Marie POV
Seven years ago
(College Life)It was Sunday in the afternoon at heto siya sa library nag-aaral. Midterm na nila next week kaya kailangan niyang magreview. Ayaw niyang bumagsak kay mrs. Pamintuan, ang marketing instructor niya. Graduating na siya sa taong ito kaya naman puspusan ang pag-aaral niya, She's taking Business ad so she can't afford to lose her scholarship dahil DL siya sa unibersidad na pinag-aaralan niya, ang University of San Simon. Iyon na lang ang paraan para makapag-aral siya. She is also working as a part time student assistant ng VP admin nila, si Mrs. Estella Aragon. At tuwing weekends nagtratrabaho siya sa tailor shop ng tita Summer niya, ang kanyang stepmother. Hindi niya alam kung paano niya napagsasabay lahat ng iyon. Pero proud siya sa sarili dahil nakakapag-survive pa siya sa buhay niya kahit nahihirapan na siya.
Ulilang lubos na siya. Namatay ang kanyang ina sa sakit na cancer nung second year high school siya. Pulis naman ang tatay niya. Nag- iisa lang siyang anak kaya naman medyo maalwan dati ang buhay nilang mag-anak hanggang sa magkasakit ang nanay niya. Nasa second year college na siya ng mag-asawa uli ang tatay niya. Ang tita Summer niya at ang anak nitong si Aliya. Pero mara-faitytale yata ang buhay niya at after 1 year ang tatay naman niya ang nawala.
Nagkaroon ng raid sa kabilang bayan at kasama ang tatay niya sa humawak ng kaso pero sa kasamaang palad, nabaril ang tatay niya. Kung gaano kasing lupit si Miss Minchin kay Sarah, si Lady Tremaine kay Cinderella ay ganoon din ang tita Summer niya. Nung nabubuhay pa ang tatay niya ay mabait sa kanya ang huli kaso, ginawa siya nitong alalay, tagalaba, tagaluto, lahat-lahat na. At ang masaklap, binenta nito ang kanilang bahay. Pati si Aliyah ay hindi sila magkasundo. Mas matanda siya nang isang taon. Lahat ay puro pasakit ang mga binibigay ng mag-ina sa kanya kay naisipan niyang umalis at mangupahan. Kaya naman nagpursige siyang mag-aral sabay trabaho para matustusan niya ang kanyang pag-aaral. Nangupahan siya sa Resthouse ng mga Aragon para doon tumira. Ang pagtratrabaho niya kay Ma'am Estella ang kabayaran ng pagtira niya sa resthouse ng mga ito, allowance naman ang para sa patatrabaho niya sa tita Summer niya."Bes!!!!! Kanina pa kita hinahanap!!! Ba't ang tagal mo????", Sabi ni Emma ang kaibigan niya.
"Ang ingay mo".
"Eh kasi naman kanina ka pa namin hinahanap nina Geoff at Lara."
"Bakit? Ano na naman ba ang lakad niyo? Tapos na ba kayong mag-review?", tanong ko.
"Bes!!!! May practice ang Grey eagle ngayon, hindi ka ba manunuod?", ang grey eagle ang team na kinabibilangan ng boyfriend niyang si William. Two months na sila. Actually, naging sila lang naman dahil sa tuksuhan ng kanyang mga kaibigan.
"Busy ako, at busy din siya, magkikita naman kami mamaya kaya okay lang na huwag nang manuod. Bukas pa naman ang laban nila diba?"
"Oo bes kaso yung haliparot mong ahas na kapatid kung makaasta parang siya ang may boyfriend! Ayun nakikipaglandian sa boyfriend mo!"
"HA?"
"Oo bes!!! Naku ang sarap ingudngud sa sahig".Gigil nitong sabi.
Sigh. Lagi nalang ganoon si Aliyah. Everytime na may lumalapit sa kanya ay sinasamantala nito. Hindi ko alam kung bakit parang laging may kasalanan ako sakanya at galit siya saakin, pati si tatay dati ganon din ang ginagawa.
"Hayaan mo sila, Kung iyon ang makakapagpasaya sa kanila, edi okay",
"Ganon bes? Ganon nalang iyon? susmaryosep Marie".
BINABASA MO ANG
Mine again, Sweetheart
RomanceSynopsis: He, Gabriel Aragon is the man who can't resist by any of his charm but only Marie Victoria Cordova can tame his badboy looks and all. "You will regret what you've done to me. You left and came back again. Now, I won't miss a thing and clai...