39

7 2 0
                                    

Nagising ako, nakaramdam ako ng hilo kaya't hindi muna ako bumangon.

Nang maging okay na ang aking pakiramdam ay bumaba na din ako. Nag lilinis ang mag kapatid. Nakangiting bumati

"Good Morning po" sabay sila

Napangiti naman ako, agad din nawala nang may maamoy ako na ayoko

"Ay, pasensya na po" wika ni Lyn, agad siyang tumakbo palayo sa akin

"Okay lang, tara may balita ako sa inyo" wika ko sa kanila at inaya sa kusina

Nakaupo na ako, nakangiting humarap sa akin ang dalawa

"Buntis ako, 4 weeks" sagot ko, sumilay naman ang kanilang ngiti

"Halaaa sabi na Ma'am eh! Teka alam na po ba ni Sir?" Tanong ni Lyn, agad itong nakurot ni Lina sa tagiliran

"Surprise nga daw diba?" Wika nito kay Lyn at agad naman napatingin sa akin si Lyn. Tumango ako at muling sumilay sa kaniyang muka ang ngiti

"Ipaghahain ko na po kayo" wika ni Lyn, agad itong tumayo at ako naman ay tumango.

Kinapa ko ang cellphone ko, ngunit wala sa bulsa ko

"Kuhanin ko lang po phone ko" paalam ko kay Lina, agad itong ngumiti at tumango

Nang makaakyat ako ay dali dali kong kinuha ang phone

Wala siyang text. Naalala ko ang huling text ko sa kaniya.

Walang reply

Bumaba na akong muli, winalang bahala ko iyon dahil baka busy si Aj

Nang makabalik ay may pagkain na ako sa ibabaw ng table.

"Ate, anong oras po naka-uwi si Aj kagabi? Nakatulog na po kasi ako" wika ko

"Hindi ko lang alam, teka" wika nito, agad siyang tumingin kay Lyn "Anong oras ba umuwi si Sir kagabi?" Tanong nito sa kapatid

"Mga ala-una na po ata, Ma'am" sagot nito, nag kakamot sa ulo

Napatango naman ako at hinarap muli ang cellphone

To Love
Hi Love, good Morning! Kagigising ko lang sorry late na naman akong papasok

Text ko sa kaniya, bumitaw naman ako at kumain na

"Ma'am, 'yung gatas niyo po pala sa kwarto po namin tinatago, baka po makita ni Sir. Diba po surprise?" Tanong ni Lyn, napangiti ako doon.

Tinutulungan nila ako para sa sorpresa.

"Ayos lang, salamat kung ganoon" nakangiti kong wika bago uminom ng gatas

Nang matapos ay iniligpit na ni Lyn, mas mahigpit pa siya kesa sa akin. Ayaw nila akong kumikilos sa kusina.

Kaya naman agad na din akong umakyat para maligo.

Bago pumasok ng banyo ay napansin kong hindi pa din tumutunog ang cellphone ko hudyat na may text

Naisipan kong tawagan si Aj

Matapos ang ilang ring ay sinagot na din

"Hi, Love" nakangiting wika ko

[Hello] wika niya, parang walang gana

"Okay ka lang? Ba't ang tamlay ng boses mo?"

[I'm just tired, why? I'm busy now. I have meeting]

Napakagat ako sa ibabang labi nang marinig iyon "Aww sorry sige, pasok na din ako, maliligo lang" wika ko

[Okay] sagot niya, mag sasalita pa sana ako nang patayin niya ang tawag, baka andon na ang mga ka-meeting niya

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon