"Nay! Alis na po kami" paalam ko kay Nanay. Handa na kaming umalis ni Aj para pumasok na sa trabaho.
"Osige, mag ingat kayo Hijo" wika ni Nanay kay Aj, ako ang nagpaalam ah?
"Yes, Nay sige po" sagot naman ni Aj at lumakad na kami palabas.....
"Love, sorry kasi di ko pa naayos ang paglipat namin nina Nanay sa bagong paupahan" sambit ko dito. Nakahawak ako sa kaniyang braso
"No, It's okay. Panatag ako na kasama ko kayo" sambit niya at ngumiti sa akin
"Thank you" nakangiting tugon ko at hinawakan ang kamay nito...
Nang makalabas na kami sa elevator ay dumeretso na kami sa parking lot kung saan naka parada ang kaniyang auto......
- - -
Nakarating na kami sa office, tahimik lang na parang walang mga empleyado. Mga busy sila ngayon dahil sa project na isinasagawa. Focus ang lahat at gustong matapos ang mga trabaho ng maayos at walang problema.
Balak iyon gawain sa susunod pa na buwan. Hindi palang napag memeeting-an ang exact date, oras at lugar na napili.
Base sa mga nadidinig ko tungkol sa ganitong project ay hindi daw matatapos ang taon nang walang tinutulungan ang mga Lorenzo. Nakakatuwang isipin dahil kahit sobra na ang yaman nila, milyon milyon ang pumapasok sa kanilang kompanya ay hindi nila nakakalimutan ang tumulong.
Every Christmas din daw ay nagpapapasok sila dito ng mga bata para mag bigay ng papasko. Malalaki ang binibigay at talaga namang lalabas ng may ngiti ang mga bata pag pumasok dito.
Per department ay mag bibigay, bawal ang hindi. Pera pa din ng kompanya ang ginagamit. Kahit isa sa mga sweldo ng mga empleyado ay hindi naapektuhan, once a year lang naman daw ang pasko kaya naman talagang pinag hahandaan nila ang araw na iyon.
Per department daw ay magbibigay, sila na ang bahala kung pagkain, pera, laruan o kung ano man daw ay basta galing sa puso.
Gusto ko na din maranasan ang araw na iyon. Gusto kong makita ang mga ngiti ng mga batang namamasko sa kompanyang ito.
"Babe, do you want coffee?" Tanong ko ni Aj, nakatayo sa may pinto ng mini kitchen at akmang papasok na iyon
"Ayoko, pag timpla nalang kita" sambit ko dito, agad akong tumayo at lumapit sa kaniya....
"Okay, let me watch you on how you prepare coffee for me" sambit niya at sumama sa akin sa loob ng mini kitchen.....
Nakatayo lang siya sa gilid ko at nanonood sa ginagawa ko....
Maya maya pa ay kumilos ito nang matapos akong mag kanaw, kinuha na niya iyon at hinatak na ako palabas ng mini kitchen....
Nasa sofa na kami at hinawakan ang kamay ko. Naihilig niya ang ulo ko sa balikat niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.....
"Sleepy?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang daliri ko
"Konte, pero keri pa naman tiisin" sagot ko dito....
Hinawakan ko kamay ang kaniyang kamay at hinayaang nakapatong sa hita ko....
"Wait" sambit niya at tumayo
BINABASA MO ANG
Beautiful In White
Romance"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fiancée mo" "Are you in pain now? O wala kang pake" "Yan ba ang gusto mong marinig?" "Yes, para malaman ko kung successful ba ang ginagawa ko"