Chapter 50

4K 256 73
                                    

TD50

"I want to try but not now"

Hinawakan ko ang kamay niya at binaba ito.

"I still love her. Ayokong mag simula ulit hanggat meron pa akong hindi natatapos. You don't deserve it"

"So Load Game for now? Gusto mo talaga mahirapan noh? Masochist ka ata eh hahahaha" Natawa nalang din ako, siguro nga.

Nag lakad lakad lang si Zem at nag punta sa slide. Medyo mababa lang ito kaya naupo siya sa tuktok nito. Ako naman ang tumayo sa harap niya

"Yeah. I want to beat the game or at least hintayin na ma dead ako. And if hindi ko na kaya, maybe I'll delete the Load Game and start a new game" (pfft sorry, my gamer heart is shaking XD)

"Are you asking me to wait?" Natatawang sabi niya. Napa hawak lang ako sa batok ko.

"Ang sama ko noh? Wala eh, ganito talaga ko. I'm following my heart pero sinasama ko si mind. Why? Because sometimes following your heart can lose your mind"

Oo na. Masyadong parte ng buhay ko si mind and heart. Siya kaya may dahilan kung bakit. Sabi niya gawin ko silang kaibigan

"Pfft so you follow my instruction? Mga kaibigan mo na sila Mind and Heart" O.O what? Nagpa slide siya bigla. Kaya ito, sobrang lapit na nya sakin

^_^"That's good news" sabi niya at lumayo na sa akin

"Natatandaan mo?" Akala ko ako lang

"Yup! Na alala ko after nating mag break noon. Masyado akong nasaktan so hindi ko na sinabi sayo. Pero ikaw, mukang na alala mo lang ng makita mo ang pictures ko nung bata ako" Hindi ko naman matatanggi yon XD

"Sorry about tha--"

"Shhhh don't mention it. Ahm so Bye for now? Aalis ako tonight but wag mong asahang susuko na ako. Ako naman ang manliligaw sayo" Sabi niya at naglakad pa alis.

"Zemi--"

"Bye! Bye!" Sabi niya at nag wave lang. Yeah, ganyan din ginawa nya sakin noon. Bakit nga ba hindi ko nahalata na laging Bye Bye lang ang sinasabi niya

Hindi muna ako umalis sa playground. Medyo matagal din akong nag laro sa swing habang nag iisip.

"Ang hirap talaga intindihin ni Tadhana, diba heart?" Sabi ko habang naka hawak sa bandang puso ko

.

.

.

Dumaan ang ilang araw at nag simula ang trial ni Riona. Sa kabila ng mga ebidensya laban sa kanya. 'I plead not guilty' ang sinabi niya.

Nasa trial ako ng araw na iyon at hindi maganda ang lagay niya. Hindi siya nakiki cooperate. Hindi siya nag sasalita kaya walang nagawa ang judge kundi itigil ang ginagawa.

Sa Ilang araw niya sa presinto ay nahalata or nakita na nila ang condition niya kaya naman dinala siya sa ospital para matignan ng mga doctor. At ito nga, 3 weeks na siya dito but she's still not okay. Mas lalo lang ata siyang lumalala. Noong unang week ay nag wawala siya but now medyo umayos na pero sobrang layo padin sa isang Riona Evans

Noong una ay sinusunod ko ang gusto niya. Hindi ako nag papakita sa kanya. But one time, naka takas siya sa mga pulis. Hindi naman siya umalis ng ospital, nag punta lang siya sa rooftop mag isa. Natakot ako na baka may gawin siya sa sarili kaya nilapitan ko siya.

Tinignan niya lang ako saglit tapos nilagpasan na ako. Hindi ko alam kung hindi niya ako nakilala or nag panggap lang siya. Lagi kasi siyang tulala.

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon