Katatapos ko lang kausapin si Tita, nadito pa din ako sa balcony at pilit ko pa ding iniintindi ang nangyayare. Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga niintindihan si Nanay o sadyang ayokong intindihin dahil ayokong umalis sila.
Naluluha na ako dahil sa pag iisip. Pilit pumapasok sa isip ko na sinisisi ko si Tatay dahil sa kagustuhang umalis ni Nanay dito sa Pilipinas.
Pilit kong pinipiit ang luha ko sa pagbagsak, akala ko tapos na ang sakit hindi pa pala.
Nang gumuho na ang luha ko ay hindi na tumigil pa. Sanay ako na nadito sina Nanay at kasama ko. Hindi ko inaasahan na ganoon nalang ang maririnig ko.
'Yun kaya ang iniisip ni Kio nitong mga nakaraang araw? Napapasin ko siyang tahimik lagi at may kachat. Hindi ko matanong kung ano ba ang iniisip niya dahil alam kong hindi din niya sasabihin.
Eto kaya ang dahilan kung bakit parating hinihiram ni Nanay at Kio ang laptop ko? Eto kaya ang dahilan kung bakit puro presyo ng plane ticket ang nakikita ko sa search history
Gusto kong puntahan si Tatay dahil sa ginawa niya, dahil sa kaniya kaya aalis ng Pinas sina Nanay. Ayokong sumama hindi dahil kay Aj, kundi dahil alam kong nadito sa Pilipinas ang buhay ko. Alam kong mas may buhay ako dito at mas mahal ko kung saan ako lumaki at nagka-isip.
Agad akong napapunas ng luha nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.....
"Babe, why are you still awake?" Tanong niyang may pag lalambing, pinunasan ko ang mga luhang dumaloy muli
"D-di ako makatulog Love haha" pekeng tawa ko dito
"Why are you crying?" Tanong pa niya at tinanggal ang kamay ko sa pagkakapatong sa railings. Mas lalo siyang yumakap sa akin, naramdaman ko ang pag buntong hininga niya.
"Wala, tara na tulog na tayo. Antok ka na eh" sambit ko at hinatak na siya papasok sa kwarto
Hindi na siya nag salita at sumunod nalang papasok. Nakatagilid akong nakaharap sa kaniya.
"Now, tell me. What's wrong?" May pag aalala na sa boses niya. Hawak niya ang pisngi ko at pinupunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
Bumangon ako at sumandal sa heardboard ng kama. Ganoon din ginawa niya at kinuha ang kamay ko.
"I heard Nanay and Kio na nag uusap" sambit ko at huminga ng malalim
"Okay?" Tugon niya at halatang nag iintay ng susunod ko pang sasabihin.
"G-gusto niyang pumunta sa America. Gusto niyang lumayo kay Tatay a-at gusto niyang makasama mga kapatid niya, isasama niya si Kio" kwento ko sa kaniya, pinaayos naman niya ako at pinunasan ang luha ko
"So I called Tita to ask her about Nanay's plan, akala niya sinabi na sa akin ni Nanay. Pero sabi ko narinig ko lang na nag uusap sila ni Kio"
"Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga naiintindihan si Nanay o sadyang ayoko lang intindihin dahil gusto ko nandito lang kaming lahat" mas lalo akong napaiyak nang maalala ang mga araw na okay pa ang lahat, wala pang Irene. Wala pang hiwalayan, walang sakitan puro saya lang. may problema man hindi pinaparamdam.
"The best way Babe, intindihin mo si Nanay na gusto niya talagang malayo sa Tatay mo. Isipin mo nalang na pag nasa ibang bansa na siya she will never felt pain because of your Tatay. Yes makakaramdam ng sakit kasi malayo siya sayo pero hindi katulad ng sakit na nararamdaman niya mula sa Tatay mo" paliwanag niya sa akin, nakasandal na ako sa kaniya at nakayakap siya sa akin.
"And think about this Babe, makakasama na niya ulit ang mga kapatid niya, wait how many years they haven't seen each other?" Tanong niya
"More than ten years" sagot ko naman, at mas naramdaman ko pa ang pagyakap ng mahigpit
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Romance"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"