"Love" tawag ko kay Aj, busy siya sa computer niya. May binabasa. Lumapit ako at yumakap mula sa balikat niya "Pwedeng lumabas ako mamaya kasama sina Jess at Sindy?" Sambit ko, may paglalambing.
"Where?" Tanong niya habang nakatingin pa din sa computer, naka-hawak siya sa braso ko at hinahaplos ito
"Titingnan pa namin kung saan kami mapupunta, update naman kita kung saan ang punta namin" sambit ko naman
"Okay, you can go but know your limits, okay?" Paninigurado niya
"Yes, Sir" masayang sagot ko at humalik sa kaniyang pisngi
"Kakaunin ka ba nila?" Tanong niya sa akin
"Yes, dadalahin namin sasakyan ni Jess" muli kong sagot at ngumiti
"Okay" sagot niya naman at ngumiti. Binalik na ulit ang tingin sa kaniyang computer, at ako naman ay nakaharap na sa laptop ko
Maaga palang ay pumasok na kami, may meeting kami kanina pero hindi na niya ako sinama. Meeting naman iyon para sa binili ng kompanya na isang resort sa Batangas.
Parehas kaming busy sa binabasa. Tungkol ito sa mga documents ng resort sa Batangas, maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hinawakan ko lang ang aking sintido at minasahe.
Nang maramdaman ko si Aj na lumingon sa gawi ko.
"Are you okay, Love?" Tanong niya, may pag aalalang tono
"A-ahh oo naman, medyo nahihilo na yata ako sa binabasa per- -" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay pinutol na niya ito
"Stop let me do this, just rest now" wika niya at pinatay ang laptop ko. Tinayo niya ako at dinala sa sofa.
"Kaya ko naman, pahinga lang ako saglit" wika ko nang makaupo sa sofa.
"No, pahinga ka diyan" seryoso niyang wika, alam niyang makikipag debate pa ako.
"Sige" nalang ang nasabi ko at nag lagay ng unan para mahiga.
Hindi pa man ako pumipikit ay naramdaman ko na ang pag halik nito sa aking noo. Napangiti naman ako at tuluyan na ding pumikit.
Bumalik siya sa harap ng kaniyang computer at hinarap ang documents. Naisend iyon sa email ng dating nag ma-may ari ng resort.
Nagising ako at nakita siyang nakatungo sa kaniyang table. Tumayo ako pinuntahan siya
"Love, tara doon ka na matulog sa PR" pag aya ko sa kaniya, nagising naman ito at halata sa mata ang pagod.
Tumayo naman ito agad at hinawakan ako sa kamay, sabay kaming pumasok sa PR at umuna naman siya sa pag higa. Hinayaan ko lang dahil pagod talaga siya.
Humiga ako sa tabi niya at itinuloy ang aking pag tulog.....
Naramdaman ko ang pag tayo niya mula sa pagkakahiga
"Pahinga ka dito, I have meeting with Mr. Villa" sambit niya nang makita akong nag mulat, tumango naman ako at yumakap sa unan na binigay niya nang makatayo siya.
Matapos niyang mag sapatos ay naglakad patungo sa gawi ko at humalik muli sa ulo ko.
Hindi pa man nakaka-tatlongpung minuto akong nakabalik sa pagkakapikit ay naramdaman ko ang pag baligtad ng aking sikmura. Dali dali akong lumabas ng PR at dumeretso sa cr.
Puro kinain ko ang mga nailabas ko sa inidoro. Nakaramdam din ako ng pagkahilo ngunit hindi ko ininda. Mas inisip ko na ilabas lahat ng nasa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Romance"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"