Chapter 18

3.7K 207 91
                                    

TD18

"Artemis! Stop it! Para kang nag me make up ng patay!"

"Ihh ang putla niya eh. Oks lang yan, mamaya picturan mo para mukang bangkay na talaga" ugh patay na ba ako?

May naririnig akong mga kampon ni satanas. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Hmm duling ba ako? Bakit dalawa sila?

"Ate!? Omaygashhhh you're okay na! Kilala mo pa ba kami? Kami to ang magaganda mong kapatid!" Ugh bigla akong niyugyog nitong isang nasa kanan.

"Artemis! Ano ka ba baka mabinat yan!" Huh? Hindi ba iisa lang sila?

"Napaka seryoso mo naman lagi Luna. Kambal ba talaga kita?" Arthemis? Luna?

O.O"Twins! What are you doing here!? Wait nasan ako!?" Kahit masakit ay napa bangon ako bigla. Nasa kwarto kami ng bahay namin ni Riona.

"Where's my wife? Umalis na kay--"

"Ready na yung dinnner. Twin-- Oww My star gising ka na sawakas!" O.O lumapit siya sakin at niyakap ako bigla pero naitulak ko siya agad

O.o "LQ?" Rinig kong sabi ni Luna or ni Arthemis. Ugh kahit ako nalilito sa kanila.

Tinignan ko ng masama si Riona. Wag niya lang idadamay ang mga kapatid ko dito.

"Bebs Galit ka padin ba sakin? Sorry na, promise hindi na ako aalis ng gabi para hindi ako mapahamak. Sorry din at napa hamak ka dahil sakin" maiyak iyak niyang sabi. Gusto kong masuka sa arte niya. Ano na namang plot ang sinabi niya sa mga kapatid ko

"Uy ate sorry na daw. Mabait naman pala itong asawa mo. Akalain mong inalagaan ka ng isang linggo. Kaka uwi mo nga lang galing sa ospital eh. Lam mo na masyadong madaming chismosa sa ospital at sikat itong wifey mo" tinignan ko lang ang kapatid ko. Seryoso ba sila!? Napa niwala sila nito?

"Ate nung una alam mo namang tutol kami. Pero ngayon medyo tanggap na dahil may puso naman itong asawa mo. Hindi naman totoo ang mga bali balita" fu** Si Luna to. Si Luna na laging mapag hinala napaniwala niya? Iba talaga ang babaeng punong puno ng acting awards ang cabinet.

"O-okay lang. May dahilan naman siyang magalit sakin eh. Pero sana wag mong patagalin ha, miss na kita" hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan ulit na lumapit sakin para yakapin ako. Papalag na sana ko pero biglang humigpit ng sobra ang hawak niya. Sh**

"You should start to act now. I hate this kind  of character. " bulong niya ng maka yakap siya sakin. Sobrang higpit padin ng hawak niya sa wrist ko.

"S-sorry. F-forgiven. Miss nadin kita Boo" pilit na sabi ko.

"Ang taray noh. Hindi talaga kayo makuntento sa iisang endearment. Cute ^_^" Sabi ng isang kambal. Sa arte ng pagkaka sabi malamang si Arthemis to.

Ngumiti lang ako at hinawakan na ang likod ng ulo ni Riona at hinimas ito. Gumaan naman na ang pagkaka hawak niya sakin at lumayo nadin

"So dinner? Nag pre--"

"Mga pusa! Ahm wala ba kayong trabaho? Anong oras na baka gabihin kayo" Ayokong makasama nila si Riona. Ayokong pati sila madamay pa

"Day off namin tom. Tyaka maaga pa na--"

"Gusto ko masolo ang asawa ko. Istorbo kayo" sabi ko na. Baka lalo pa tong tumagal pag gumawa ako ng walang kwentang excuse. Napa oww lang si Artemis. Pero si Luna tinitigan ako. She's smart, kayang kaya niya kong basahin

^_^" Ano ba mga kapatid! Promise pag okay na ko, kakain tayo sa labas with my wife. But for now, ma aari ko bang masolo ang aking iniirog sapagkat ako'y nangungulila sa kanya?"

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon