Part 5: The Past

2.8K 57 2
                                    

Gabriel POV

"I want you".

She gasped when she heard what I just said. Hindi ko alam kong saan ko nakuha ang mga salitang namutawi sa bibig ko. Damn!

"Were here", sabi ko para maiwasang madugtungan ang mga sasabihin kong hindi ko alam kung san nanggagaling.
Sa limang taon na nakalipas, ngayon lang uli nangyari sa akin ang ganito. Ang matorpe sa babae.
---
Matapos iparada ang sasakyan nakita ko sina mama na naghihintay sa amin. Maluwag ang mga ngiting nakatingin sa amin. Sa nakalipas na taon malaki ang nagbago sa pakikitungo namin ni mama sa isa't- isa. I know it's my fault. She was very disappointed. Iyong pangalan namin na matagal na nilang iniingatan ay dinungisan ko lang. Pero alam kong mas may malalim na dahilan.

"Welcome back hija!!!", sabi nito kay Marie habang yakap yakap nila ang isa't isa.
"Kumusta ka na Marie?" ang laki ng ipinagbago mo. Lalo kang gumanda hija".

"Okay naman po ako tita, kayo po kumusta na rin? Ikaw po tita, batang bata pa din po kayo. Walang pinagbago sa itsura niyo noon. Nakangiting sabi ni Marie sa kanya.

"Ahahahaha, wala ka pa rin talagang ipinagbago anak", iling-iling na sabi ng kanyang ina.
"Ano kumusta na ang nararamdaman mo hija? May Masakit ba sayo? Ano ba kasi ang nangyari? Gabriel?" sabay sulyap sakin ng ina na ngayon lang ata ako napansin kanina pa.

"Mamaya ko na po ipapaliwanag baka pagod na ang bisita",sabi ko para iwasan ang mga tanong ng ina. Alam kong sesermonan na naman ako. I don't know why, everytime I'm near her I always get in trouble. Tama ang ina, lalo itong gumanda, ang mga makakapal nitong pilik-mata ay binagayan ng bilog na mata. Those luscious lips, those curve body are in perfect places. That's all his weakness. Marami akong karibal dahil sa taglay nitong kagandahan, gago ka kasi kaya siya nawala.

Sigh.

"Oh siya sige, magpahinga ka na mu----"
"Marie??? Ikaw ba yan hija?? jusko ko!!", nakita niyang lumapit ang isang matanda. Si nanay Susan, ang tinuring nilang pangalawang ina ni Marie. Siya ang mayordoma ng mansyon.
Maluha-luha itong yumakap kay Marie gayundin ang huli.
Malapit sila sa isa't-isa kaya naman labis ang lungkot nito ng umalis si Marie sa Mansyon.
"Maligayang pagdating anak, hindi kita namukhaan. Akala
kasi namin hindi ka na darating. Kumusta ka na? Antagal mong nawala. Miss na miss na kita anak." iyak ng mayordoma.

"Okay naman po ako nay,, kayo ho kumusta na?

"Ayos naman ako anak, teka bakit may bandage yang ulo mo? Anong nangyari?"

"Nauntog lang ako nay, pero ayos lang po ako.",pangatwiran ng dalaga sabay tingin sa kanya. Hindi ko maunawaan pero nakikita ko ang dating Marie. Masayahin. Ang dati kong Marie. Dati yon!

Hindi na namin ipinagpaalam ang nangyari kay Marie dahil baka mag-aalala lang ang matanda.

"Oh siya sige magpahinga ka na hija. Gabriel, ihatid mo siya sa magiging kwarto niya, nandon na rin ang mga gamit mo hija. Dinala kahapon, doon ka sa guestroom
sa taas". sabi ng mama niya.

"Tita, pwede naman ako sa resthouse tumuloy".

"no hija, bisita ka namin dito kaya dito ka mamamalagi, okupado na lahat ng kwarto doon para sa iba pang mga bisita".

Ang resthouse ay isang bloke lang ang layo mula sa mansyon. Dahil wala namang gumagamit nun ginawa nalang paupahan sa mga estudyante kung saan nanunuluyan si Marie noong nag-aaral ng kolehiyo.

"Bukas pa makakauwi sina Bianca galing Manila dahil may inasikaso sila para sa preparasyon ng kasal. So, get rest hija".

"Salamat po", sabi ni Marie kay Mama. Nauna na akong pumanhik sa taas para ihatid siya sa magiging kwarto nito.
Pagkatapos ay iniwan ko na ito. I don't know but I can't help to look at her and admire what she is now today. She is now a very successful independent woman. Her Marie.

-----

Marie POV

Pagkasara ko ng pinto ay nahahapo akong napaupo. Hindi ko alam kung magaling lang talaga akong magtago ng emosyon o ano. Nakakapagod makipagplastikan sa sarili. Hindi nakaligtas sakin ang mga titig ni Gabriel kanina. Mababakas dito ang sari-saring emosyon pero pinigilan ko ang sarili kong makipagtitigan dito.
Hindi na pwede ang ganito. Mas okay nalang sigurong iwasan ko kung nasaan man siya. Pabagsak siyang humiga sa kama at napatitig sa kisame.

But then biglang nagflashback sa kanya ang nakaraan.
Every detail of it, kung paano sila nagkita at kung paano nagtapos ang kanilang storya.

To be continued....

-----
Sorry natagalan sa pag-UUD.
I had so much work to do. But thank you guys!!!!

Mine again, SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon