"Kung ano ano ang tinuturo mo sa bata" wika ko, seryosong tono. Tumawa naman ito at hindi na nag salita. Minsan kasi ay kung ano ano ang itinuturo kay Liam tiyak na hindi na iyon mawawala sa kaniya, lagi na niyang gagamitin
Naalala ko tinuruan niya si Liam kung paanong sagutin ako ng makalokohan katulad ng kanina
Tinanong ko noon si Liam kung kumain na ngunit ang sagot ay "ah hindi hindi" na may pang uuyam na tono
Agad ko na din sinara ang pinto sa likod kung saan nakaupo si Liam. Umakyat na ako sa passenger seat
Buong byahe ay walang nag sasalita, sinisilip silip ko si Liam na tahimik lang na nakatingin sa dinadaanan
Di nag tagal ay nakadating na din kami, agad na akong bumaba at pinag bukas si Liam na handa nang bumaba
"Tita, can you buy cereal for me?" Tanong nito, humawak sa kamay ko. Si Jace naman ay hinawakan ang kabilang kamay ni Liam
"Yes, sure pero behave kalang pag nasa loob na tayo okay?" Tanong ko, ngumiti naman siya at tumango. Napangiti ako dahil isa ito sa mga gusto ko kay Liam, madali siyang kausap, agad niyang ina-apply sa sarili niyang kung ano ang sabihin namin ni Kuya sa kaniya
Nag lakad na kami papasok sa loob, bumitaw si Jace kay Liam at siya ang kumuha ng cart
"Huy, 'yung dalawang basket lang" wika ko, big cart kasi ang kinuha niya. Akala mo naman kasi marami ang bibilhin
Hindi niya ako pinakinggan basta lang niya tinulak ang cart
Hindi na ako kumibo at hinayaan ko nalang, ganoon pa din si Liam sa tabi ko. Tahimik at tumitingin lang sa paligid.
Maya maya pa ay nag kapalit na kami ni Jace ng hawak. Si Liam na ang hawak niya at ang cart naman ang hawak ko.
Hindi ko alam bigla nalang kaming nagkapalit, nasa likod ko sila, sumusunod kung saan ako pumupunta.
Nasa mga snacks na kami na part ng mga racks, narinig ko si Liam "Tita! Cereal" wika niya, medyo napalakas ang tawag niya, medyo malayo na kasi ako
Agad akong lumingon dito na hinahatak si Jace, hawak ni Jace ang cereal
Agad ko iyon kinuha at inilagay sa cart, malaking ngiti ang nakita ko kay Liam. Napangiti ako doon at ramdam ko ang tingin ni Jace sa akin
"Mrs. Lorenzo?" Tawag ng isang babae at kinalabit ako, lumingon naman ako
"Huh?" Nalang ang nasabi ko, nakangiti ito sa akin. Binigyan ko din ng ngiti kahit pa ay may pagtataka ako
"Receptionist po sa Tagaytay Hotel" wika niya, agad akong napatango nang maalala ang sinasabi niya.
Siya ang kinausap ni Aj noong nag check-in kami sa hotel dahil malakas ang ulan, Mag asawa kami, 'yon ang pakilala ni Aj sa akin dito kay Ateng Receptionist
"Ah, ah oo naalala na kita haha" pekeng tawa
"Kamusta po kayo ni Si- -" kinagat nito ang kaniyang daliri nang makita si Jace at Liam na nasa likod ko, napalingon ito
"Ah, si Jace at Si Liam- -"
"Ah Family Time po pala, sige po sorry una na po ako ingat po" putol niya at nag madaling umalis.
Hinayaan ko nalang kahit na ang gusto ko lang sabihin ay Kaibigan ko si Jace at si Liam ay pamangkin ko. Pero ramdam ko na talaga sa tingin palang niya na iba ang nasa isip niya.
Ramdam ko ang tingin ni Jace sa akin, Nakangiti.
Tahimik na si Liam, nakahawak pa din kay Jace habang nag lalakad.
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Storie d'amore"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"