Part 11: Flashback 6

190 3 2
                                    

Marie POV

Makalipas ang araw ganoon parin ang sitwasyon nila ni Gabriel. They would spend flirting with each other. Her feelings was way out of line. She was drowning about her feelings towards Gabriel. She was in love with him! No doubt about that. Pero posible din bang ibigin siya ng anak ng kilalang angkan sa San Simon?

Sa mga nangyayari napagpasyahan niyang makipaghiwalay kay William. Aminado siyang guilty siya sa nangyayari while being in a relationship with him.

"I'm sorry." saad niya kay William minsang nagkita sila.

"I understand". sabi nito.

"Look, I am really sorry. I know you're a good man William. Wala akong narinig na complaints mula saiyo. Hindi ko napanindigan ang pagiging girlfriend ko sayo."

"Silly," Tumawa ito sabay gulo sa buhok niya. Sobrang bait nito hindi niya deserve ang isang tulad ni William.

"Is there someone else?" seryosong tanong nito.

Nakayuko nalang siya dito. Ayaw niyang matingnan ng deretso sa mga mata.


--------------------


Umuwi din siya ng hapong iyon pagkatapos ng pagkikita nila. Pero masaya siya sa paghihiwalay nila. Walang hidwaan ang naganap o ano pa man.

"I just hope you are happy Marie. We may be part ways but I'll be here for you. We can still be friends. To be honest, I like you. I like you being my little sister. Sana mahanap mo ang kaligayahang nais mong ipuno sa relasyon nating dalawa"
saad nito.

--------------

Nang sumunod na araw ay hindi maipagkaila ni Marie ang kasiglahan sa pagta-trabaho. Lagi silang magkasama ni Gabriel. Mukha silang boyfriend and girlfriend pero tago nga lang. Hindi miminsang inaanyayahan siya nitong kumain sa labas subalit tumatanggi siya dahil baka pag-usapan sila ng mga tao.

"Marie, gusto kang kausapin ni Ma'am Estella," ani Nanay Susan.

Mula sa pagbabasa ng libro ay nag-angat siya ng tingin. "Para daw po saan?"

Sabado at wala siyang pasok sa opisina ng mga Aragon habang siya'y nasa Resthouse siya ng mga ito.

"Posibleng sa pag-aaral mo o sa trabaho. Minsan nagtatanong din siya saamin kung ano man ang mga kailangan namin dito."

Sinabayan na niya si Nanay Susan na lumipat sa kabilang bahay at hinintay na kumuha ng meryenda para sa kanila.

Pagpasok niya sa hardin ay nakita niyang di nag-iisa ang matandang babae. Nasa Maynila parin hanggang ngayon si Bianca pero halos araw-araw silang magka-usap sa telepono. Hindi pa niya kayang ipagpaalam ang nangyayari sa kanila ng kuya nito.

Naroon si Gabriel na sa tingin niya talagang inaabangan talaga ang pagdating niya.



Bigla naramdaman niya ang kabang kanina pa bumabalot. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago hinarap ang dalawa. Agad namang tumayo mula sa kinauupuan si Gabriel at akayin siya sa lamesa habang hawak nito ang kanyang kamay. Nagtatanong ang mga matang nakatingin siya rito subalit nakangiti lang ito.

"Magandang umaga po." Bati niya sa ginang. "Gusto niyo raw ho akong makausap."

"Maupo ka hija." nagmamadali siyang umupo kung saan malayo kay Gabriel pero sadya yata nitong gustong paglaruan siya. Lumapit si Gabriel at umupo sa armrest kung saan siya nakaupo. Their position was too intimate. Mukha silang mag-asawa na sweet na sweet.

Mine again, SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon