"Let's go" wika niya at hinila na ako
"Saan mo ako dadalahin?" Kunot noo konh tanong
"I'll take you to my home" wika niya agad akong tumigil "'Wag mong sabihing uuwi ka sa bahay niyo? Napaka tanga mo na Ysa" madiin ang bawat salitang binitawan
"G-Gusto ko sa bahay nalang" halos hindi na niya maintindihan ang mga salita ko dahil sa hikbi
Napasimangot siya, marahan akong hinila palapit sa kaniya, pinunasan niya ang aking pisngi kung saan patuloy na dumadaloy ang aking mga luha.
"Sa bahay ko nalang muna, sasamahan kitang kumuha ng gamit. Maawa ka sa sarili mo at sa anak mo" wika niya, may pag aalala sa kaniyang boses
Tumango ako at agad na din na lumakad....
"I chosen not to invest in his company dahil ayokong umiwas sayo, tapos ganito ang gagawin niya?!" Sarkastikong wika niya, tumawa siya ng peke at hinawakan niya ng mahigpit ang steering wheel habang nag mamaneho
"A-Anong ibig mong sabihin?" Humihikbing tanong ko. Nasa byahe na kami papunta sa bahay para kumuha ako ng gamit
"Pinapili niya ako" huminga siya ng malalim at marahas na ibinuga ang hangin mula sa loob niya "Hahayaan niya akong mag invest sa kompanya niya basta iiwasan kita o hindi ako mag iinvest pero makakalapit o makakausap kita" wika niya pa "ayaw niya akong mapalapit sayo"
"You prefer not to invest just because of me" sarkastikong wika ko
"Una sa lahat ayokong mas pinipili ako kesa sa mga gusto at pangarap ng mga taong importante sa akin, bakit kailangan mong gawin ang bagay na iyon?" Tanong ko dito, ramdam ko ang tingin niya.
Tiningnan ko siya ng masama
"Ayokong may iniiwasan akong mabuting tao" wika niya
"Ewan ko sayo" sarkastikong wika ko at bumaba
"Wag kang papakita sa gate, diyan ka lang" wika ko nang makababa.
Madalian akong pumasok sa bahay, walang tao kaya't mas pinili kong mag madali na mag impake
Natapos ako at nakalabas ng bahay na walang nakakaalam na umalis ako.
Malaking backpack lang ang dala ko, siguro ay babalikan ko nalang ang iba pag may pagkakataon.
Hindi ko gusto ang gawin ito ngunit mas pipiliin kong wag na makasama si Aj.
Nang makalabas ay agad lumabas si Jace ng sasakyan para kuhanin ang gamit ko.
Nasa byahe na kami nang maisip kong gusto ko Kay Kuya ako umuwi, ngunit nakakahiya kay Jace. Mukang pagod na din ito
"Hindi ka nag invest sa kompanya niya pero nagawa mong sumali sa project" walang tingin kong wika dito, kanina lang ay binalot kami ng katahimikan
"Dahil gusto ko ang project na iyon, ang tumulong sa ibang tao" paliwanag niya, patuloy lang sa pag mamaneho
"Sa bahay ka nalang muna, bukas ihahatid kita kung saan mo gustong pumunta kung kay Jess o kay Sin-" hindi pa man ito natatapos ay pinutol ko na ang kaniyang sasabihin pa
"Sa Kuya ko" deretsong wika ko
Ramdam ko ang tingin niya sa akin "Doon muna ako sa kuya ko, pero pupunta muna ako sa office may kailangan akong ayusin. Ako nalang ang pupunta, at ayokong makaabala ng ibang tao. Subukan mong mag reklamo baba ako ng sasakyan kahit hindi tumitigil" dere-deretso kong usal. Nakaramdam ako ng hingal kaya't tumahimik muna ako para humigop ng hangin
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Romance"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"