Part 1: Start Anew

4.5K 83 0
                                    

"Mommy!!!"

"Mommy!!!"
Naalimpungatangan siya dahil sa malakas na sigaw ng kanyang anak sabay lundo sa kanyang kama.
"Good morning baby".
"I've missed you!!!!". Niyakap niya ito pero muli rin siyang pumikit dahil talagang antok na antok pa rin siya. Galing siyang France para sa isang event ng pinagtratrabahuan niyang Clothing Line. Isa siyang Senior Fashion designer at kailangan niyang umattend dahil siya ang Host ng event pero umuwi rin siya agad dito sa New York kasi walang mag aasikaso sa kanyang anak. Ipinagpaalam lang niya ito sa kanyang kaibigan dahil umuwi ng biglaan ang kanyang kasama na tumutulong sa pag aalaga kay Ella sa Pilipinas.
"Come on mommy!!! wake up! wake up!, ang matinis na sigaw ng kanyang anak. Oh I love this kind of morning.
"Later baby, please? Five more minutes".
"But mom, I'm hungry. Tita Lea made us pancake outside and she's waiting for us". Kahit na antok na antok parin siya ay wala na siyang nagawa kundi ang bumangon.
"Okay- okay mommy will get up but where is my kiss first?" nakangiting tunghay niya sa anak na malawak ang ngiti sa kanya.
Pinulupot nito ang maliit niyang braso saka siya pinugpog ng halik. Tawa sila ng tawa ng ng pumasok si Leah sa kaniyang kwarto.
"What took you so long both of you?" Natigil ang lambingan nila ng makita nila ito.Nakahalukipkip ito sa hamba ng pinto ngunit nakangiti naman ito ng makita sila sa ganoong ayos.

"Mommy's hard to get up tita." Sabi ng kanyang anak. Lea is one of her bestfriend at alam nito ang kanyang nakaraan. Parehas silang nakipagsapalaran sa Amerika kaya siguro naging magkaibigan sila. Nakilala niya ito dahil nagpapart-time itong model sa isang local magazine dito sa New York. Inalok niya itong maging model niya para sa kanyang mga damit na dinesenyo niya. Mula nang nakilala siya bilang designer ay nirefer niya ito sa pinagtatrabahuhan niya.

"Okay, get up and we'll talk Marie. Something came up from the Philippines and it's for you".Sabi nito sabay talikod sakaniya. Marinig palang niya ang salitang Pilipinas ay kinakabahan na siya. Simula ng umalis siya sa Pilipinas ay kinalimutan na niya lahat ng nangyari sa kanya pero may pagkakataon parin na napapaginipan niya lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya.

Gabriel.

Kumusta na kaya siya? Masaya kaya siya ngayon? Kumusta na kaya sila ni Aliyah?

OH,scratch that. Ayoko ng isipin yon.Pero hindi pa ako handa sa mga balitang makukuha niya galing sa Pilipinas.

Save the Date that you are invited for the Grand wedding of Bianca Aragon And Jeff Peterson and requesting your presence as one of their Bridesmaid this coming October 23,20**.

The Wedding will be two weeks from now. At gagawin yun sa San Simon. Bianca Aragon is Gabriel's little sister. So it's possible na magkikita sila ulit pero hindi pa yata siya handa sa magaganap pero ayaw naman niyang madisappoint sa kanya si Bianca dahil until now may ugnayan parin silang dalawa dahil sa nakalipas na taon malapit parin silang magkaibigan pero hanggang ngayon hindi parin niya nasasabi na may anak siya dahil once na nalaman nila alam kong susugod sila rito. It's better to know nothing than to cause any problem. Alam niyang may karapatan sila pero ayaw na niyang makigulo sa relasyon nila ng stepsister niya. Pero minsan nagtatanong narin ang kanyang anak kung nasan ang kanyang daddy lalo nat simula baby ay wala siyang maipakilala rito, Sinubukan niyang makipagdate sa iba pero talaga yatang pihikan siya. May hinahanap siya pero di niya alam. It's all 'bout him I know.Hindi parin makalimutan eh noh? Sabi ng isip niya.

Hindi. Ayokong umasa, Afterall masaya na siya sa piling ng iba.

At ikaw? Masaya ka ba? Well siguro nga hindi pero atleast may Ella siya sa buhay niya. At sapat na yon. Basta ang mahalaga, Okay na siya.
Pero Okay nga ba talaga??

To be Continued.....

Mine again, SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon