13

15 3 0
                                    

"Ano? Ready ka na ba?" Tanong ni Nanay kay Kio, mamaya pa naman ang graduation pero base sa nakikita namin kay Kio ay sobra ang kaba nito at hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

"Anak, nakapag paalam ka na ba sa boss mo kahapon?" Tanong ni Nanay sa akin

Pumasok ako kahapon, simula umaga hanggang sa hapon ay trabaho lang ang ginawa ko. May meeting pero si Sir lang ang pumunta di niya ulit ako isinama. Ang reason niya ay tapusin ko nalang ang trabaho at umuwi na ako sa oras na matapos iyon.

At iyon nga ang ginawa ko. Si Jess lang ang kasabay ko, si Sindy naman ay nag halfday lang dahil may Family Dinner siya at kailangan niyang pumunta ng maaga.

Si Jace naman ay wala pang reply sa huli kong text.....

"Hindi Nay, hindi siya nakali kahapon sa office. Nagkaroon siya ng tatlong meeting magkakasunod na oras" dere-deretsong sagot ko kay Nanay. Tumango tango naman ito.

Mas gusto ko kasing mag paalam kay Sir ng personal.

Handa na akong pumasok, si Nanay naman ay handa na din umalis para mag bukas ng tindahan kahit halfday lang din at si Kio naman ay matitira dito sa bahay. Sana lang ay payagan ako ni Sir.

"Nay, may pangtawag ka kay Tatay?" Tanong ni Kio, agad akong napatingin dahil doon

"Bakit? Bakit tatawagan mo siya?" Taas kilay kong tanong

"Papauntahin ko siya sa graduation, bakit?" Tanong niya pabalik

"Asa ka namang pumunta iyon?" Naka-ismir kong tanong-sagot dito

Hindi pa man ito nakakasagot ay agad akong nag paalam "Nay! Alis na po ako. Mag tetext nalang po ako kung pinayagan ako" paalam ko kay Nanay

"Malay mo naman pumunta Tatay mo, wag ka munang kumontra sa kapatid mo" bulong ni Nanay nang humalik ako

"Asa kayong makapunta siya? Graduation ko nga lang masaya siya kasama ibang tao eh, hays" saad ko at ngumiting peke. Agad na akong tumalikod, nadako ang tingin ko kay Kio na naka-tayo sa may pinto, naka tapat ang cellphone sa tainga

"Alis na ako, advance congrats bunso" bati ko at yumakap sa kaniya "Wag kang mag pakaasa na dumating siya" bulong ko at tinapik na siya sa balikat niya.

Alam kong nasaktan si Kio sa sinabi ko, pero mas ayokong masaktan siyang umasa sa wala.

Nang makalabas na ako sa gate ay muli kong nakasalubong ang may-ari ng aming inuupahan.

"Naka-hanap ka na ng bagong mauupahan?" Mahinahong tanong nito

"Hindi pa po, pero mag hahanap po ako wala palang pong oras" nakangiting pekeng sagot ko

"Ganoon ba? Osige may Tatlong linggo pa naman kaya sige lang" nakangiting tugon nito.

Agad na din akong nag paalam para umalis. Nag lalakad na ako patungo sa shed kung saan ako laging sumasakay.

Nag aabang na ako sa shed, nang biglang lumitaw si Mark.

"Ysa" tawag nito, may dalang maliit na bag

"U-Uy" sagot ko na halos pumiyok

"Lalim ng iniisip mo ah, si Sir Alex ba 'yan?" Tanong nitong nakangiti

"Hindi ah, t-teka busy ka ba mamaya? May kaunting handaan sa bahay punta ka" pag imbita ko sa kaniya

"I'll make time for you! Hahaha de biro lang osige ba punta ako" biro nito, agad naman akong natawa sa sinabi niya

Beautiful In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon