Languange
Kinabukasan, maaga akong nagbihis para sa Chandarian day. Naligo at nag nagbihis na ng binigay ni Ma'am Myta na damit sa akin. Tinitigan ko ang aking repleksiyon sa salamin. Napaka ganda ng damit na siyang nagbigay kulay sa maputi kong balat. Sinuklay ko na ang aking buhok.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Jalaneel sa pader, nakasandal ang ulo at nakapamulsa.
Nang makita niya na lumabas na ako, tumuwid siya sa pagkakatayo. Tinitigan niya ako, iniwas ko ang ang mga tingin, dahil nahihiya ako.
Habang papalapit siya ay mas lalong lumalakas ang kalabog ng aking dibdib. Ang buhok niya ang naka-ayos ng mabuti. Sa nga normal na araw ay magulo ito. Kahit anong ayos ng buhok ay nababagay sa kaniya.
"Bagay sa iyo ang buhok mo." I complimented him.
"Mas bagay ka sa akin." sabi niya walang ekspresyon parin ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso siya. Kinilig ako sa sinabi niya, slight lang.
"Ang ganda mo, Azurine." sabi ni Neelu, nasa tabi niya si Aika at Fizureh.
"Thank you!" nahihiya kong sagot.
"Mas maganda kung ititikom mo ang bibig mo,Neelu. " sabi ni Aika sa kaniya.
"Selos kalang eh!" panunukso ni Neelu sa kaniya.
"Nakakadiri ka naman,Neelu." nandidiring sambit ni Aika.
"Asus kunyaring nandidiri, kinikilig naman." sabay kindat kay Aika.
"Alam mo, Aika. I need a map the moment I saw you." hirit ni Neelu sa kaniya.
"Are you sure that you only need a map? Not me?" hindi nagpatalo si Aika kay Neelu.
"I needed a map, because I got lost in your eyes. " hirit ulit ni Neelu sa kaniya.Namula ang mukha ni Aika, ngunit hindi ito ngumiti.
"I don't care." inirapan niya lang si Neelu. Natawa naman si Neelu, nasanay na siguro sa pagiging mataray ni Aika.
"Kumapit na kayo sa akin, gagamitin ko nalang ang Chandra ko, upang mas mabilis tayong makarating sa Nabhendu." sabi ni Fizureh.
"Nabhendu?" nagugulahan kong tanong.
"May lugar pa sa ilalim ng kaharian na ito. Dito ginaganap ang lahat ng mga pagtitipon, parte parin ito ng Chandraneel. Yun nga lang sa ilalim ng lupa ito makikita." namangha ako sa sina ni Fizureh.
Kumapit na ang lahat upang makasabay kami sa Chandra ni Fizureh.
Nang makarating kami sa Nabhendu ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang ganda! Sobrang ganda! Ang mga upuan ay kumikinang, gawa ito sa mga blue gem. Ganon rin ang mga lamesa. Ang ilaw ay kumikinang rin. Napakaganda. Ilang minuto siguro nakanganga lang ako sa aking nakikita.
"Tara! Dito raw ang lamesa ng Bluesette. " sabi ni Fizureh, itinuro niya ang magandang lamesa. Nasa sentro ito.
Sumunod kami sa kaniya at umupo na rin. Marami ng chandraneelens ang nasa loob ng Nabhendu.Makikita ang kagalakan sa bawat isa. Sama-sama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ilang sandali pa, nakita ko si Ma'am Myta pupunta sa direksiyon namin. Agad akong ngumiti sa kaniya, nang makita niya ako ay ngumiti rin siya.
"Are you guys enjoying here?" she asked and smiled.
" Yes, Maam" we happily answered.
"Good to know, maiwan ko na muna kayo." paalam niya at tumango lang kami bilang sagot.
Malaki ang naging papel ni Ma'am Myta sa akin. Palagi niya akong kinakamusta at kung minsan ay pinupuntahan ako; tinatanong kung may kailangan ba ako.
Dahil sa kaniya, nabawasan ang lungkot na aking nararamdaman. Nahanap ko sa kaniya ang kalinga at pagmamahal ng isang ina.
BINABASA MO ANG
ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1
FantasyAng makulimlim na kalangitan; ang banayad na pag haplos ng hangin sa aking katawan. Mga banoy na naglilipana sa kalawakan. Ang perpektong kaharian, hindi nitong kayang tumbasan Ang takot sa aking dibdib na nararamdaman. Pamilyar sa akin ang lugar...