Behind The Scene 3

3.8K 211 95
                                    

"Mommy si Poppy may tinititigang girls sa phone!" What theee

"Tyanak! Sabi ng manahimik eh. Yung dress tinitignan ko hindi yung model!"

"Blehh!! Lagot ka kay Mommy" sabi ng bata at nagtatakbo na sa ina

Pfft malditang bata. Buti nalang love ko talaga eh. Nagmana nga talaga kay Riona. Pero syempre kamuha ko. Imagine sobrang amo ng muka niya. Yung mala anghel na hindi maka basag pinggan.

Pero ang ugali? Bitchesa

"Asteria don't run. Baka madapa kana naman sige ka. Come here" binuhat naman siya ni Riona. Andito kami sa Mall at namimili.

"Wag kang makikinig dyan ha. Namimili lang ako ng damit" lumapit na ako sa kanila. Ganda talaga ng family namin.

"Talaga ba?"

"Mommy kanina ang tagal niyang tinitigan yun-hmpp" tinakpan ko na agad ang bibig nito. Hindi naman kasi talaga. Familiar kasi yung model, iniisip ko kung sino. Ex ko pala pfft

"Asteria anak diba gusto mo ng bagong teddy bear na malaki? Go on pili kana doon oh. Anything will do" sabi ko sa tyanak

"Really Poppy!? Okay po. I love you!" Tas mabilis akong hinalikan. Oh kita mo. Uto uto hahahahaha

"So sino nga yung model?"

^_^"Si Artemis lang yung kapatid ko ano kaba. Hayaan mo muna yung tyanak don. Hindi naman yan mawawa--"

"Astra"

"She's my ex. Medyo nag iba kase itsura kaya tinitigan at inalala ko. Hindi ako mapakali eh. Look oh, feeling ko nga nagpaayos ng ilong eh. Sobrang layo sa ganda mo" Wife ang name ko anong Astra!

"At bakit mo naman inaalala?" Oh gosh she's serious. Anong magagawa ko kung madami akong ex? XD

"Ihh wifeyyyy promise wala poo. Alam mo namang ikaw lang eh. Iniwan ko na yung past ko. Hindi na ako yung mabilis magandaan sa iba. Sayo nalang po" niyakap ko na siya ng sobra at hinalikan sa lips, cheeks, neck and head.

"Okay fine. Naniniwala naman ako. Get off pinagtitinginan na tayo" sabi niya. Pfft reasonable talaga tong si Wifey, hindi hysterical kung mag selos.

"Ako nauna dito eh! Kulot ka bitaw sabi eh!" Huh? May boses tyanak akong naririnig

"Nauna ko siyang hawakan! At sinong kulot!? Ikaw na ni ruler ang gupit!" Pfft natawa ako bigla.

"Nakahanap ng katapat ang maldita mong anak oh" sabi ko kay Wifey na nakatingin lang din. Hmm familiar yung bata

"Ma settle na kaya nila yan ngayon? What do you think" huh? Napa tingin ako sa nag salita. May dalawang lumapit samin. Oww! Sila yung dati na na meet din namin sa mall.

So yung bata yung anak nila na naka away din ni Asteria noon.

"I don't think so" sagot ni Wifey. Lumapit ako sa isang babae na I think pinag manahan ng bata. Hawig niya kase at medyo kulot din ang buhok. Pretty Pogi na naka salamin.

"Bro musta. Hindi ba tayo aawat?" Tanong ko dito sa isang babae

"Musta din. Tingin mo ba? Mukang ayaw pa nung mga asawa natin eh. May toyo talaga asawa ko pasensya na. Ilang taon na anak nyo?" natatawang sabi niya.

"Pfft sorry din at maluwag turnilyo ng asawa ko. 6 years old. How about your daughter? Maldita kasi talaga anak ko mana sa isang ina"

"Same! Pinagbiyak na bunga yang anak ko at asawa ko. Ang sakit nga sa ulo. But don't worry, may nakuha naman sakin. Maawain yan. And 6 din yang anak ko. Let's see" sabi niya kaya nanood muna kami sa away bata pfft baliw na mga magulang.

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon