Enigma 6

17 6 0
                                    

Failure




Sobra ang kaba na aking nararamdaman. Si Jalaneel ay naka pwesto na sa kabilang banda.

"Think that you have a power, if I used my power againts you, gamitin mo ang kahit na anong parte ng iyong katawan ang sa tingin mo ang makakatulong sa iyo. 'Wag mong isipin na na wala kang Chandra, did you get it?" sabi ni Jalaneel. Natatakot ako. Tumango ako sa kaniya, kahit alam kong hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba.

"Huwag kang mag-aalinlangang labanan ako naiintindihan mo? Isipin mo isa akong kaaway na handa kang patayin ano mang oras kung gugustuhin ko." matigas na sabi ni Jalaneel.

Inumpisahan niya nang ilabas ang hangin sa kaniyang mga kamay. Sa kabila ay ang apoy, dahan-dahan ay lumalaki ito nang lumalaki. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

Pinaghalo ni Jalaneel ang ang apoy at hangin na nasa kaniyang mga palad. Walang kahirap-hirap niyang ginawa ito; tila sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa.

Nang kumuha siya ng bwelo upang umatake ay nanigas lamang ako sa aking kinakatayuan.

"Azurine,get ready!" sigaw ni Jalaneel, ngunit hindi ko talaga alam ang gagawin ko,nakatayo lamang ako.

Nararamdaman ko na ang pagtama ng Chandra ni Jalaneel sa akin. Akala ko ang matutumba ako sa lakas nito,ngunit binawi niya ang kaniyang Chandrang umatake sa akin.

"I told you to fight!" pagalit na sigaw ni Jalaneel, naiiyak lamang ako, ngayon ko lang siya nakitang ganito magalit. Nasanay ako sa mukha niyang walang ekspresyon.

"Let's try again." mas kalmado na ang kaniyang boses ngayon.

"I'm afraid," I honestly said.

"When you're with me, fear nothing. " he firmly said.

"Now, I want you to fight me." sabi niya ulit. Dahan dahan akong tumago sa kaniya.

Ngayon ay mas determinado ako. Kinalma ko ang aking sarili at tumayo ng tuwid.Mas tinapangan ko ang akin loob. Kumuha ako ng malalim na hininga.

"Let's do it again." Jalaneel said.

"Don't hesitate to fight back, did you hear me?"he asked, I just nodded, and he started again.

Inilabas niya ang hangin sa kanang kamay at ang elektrisidad sa kaliwa. Mas kinabahan ako dahil parang lalabas ang mga ugat ni Jalaneel sa kaniyang mga kamay, dahil sa lakas ng pwersang lumalabas dito.

Kumuha na siya ng bwelo para magamit ang kaniyang Chandra laban sa akin, hindi nako nakapaghanda sa atakeng iyon. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan dahil sa atakeng dala ng Chandra ni Jalaneel.

Natumba ako sa sobrang sakit na dala ng pinaghalong hangin at eletrisidad.
Mabilis na lumapit si Jalaneel sa akin. Mababakas ang pag a-alala sa kaniyang mukha.

"Are you okay?" he worriedly asked.

"Uhmmm... Okay lang ako." I answered, kahit na ang sakit sakit ng katawan ko.

"Let's rest for one hour. Halika,gagamutin ko ang sugat mo. " sabi niya, hinila niya ako papunta sa isang upuan. Kumuha siya ng first aid kit sa drawer.

"I'm sorry." naiiyak kong sabi.

" Don't feel sorry" tinignan niya ako, ngunit yumuko din ito pag patuloy na ginagamot ang mga sugat ko.

"Sorry, kasi hindi ko magawa ng maayos ang pinapagawa mo sa akin. " I said.

"Not every first time will gives you luck, that's why we we have a term 'try again'. If failing motivates you, I'm more motivated to make you feel that you aren't a failure." Jalaneel said, hindi ko mapigiling hindi humanga sa mga salitang sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa aking dibdib.

ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon