Continuation of Chapter 19......
Nakarinig ako ng malulutong na mura mula sa loob, may batuhan ng gamit na agad ding nababasag.
"Tang *na! Ano pa bang gusto mong sakit ang maramdaman namin?! Bakit kailangan mo pang ipaalam sa amin?!" Sigaw ni Nanay sa kausap niya
Agad akong tumakbo papasok at laking gulat nila nang makita ako.
"Nay! Tay! Anong meron? Bakit may gulo?" Takang tanong ko sa kanila, pati si Kio ay gulat ding nakita ako
"Te, halika sa taas. Usap tayo" sambit ni Kio sa akin, bago pa man niya ako mahila paakyat ay dumako na ang mata ko sa isang muka ng babaeng ayaw na ayaw kong nadito sa bahay
"Teka Kio, ano 'to bakit? Bakit galit na galit si Nanay?" Kinakabahang tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"Basta ate, tara sa taas" sambit pa nito, hindi ako nag patinag sa pag kakatayo ko.
"Tay? Anong meron?" Kunot noong tanong ko kay Tatay, kitang kita ko sa mata nito ang lungkot at hindi ko alam pero mayroong pag sisisi sa mata nito
"At bakit nadito ang babaeng simura sa pamilya natin?" Sunod sunod kong tanong Kahit isa ay walang nagtangkang sumagot.
Naiiyak na ako, hindi ko na alam kung ano pang tanong ko ang hindi nila sasagutin.
"Teka Kio! Ano ba? Kanina pa ako nag tatanong! Ano isa isa kayong naging pipi nang dumating ako? Ano Kio? Hindi niyo ba sasagutin ang tanong ko?" Sunod sunod kong tanong, nabitawan ko na ang bag ko sa sahig.
Hindi ko na din namalayang tumutulo na ang luha ko.
Biglang tumayo si Tatay.
"A-ano kasi Anak" may pag dadalawang isip nitong sambit
"B-buntis ako" biglang sambit ng babaeng umiiyak sa may pinto
"H-ha? B-buntis ka?" Ulit ko sa babaeng si Irene
"O-oo" humihikbing sagot nito
"S-sinong ama?" Tanong ko dito
Lakas loob akong nagtanong kung sino, kahit na alam ko ay si Tatay pa din ang sasabihin nito
"A-ang Tatay mo" sagot nito.
'B*llsh*t!'
Agad akong napamura sa isip ko.
Bakit ganito? Bakit kailangan pang ipaalam sa amin? Bakit kailangan pang sabihin kay Nanay? Kahit na alam nilang may masasaktan sila!
"T-tay bakit?" Tanong ko dito, agad nagtuloy tuloy ang luhang kanina ko pa pinipiit. Ngunit isa isang lumalabas
"Anak, pasensya ka na" sambit ni Tatay, naghihintay ako ng susunod pang sasabihin ngunit wala
"Ano Tay? 'Yun lang 'yon? Pasensya?" Ngising tanong ko, muli kong pinunasan ang aking luha at ngumiti ng mapait.
"Bakit kailangan niyo pang ipaalam sa amin ha?!" Matalim ang tingin ko kay Tatay, nang hindi ito sumagot ay agad akong lumapit kay Irene.
"Ate" tawag ni Kio, hindi ko ito pinansin.
Ganoon pa din si Nanay, natigilan pa din dahil sa presensya ko
"Bakit kailangan niyo pang ipaalam sa amin kahit alam niyong masasaktan lang kami?" Tanong ko dito, humihikbi lang ito at nakatingin sa baba
"T*ng *na! Hindi ka sasagot?!" Sigaw ko dito, agad lumapit si Kio sa akin para hilahin ako paatras
"H-Hindi namin sinasadya Ysa s-sorry" humahagulgol na sambit nito
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Любовные романы"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"