Enigma 2

30 9 2
                                    

Blue


Pinunasan ko ang aking mga luha, ngunit may mga bumabadya na namang tumulo. Hindi ko alam kung bakit ako nandito.


Patay na ba ako?Binabangungot? Hindi ko alam. Gulong gulo na ako. Panaginip lang ba ito? Kasi gusto ko nang gumising.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Gayunpaman, parang may tumutulak sa akin na pumunta at buksan ang gate na pula.

Binuksan ko ang gate, napakaganda ang kaharian na ito. Ang hindi ko lang mainitindihan ay kung bakit ang mga halaman ay kulay asul, halos lahat ng makikita ay kulay asul. Ang buwan ay kulay asul din.

"Pumasok ka," nagulat ako nang magsalita ang lalaki. Medyo may katandaan na ito, makikita ang ang kulubot sa kaniyang mga mukha.

"Nasaan po ako?" naiiyak kong tanong.

"Maligayang pagdating, ito ang mundo ng Chandraneel, ang mundo na matagal nang naghihintay sa pagdating mo." gulong-gulo ang isip ko sa tinuran ng matanda.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" pinilit kong maging normal ang boses ko, ngunit mababakas ang takot at kaba rito.

"Malalaman mo rin, hindi pa ito ang tamang panahon. Sa ngayon, pumunta tayo kay Marlais, alam kong ikagagalak niya ang iyong pagdating." kahit kinakabahan, sumunod parin ako sa matanda.

"Sino po si Marlais?" tanong ko sa matanda.

" Si Marlais ang pinaka mataas na pinuno ng kahariang ito." sagot sa akin ng matanda. Marami akong gustong itanong,dahil gulong-gulo na ako.

Mas pinili ko na lamang na itikom ang aking mga bibig. Habang naglakakad ay tinatanaw ko ang bawat pasilyo, durungawan, at mga mwebles na kulay asul ang lahat.


Maraming mata ang nakatingin sa akin. Ang kanilang mga anyo ay katulad rin sa anyo nating mga normal na tao. Iba-iba ang kulang ng kanilang mga buhok, mayroong kahel, mayroong berde at mayroong kayumanggi.

Nakapalawak at napakataas ng kaharian na ito.

Ang bawat pinto ang may numerong naka-ukit. Mula sa pinaka baba na nag uumpisa  sa 1. Ngayon, nasa ikatlong hagdanan na kami, may numerong naka-ukit sa pinto sa pinaka dulo na 79. Marahil, sa dami ng nakatira sa lugar na ito.

Nagpatuloy  kami sa paglalakad at pag akyat ng hagdanan. Sumunod lamang ako sa matanda. Nang makarating kami sa pinakataas ng kaharian ay binuksan ng matanda ang nakapa laking pintuan sa gitna.

" Maligayang pagdating, Azurine." wika ng isang lalake. Napak-gwapo ng kaniyang mukha kahit may katandaan na, mapupula ang kaniyang mga labi, mapupungay ang kaniyang mga mata, at ang kulay kahel niyang mga buhok ay tumitingkad.

"Paano mo po ako nakilala?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ako si Marlais," wika nito,ngunit hindi sinagot ang aking katanungan.

"Nais ko na pong maka-alis sa lugar na ito," kinakabahan man, pinilit kong maging matapang sa harap nito.

Tinitigan niya ako na para bang isa maling salita pa ang aking sasabihin ay kayang kaya niya akong paslangin sa pamamagitan lamang ng kaniyang mga mata.

"Ito na ang mundo na nakatadhana sa iyo, hindi mo matatakasan ang kapalaran na ito. Ito ang usapan namin ng iyong ina," hindi ako maka galaw sa aking narinig. Bakit ako hahayan ni Mama na mapunta sa lugar na ito?

"Bakit ako hahayaan ng aking ina na mapunta dito? Paki-usap 'wag niyong dumihan ang aking ina sa aking harapan," nagulat ako nang humalakhak si Marlais.

ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon