Solve?
"Close the door, may pupuntahan tayo." Fizureh said.
"Saan?" tanong ni Aika, habang umiiyak parin.
"Isang tao lang ang maaring sumagot sa mga ito." sabi ni Fizureh, sumunod lang kami sa kaniya.
Nang pumunta kami sa pinakamataas na bahagi nga kaharian ng Chandraneel, nasisigurado ko na si Marlais ang sadya namin dito.
"Hindi kayo pwedeng pumasok nang walang pahintulot." hinarangan kami ng matanda na siyang nakita ko noong pumasok ako rito.
"Hindi mo naman siguro gusto na kunin ko ang lahat ng hangin sa katawan mo?" Aika raised her brow, pero tinawanan lang siya ng matanda.
"Iha, mag dahan-dahan ka sa pananalita mo, Aika. Baka hindi rin gustuhin ang kaakibat na kaparusahan nito." natatawang sabi sa kaniya ng matanda.
"I'm sorry for that. Come here." hinila kaming dalawa ni Fizureh sa gilid.
"Be careful with your words, Aika. Baka ikaw ang mawalan ng hininga. 'Wag ka nang dumagdag sa po-problemahin ni Jalaneel." sabi ni Fizureh. " Kumapit kayo sa akin, gagamit ko ang chandra ko." kumapit kami sa kaniya at maya-maya ay nasa loob na kami. Naroon si Marlais, nagbabasa.
"Mautak ka talaga, Fizureh." tumatawang sabi ni Marlais, habang pumapalakpak.
"We're not here for your compliments." walang ganang sabi ni Fizureh.
"We're here to ask questions." diretsong sabi ni Fizureh.
"Bakit ko sasagutin ang mga katanungan niyo?" nakangising sagot sa kaniya ni Marlais.
"Nasisiguro kong sasagutin mo." Fizureh answered him confidently.
"Hindi ka parin nagbabago, Fizureh. Ang taas parin ng tingin mo sa sarili mo." Marlais said, Fizureh just rolled her eyes.
Ipinakita ni Fizureh sa kaniya ang asul na marka sa aking paa. Tulad ng reaksiyon ni Aika at Fizureh, ganon din ang naging reaksiyon niya. Mas lalong akong kinabahan.
"Alam ko na isa ka sa mga nakaka-alam ng sumpang ito. Hindi lang basta nakaka-alam. Nakasaksi ka nito,tama?" tanong sa kaniya si Fizureh.
"How do you say so?" kalmadong tanong sa kaniya ni Marlais.
" H'wag kang mag maang-maangan, Marlais. We're here to know paano nagsimula ang sumpang ito. Nabasa ko ang ito sa libro tungkol sa kasaysayan ng Chandraneel, ang aking ipinagtataka kung bakit hindi ko maapuhap ang ibang parte tungkol sa sumpa ni Anita . Sa unang parte nito, nakita ko ang pangalan mo. Anong kinalaman mo dito?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Fizureh.
"U-ulitin ko, bakit ko sasagutin ang mga katanungan niyo?" Marlais said.
"Hindi mo nanaisin na maka-abot ito kay Jalaneel." Fizureh said.
"Okay, sit down." Marlais said, and Fizureh smiled. " Si Anita at Marko ay magkasintahan, masaya sila sa kanilang buhay. Hindi sila normal na mga chandraneelen, dahil tulad niyo ay may mga chandra din silang taglay. Dito sa ating mundo, i-isa lang ang mamahalin natin ng buo. Kinahiligan ni Anita ang pagpipinta, kapag wala itong ginagawa ay nagpipinta ito. " tumigil si Marlais na pagkukwento.
"Go on." sabi sa kaniya ni Fizureh.
"Katulad ninyo ay may mga misyon rin sila sa mundo ng mga tao, ang magligtas ng ma-aksidente sa puno ng Owaissa." nakinig kaming mabuti sa kweto ni Marlais. Tila hindi pwedeng hindi malaman ang bawat detalye.
"Nagkataon na si Marko ang naatasang magligtas. Sa pagkakataon din iyon, nalaman ni Marko na hindi si Anita ang nakatadhana sa kaniya. Iyon ay si Marynia, ang babae mula sa mundo ng mga tao. Labis-labis ang pagtatangis ni Anita, hindi niya iyon matanggap. Kung hindi siya sasaya, hindi niya ring hahayaang maging masaya si Marko sa piling ng iba."paliwanag ni Marlais.
"Anong chandra ang mayroon si Anita?" tanong ko kay Marlais.
"Bumulong ng isang sumpa sa hangin, ngunit hindi niya maisa-sakatuparan ang kaniyang sumpa hangga't hindi siya nakakagawa ng isang obra maestra sa pamamagitan ng pagpipinta." Marlais answered.
"Matapos niyang tapusin ang hugis kwintas na kaniyang ipinipinta, isinumpa niya ang lahat ng may kaugnayan kay Marko, na sa oras na hawakan ang kaniyang obra maestra na mula sa angkan ni Marynia ay kukuninin niya at mawawala ito. Pagkatapos non, pinatay niya ang kaniyang sarili, itinusok niya ang kutsilyo sa kaniyang dibdib. Hindi niya inisip ang mararamdaman ng kaniyang anak." mahabang paliwanag ni Marlais. Nangiginig ang buong katawan ko sa mga nalaman ko.
"Labis-labis ang lungkot ng kaniyang anak, isinisi niya ang kaniyang galit kay Marko. Kung umuwi lang sana ito ay hindi na magkakaganon ang kaniyang ina. " nalulungkot na sabi ni Marlais.
"Simula non, hindi na kinakausap si Marko ng kaniyang anak. Sobrang nasaktan si Marko sa nangyari. Nawalan siya ng asawa, para rin siyang nawalan ng anak. Pakiramdam niya, isang bato lang ang ibinato, dalawang mangga ang nalagas." sabi ni Marlais.
"Ano ang maari naming gawin para mailigtas si Azurine?" tanong ni Aika sa kaniya.
"Hindi ako ang maka-kasagot niyan." sagot ni Marlais.
"Bakit hindi?" naiinis na tanong sa kaniya ni Fizureh.
"Dahil hindi ko alam." sabi sa amin ni Marlais.
" Sino ang taong nakaka-alam kung paano maililigtas ang taong naka hawak sa obra maestra na ginawa ni Anita?" tanong sa kaniya ni Fizureh.
"Ang taong nasa kaniyang tabi, habang siya'y nagpipinta, ang kaniyang anak. "
sabi ni Marlais."Paano naman mahahanap ang taong ito?"tanong sa kaniya ni Aika. Tumawa lamang si Marlais, hindi niya sinagot ang katanungan ni Aika.
"Sagutin mo,Marlais. Parawang awa mo na." nagmamaka-awang sabi sa kaniya ni Aika. Muling nagu-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Hindi ko inaakalang makakahanap ako ng kaibigang katulad nila sa mundong ito. Hindi ko ina-asahang mapa-padpad ako rito. Isang simpleng estudyante lang naman ako sa mundo ng mga tao. Lalong lumakas ang mga hikbi ni Aika. Yinakap niya ako ng mahigpit, kaya mas humagulgol ako.
Tahimik lang si Fizureh sa gilid na nagi-isip. Hindi ko alam ang kaniyang iniisip ngayon, dahil tulad ng dati, walang ekspresiyon ang kaniyang mukha. Pumapatak ang kaniyang mga luha, ngunit walang kahit anong bakas ng ekspresiyon ang makikita. Hindi ko alam na posible pala iyon.
"Maari na kayong umalis, wala akong maitutulong sa inyo." Marlais said.
Tumayo na si Aika, ngunit nanatiling naka-upo si Fizureh.
"Fizureh, tara na." hinila na namin siya ni Aika, para maka-alis.
"Fizureh, tara na nga." muli naming hinila si Fizureh,ngunit hindi siya nagpatinag.
"Alam mo kung paano ito masu-solusyonan." Fizureh said to Marlais.
"I said that I don't know.Anong mahirap intindihin doon?" mas lalong tumaas ang boses ni Marlais.
"Firuzeh, tama na, tara na." pagmamaka-awa ko kay Fizureh.
"I won't buy that. I don't believe you." siguradong-sigurado si Fizureh sa winika niya. Mas lalo akong nabuhayan ng loob dahil sa kanila.
"I'm not obliged to make you believe, Fizureh. You may go." hindi parin umaalis si Fizureh. Nagi-isip ito, hindi ko alam kung ano.
"I said you may leave." ulit ni Marlais, ngunit napaka tigas talaga ng ulo ni Fizureh. Hindi ito umalis,nanatili lang itong naka-upo.
" Wait, I'm trying to solve this enigma." Fizureh said, nag-isip rin ako.
"How did you know the story of Anita and Marko, kung burado na ang lahat ng pahina nito sa kasaysayan ng Chandraneel?" tanong ko kay Marlais. Tumawa lang si Marlais. Hindi niya sinagot ang katanungan ko.
Halos hindi ako maka-galaw ng unti-unting nabubuo ang konklusyon sa utak ko."Dahil ikaw si Marko." nanginginig kong sambit sa kaniya. Pumalakpak si Marlais habang natu-tulala ako.
"I am Marko Parlais, also know as Marlais. Perfect score,Azurine.You solved the enigma for today."
BINABASA MO ANG
ENIGMATIC DREAM(COMPLETED) Enigma Series 1
FantasyAng makulimlim na kalangitan; ang banayad na pag haplos ng hangin sa aking katawan. Mga banoy na naglilipana sa kalawakan. Ang perpektong kaharian, hindi nitong kayang tumbasan Ang takot sa aking dibdib na nararamdaman. Pamilyar sa akin ang lugar...