Part 2: Moving-on

3.3K 70 2
                                    

Marie POV

"Are you sure Marie?" Paniguradong tanong ni Lea sa kanya.

Hindi rin ako sigurado sa sarili ko pero kailangan. Kung hindi ako pupunta siguradong magtatampo sakin si Bianca. Matagal na nitong gustong makipagkita sa kanya pero lagi siyang nagdadahilan na busy siya. Minsan dumating si Bianca sa America para mismong dalawin siya pero natakot akong makipagkitaa rito lalo na at sa panahong yun ay buntis siya. Sa sumunod na nakipagkita ito sa kanya ay nung nasa Los Angeles ako para sa isang Clothing event kaya wala siyang naging problema. Pero hindi parin siya nakaligtas sa mga tanong nito. Saksi ito dati sa pagmamahalan nila nila ni Gabriel kaya laking gulat ng huli
na hindi ako ang pinakasalan ng kuya nito.

Flashback:

"I can't believed na si Aliyah ang pinakasalan ni kuya Gab!! That b*tch! Simula ng makilala ko siya lagi nalang siya ang kontrabida sa buhay niyo ni kuya! Para siyang linta!! Kapag may lumalapit kay kuya lagi niyang inaaway ang mga ito. Pati ako pinagseselosan niya! Anong klaseng babae siya?!" gigil na sabi ni Bianca.

"It's all in the past now Bianca, kung anuman ang nangyari noon ay tapos na saming dalawa ng kuya mo." Sabi ko para kastiguhin ang sarili nitong wala na talaga kami ng kuya nito. Pero sa totoo lang masakit parin sa kanya, ewan ko ba pero hindi maalis alis ang sakit tuwing nababanggit siya sakin.

"Sa totoo lang Marie, noong nawala ka, marami ang nagbago sa bahay. Malimit ng mag-usap sina kuya at mama dahil sa mga nangyari sa inyo. Wala ni isang araw na laging nag-aaway sina kuya at Aliyah. Pati si Josh ay naaapektuhan sa ginagawa nila. Kaya kinuha ni mama si Josh para alagaan ito. Para kasing walang pakialam si Aliyah sa anak nito." Pahayag nito sa kanya. Si Josh ang naging bunga ng pagtataksil nila sakin pero sa sinabi ni Bianca ay naaawa ako sa bata. May ama at ina nga ito pero wala namang pakialam ang dalawa.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sila magkakasama sa iisang tirahan?"
"Mula ng umalis ka , pinalayas ni mama sina kuya at Aliyah sa bahay. Narindi na siguro si mama sa away nilang mag-asawa. At hindi rin kasi magkasundo sina mama at si Aliyah dahil sa mga pinagagawa niya. May asawa na nga kasi siyang tao lagi pa siyang umaalis ng bahay kala mo naman dalaga pa, hindi niya inisip na may anak na siya."

Wala akong masabi sa mga sinabi niya saakin. Siguro nga lagi silang magkaaway pero hanggang ngayon mag-asawa pa naman sila diba? Bakit umaasa ka ba? Hindi noh!! Ayokong makigulo sa buhay nila kaya okay. a sakin na kami lang ng anak ko.

------

"Mom, are you gonna leave me again?" humihikbing sabi ng kanyang anak.Habang yakap-yakap siya. Ngayon ang balik niya sa Pilipinas.



"Baby, we talked about this right? Mommy will just go on for work okay? And it's only for one week" Sabi niya sa kanyang anak. Everytime she goes to work my daughter is always like that..

"But don't worry honey, your tita Leah is right here naman diba? Don't be sad baby okay? Promise, After I finished my worked we'll go to Disneyland, how 'bout that hmm?" ngiting sabi ko sa anak ko.

Hindi ko pwedeng sabihin ang pakay ko sa pagbabalik ko sa Pilipinas kasi siguradong ipipilit niyang sumama sa akin pauwi doon. Hindi pa ako ready na ipakilala sila sa isa't-isa.. Oh baka naman ayaw mo lang talaga silang magkakilala sa isa't isa.

"Promise? Because last time I want to go to Hawaii that you promised it never happened."Nakatunghay sa kanya ang kanyang anak dahilan upang maguilty siya. Pupunta sana sila ng Hawaii kaso biglaan namang nagkaroon siya ng event . Her daughter wants to swim with the dolphins, at sa halip na Hawaii ay sa California lang sila napunta dahil doon ginanap ang Fashion show.

"I promise baby. Be a good girl to tita alright?I'll gonna call you everyday so don't be sad." Hindi palang siya nakakalayo dito ay namimiss na niya ito.

"Okay mommy I'll miss you!!! and I love you!!" Sabi nito sabay halik sa kanyang mga labi.

"I'll miss you and I'll love you more baby!! You take care okay?" Matapos kaming makapagpaalam sa isa't isa ay binilin ko muna kay Leah ang gagawin.

Wala pa kasi si yaya Meding. Si yaya Meding ay matagal na naming kasama. Matanda na ang huli pero gusto pa rin niyang pagsilbihan kami ng anak ko dahil sa malaki daw ang naitulong ko sa pamilya niya. Tinulungan ko ang kanyang anak na mapermanent sa trabaho dito sa New york dahil gaya ko, mahirap din ang pinagdaanan niya, Ng nagka-green card ang anak ay dahilan upang makuha niya ang kanyang ina na siyang nag-apply bilang yaya ng kanyang anak.

"Marie, you better take care of yourself there." sabi ng kanyang kaibigan dahil alam niya ang aking nararamdaman sa sandaling iyon.

"Call me when you get there."

Paalala pa nito bago ako pumasok sa departing area. Nakuwento ko na sa kanya ang lahat at walang bagay na inilihim ko sa kanya. Siguro dahil parehas kami ng pinagdadaanan. Tumakas sa nakaraan pero ibang kwento nga lang. Alam nito na hindi pa siya handang humarap kay Gabriel pero wala siyang choice. Siguro nga panahon na para humarap at para malaman kung nakapag move-on na ba o sadya lang talagang mahirap----

kalimutan ang nakaraan.

To be continued...

Mine again, SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon