papunta sa kaniya.
"Mang Lino, pakiayos nalang po. Salamat!" sabi niya sa isang lalaking medyo may katandaan na.
"Sige, Jal kukunin ko lang mga gamit ko." Mang Lino said.
"Thank you so much, po." sabi ni Jalaneel.
" Walang anumang iho, napaka bait mo talagang bata. Kahit napakataas ng posisyon mo sa kahariang ito, hindi ka nagyayabang." nakangiting sabi sa kaniya ng matanda.
"Mauna na po kami." Jalaneel said at hinila ako palayo doon.
"Position? What's your position im Chandraneel? " I asked him.
"Wala, inform mo nalang ako ang meron na akong posisyon sayo." he said.
"Ano nga?" pangungulit ko sa kaniya.
"Tss... Leader of the Bluesette." he answered. Oo nga pala, ang tanga ko naman.
"Bukod doon?" kuryuso kong tanong.
"Wala na, sayo meron naba?" pag-iiba niya ulit ng usapan.
"Manual na inaayos pala ang gamit dito? Akala ko ginagamitan niyo lahat ng mahika." sabi ko sa kaniya.
"Kon ang mga bagay ay pangangailangan, tulad ng mga pagkain, mahika ang ginagamit. Kapag naman normal na bagay lang, inaayos nalang ito." he explained to me.
"What did the boy bulb said to the girl bulb?" he asked.
"I don't know. " I honestly answered.
"Guess." he said.
"Bulb doesn't speak." I answered.
"Tss..." naiinis niyang sabi.
"Ano ba?" tanong ko sa kaniya.
"I love you a whole watt." he said.
Tumawa lang ako sa kaniya. "Corny mo, Jalaneel."
BINABASA MO ANG
ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1
FantasyAng makulimlim na kalangitan; ang banayad na pag haplos ng hangin sa aking katawan. Mga banoy na naglilipana sa kalawakan. Ang perpektong kaharian, hindi nitong kayang tumbasan Ang takot sa aking dibdib na nararamdaman. Pamilyar sa akin ang lugar...