15

14 3 0
                                    

Nang makadating sa bahay ay agad bumungad ang mga kumakaing bisita. Si Sindy, Jess, Jace at Mark.

Si Sindy nang makita namin ay may kagat kagat pang shanghai, si Jess ay pabalik na sa upuan at may dalang dalawang tubig, si Jace naman ay busy sa panonood at pag kain ganoon din si Mark.

Si Jace at Mark ay magkakilala na kaya hindi na kailangan pang ipakilala sa isa't isa

Lumaki ang mata ni Sindy nang bumungad kami ni Aj na magkasabay na pumasok.

"Naks! Kasama pala ang family!" Biro ni Jess

"Naks! Sana ol kumakain na" balik ko sa kanila, naiwan si Ate Rina para siya ang mag intay ng mga bisita.

"Tara kain kayo, may shanghai kaming handa" biro ni Sindy, may laman pa ang bibig nang sabihin iyon.

'Akala mo siya ang nag order! Hahaha'

Nang handa na kaming kumain ay napansin kong wala si Kio

"Nay puntahan ko lang si Kio" paalam ko at agad na ding tumango si Nanay.

Napatingin ako kay Aj at tumango ito

Nang makaakyat ay nakarinig ako ng isang kalabog

"Huy! Kio ano yung nahulog?" Nag aalalang tanong ko

"Nahulog ko 'yung baso te, may bulak ka ba?" Nakita ko kung paano mag dugo ang maliit nitong sugat sa kaniyang hintuturo at hinalalaki. Agad akong nag tungo sa kwarto ko ngunit wala doon.

"Teka! Nasa baba kukuhanin ko lang!" Sigaw ko dito

Hindi na ito sumagot bagkus ay nag intay nalang.

"Nay, pahingi ng bulak" paalam ko dito ay agad na pumasok sa silid nito

"Bakit?! Anong nangyare?!" Sigaw at may pag aalalang tanong nito

"Hey! What happened?" Ganoon din si Aj

"Basta, saglit!" Nag mamadaling saad ko, agad akong umakyat pabalik sa kwarto ni Kio

"Ysa!" Sigaw ni Sindy

Ramdam ko ang pag sunod nila sa akin lalo na si Nanay at Aj

Nang makadating ay agad kong iniabot kay Kio ang bulak, nasa banyo ito at hinuhugasan ang sugat

"Guys! Ano bubog lang ito" natatawang sambit ni Kio, nakita niya ang mga muka ng mga nasa likod

"Ang OA naman kasi ng ate mo!" Biglang saad ni Sindy at hinila ang buhok ko

"Eh nag mamadali ako eh! Hahahaha" natatawang sambit ko. Maliit lang ang sugat na halos maliit na kutsilyo lang ang nakasugat dito.

Nakaisip ako agad ng kalokohan. Nagmamadali at may pag aalala ang kilos ko kanina. Tila kinakabahan.

"So annoying!" Reklamo naman ni Aj, na halos magkandarapa na sa pag sunod pero nakaalalay kay Nanay

Natawa ako sa mga naging reaksyon nila, lalo na si Kio. Halos mapatalon sa gulat nang marinig ang mga yabag ng mga sumunod

"Ito talaga! Pinag alala ako!" Asik ni Nanay at kinurot ako sa beywang. Natawa naman ako dahil damit ang nakurot hindi ako

"Anong trip na naman iyan ate? Hahaha" natatawang tanong nito

"Ewan ko masyadong mapag-panic Hahahaha" natatawa pa din ako sa tuwing naalala ko ang mga itsura nilang nag aalala

Matapos ang kalokohan ko ay agad na din kaming nag simulang kumain, nag pasok kami ng lamesa at mga upuan sa loob para doon sabay sabay na kumain. Ang ibang bisita ay nasa labas sa terrace. Nag iinuman, tropa ni Kio.

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon