Nagising ako ng madaling araw, wala si Aj sa kaniyang pwesto, bumaba ako para uminom ng tubig. May pag aalala akong nararamdaman, wala pa kasi si Aj.
Pabalik na ako nang bumukas ang pinto, si Aj
"You're still awake" bungad niya nang makita ko, namumula ito at parang lasing pa
Agad ko itong nilapitan "Bakit ka nag lasing? Sinong nag hatid sayo?" Nag aalalang tanong
"Don't ask me as if you are concern" agad napakunot ang noo ko
"Halika na, lasing ka lang" wika ko, tinutulungan ko na siyang maglakad paakyat sa hagdan
Hinayaan naman niya ako tulungan siya, nang makarating sa kwarto ay agad siyang nakatulog. Bumaba muna ako para isara ang pinto.
Nang makabalik ay ganoon pa din ang posisyon niya, nakadapa.
Pumunta ako sa banyo upang kumuha ng palanggana at bimpo. Pupunasan ko siya.
Unti unti kong tinanggal ang kaniyang botones ng long sleeves niya. Napatingin naman ako sa kaniyang muka, namumula ito dahilan para mapangiti ako. Minsan ko lang masilayan ang ganiyang muka niya.
Pag lasing o di kaya ay may sinabi akong kinatuwa ng puso niya.
Bago ko tuluyang tanggalin ang long sleeves niya ay bumalik ako sa walking closet upang kumuha ng damit niya.
Kinuha ko ang paborito niyang damit na binigay ko noon.
Tuluyan ko nang natanggal ang long sleeves niya, napatingin ako nang bigla itong nag salita.
"I really miss her lips" wika niya, may dumaloy na luha mula sa kaniyang mata. Napangiti ako dito, unti unti akong yumuko para bigyan ito ng halik.
Naramdaman ko ang pag tugon nito. Binitawan ko ang kaniyang labi at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Nang matapos lahat ay bumalik na ako sa aking pag tulog.
- -
Nang magising ako ay may yakap na akong unan, unan na ginagamit ni Aj.
Napangiti ako nang maalala ang pag yakap nito pabalik sa akin kaninang madaling araw.
Humiga ako at ginawang unan ang kaniyang braso, yumakap naman ito sa akin.
Tumayo na ako para mag ayos para sa pagpasok. Nakangiti akong bumaba, walang tao.
Nawala ang ngiti ko nang mapalingon ako sa kusina. Wala sina Lina. Nakaramdam ako ng kaba.
Dumeretso sa likod bahay, nawala ang kaba ko nang makita silang nangunguha ng mangga. Masaya sila kaya naman hinayaan ko nalang, ako na ang nag luto at naghanda ng gatas ko.
Actually, may nakahanda na lalagyan nalang ng maligamgam na tubig.
Nagluto ako ng hotdog at itlog. Iyon ang gusto kong umagahan ngayon.
Mag sisimula na akong kumain nang marinig ko ang mga yabag nila na papasok na
"Hala! Ma'am sorry po nalibang kami sa pangunguha ng mangga" agad na wika ni Lyn sa akin nang makita akong kumakain na
"No, it's okay. Nag eenjoy kayo kaya hindi ko na kayo inabala" nakangiting wika ko
Ngumiti naman ito, ngunit agad ding nawala "oh, bakit? Bakit biglang nalukot muka mo?" Wika ko nang makita ang kunot noo niyang tingin sa akin
"Ayos lang po ba kayo ni Sir?" Tanong nito, napangiti akong may kirot
"O-Oo naman, bakit?" Pekeng ngiti ang pinakita ko, sa totoo lang hindi ko talaga alam kung okay lang ba kami. Ni-hindi ko nga alam kung bakit ganoon ang pagtrato niya sa akin nitong mga nakaraang araw
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Storie d'amore"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"