Part 3: San Simon

2.9K 68 0
                                    


Marie POV
Sa 12 hours na biyahe ay tuloy-tuloy ang tulog niya. Nagpapasalamat narin siya dahil doon kasi ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano dahil sa patuloy na palapit ng palapit ang nakagisnan niyang lugar ay talagang kinakabahan siya. Paglapag palang ng eroplano at nang akayin sila ng flight attendant ay ayaw pa niyang bumaba. Nostalgic! Dito palang sa entrance ng NAIA terminal ay nararamdaman na niya ang pagkasabik, takot , at kaba.


Hindi niya maipaliwanag pero talagang may kakaiba. Hindi na siya nagpasabi kay Bianca dahil ayoko silang gambalain lalo na't alam niyang busy ang mga ito sa pagprepara ng kasal nila. Dumiretso nalang siya sa isang Hotel para bukas maaga nalang siyang luluwas patungong  San Simon.It's been 5 years nang umalis siya ng bansa. Sa tagal na panahon wala na dapat siyang alalahanin kasi may sarili na silang buhay. Baka naman kasi nag-aassume ka pa na mapansin niya eh may asawa na iyong tao.
Biglang tumunog ang cellphone niya at ang anak niya ang tumatawag.Alam niya na hindi pa sanay ang kanyang anak tuwing umaalis siya because everytime that they have no class sinasama niya ito sa ibang lugar kung saan ginaganap ang trabaho niya.

"Hello baby".

"Hi Mommy!! I missed you already, Mom you didn't tell me you went to the Philippines. You know that I want to go there mom!" Her daughter exclaimed! I didn't tell her about where I'm going. She remembered when Ella found out a picture in one of my books na kasama ko si Gabriel sa isang beach. That was our first anniversary kung saan dinala niya ako sa Beach Resort nila. She asked me kung sino yung kasama ko? "Is he my dad mom? Tanong nito saakin. Sa itsura pa lang namin sa picture ay sobrang sweet.

Buti nalang to the rescue si Leah para ibahin ang usapan. Sa picture nakaakbay siya sakin at nakahalik naman ako sa pisngi niya. We were both happy before, so much love. Pero hindi na iyan kailangang isipin kasi tapos na yun. Past is past Okay??



"I'm sorry honey, I didn't tell you because -you might see your father- because you still have your class remember? But some other time anak okay?" 

"But I want to go with you. Yaya Meding said there's so much good places there."

"Okay-okay baby, don't be sad, I'll find time for us to go here after we go to Hawaii okay?"

"Really mommy???!!! Yes!!!" Alam ko sa sandaling ito ay nagtatalon na ito sa tuwa.

"Yes baby so let me talk to your tita Leah first. I love you baby!"

"I love you too mommy!!"

"Your daughter is a stubborn young lady, parehong-pareho kayo. Ipinipilit kung ano ang gusto Marie."

"Leah, ngayon lang 'to. Okay na sigurong makapunta ako, para makapagrelax narin at makita sina nanay at tatay."

"Naku naman Marie you are too late for that. At diyan ka pa talaga magrerelax. I know you too much Marie. Basta gawin mo nalang ang dapat gawin mo doon sa San Simon. And go back home here safely without any broken piece. Okay?"
Alam niyang totoo ang mga sinabi ng kaibigan. Halos pati ang sarili niya ay di sigurado.

Kinabukasan, nagrenta siya ng sasakyan para kung sakali mang uuwi siya galing sa kasal ay makakauwi siya agad. Ayaw niyang abalahin sina Bianca dahil marami-rami din ang magiging bisita ng mga ito dahil malaking angkan ang mapapangasawa niya. Kaya alas singko palang ay maaga na siyang nagbiyahe para narin makaiwas siya sa traffic gayong dalawang oras din ang gugugulin niya sa pagda-drive. Patungong san Simon makikita ang bulubundukin. Hindi masasabing liblib ang lugar dahil isa narin ito sa pinag-uukulan ng pansin ng Gobyerno dahil sa mga naggagandahang beach at iba pang tourist spots kaya naman kilala ito na isa sa mga magandang pasyalan sa buong Pilipinas. Malawak na lupain ang kasakop nito at ang ibang lokasyon ay matatawag pang virgin forests. Dito rin makikita ang mga malalaking tao sa lipunan. Isa na rito ang dating Senador na si Hernan Aragon, ang ama ni Gabriel. Sa bukana ng San Simon makikita ang malaking palatandaan ang malaking baliti sa gilid ng malaking sign board ng San Simon. Mag-aalas siyete na ng umaga ng narating niya ang bukana ng lugar. Inihinto muna niya ito para pagmasdan ang luntian na kagubatan at sa baba niyon ay kulay asul na karagatan.!Ganitong-ganito parin ng iniwan niya ito.Wala paring ipinagbago.
Ilang minuto din siyang nakatayo doon ng ipasya niyang ipagpatuloy ang paglalakbay. Sa paarkong bahagi ng kalsadang kanyang tinatahak ay matarik na bangin ang gilid nito kaya kailangan niyang magmenor para siguraduhing hindi siya bubulusok pababa pag hindi siya nag-ingat. Ingat na ingat siya sa pagmamaneho dahil hindi lang matarik kundi rough road pa ang daan. Paliko na sana siya pero laking gulat niya ng may paparating na truck sa harap niya. Sa gulat niya nakabig niya ito pakaliwa pero agad din niyang nakontrol ang manibela at biglaang preno dahilan para maibunggo niya ito sa puno. Napasubsob siya sa manibela dahil sa impact na natamo niya. Medyo nahilo pa siya pero nagpapasalamat narin dahil hindi sa bangin ang napuntahan niya. Siguradong lasog lasog ang buong katawan niya pag nagkataon.
Nasa ganong ayos siya ng may kumatok sa bintana niya.

"Hoy!! Magpapakamatay ka ba? One way road ito!! kung gusto mong magpakamatay huwag kang mandamay ng iba!! Ano?! Buksan mo ito gago!!' Galit na galit na tawag sa kanya pero hilong hilo pa siya para tingnan kung sino ang muntikan na niyang makabangga. Pero pinilit pa rin niyang pagbuksan ang sarili kahit na ninenerbiyos siya. Magsasalita sana siya ng magdilim ang mga paningin niya. Pero bago pa siya panawan ng ulirat ay nakita niya ang nakatunghay na abohing mga mata na pilit niyang kinakalimutan.

"Marie????"

"Gabriel"


To be continued...

Hi po sa lahat.Edited na po ang Part 1 and 2. Medyo binago ko po ng konti ung ibang lines. Salamat po!!!

Mine again, SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon