Chapter 25

3.7K 202 234
                                    

TD25

Pag uwi ko sa bahay ay kumakain na si Riona. Isa pa sa kakaiba sa asawa ko. Hindi siya madalas kumain sa labas or mag order. Sa bahay talaga siya kumakain, nag luluto ng kahit ano. Pang dalawahan lagi ang hinahanda niya kaya nag papa alam ako kung sa labas ako kakain.

Pag Wala naman siyang pasok eh nag lalaba at nag lilinis siya ng bahay. Pag tapos na siya, pupunta naman siya sa gallery niya para mag pinta. Pag bandang 4pm,  matutulog  na siya at gigising ng bandang mga 6:30 para mag luto.

Kapag tinatamaan naman siya ng katamaran, doon na niya ko kukulitin. Ako ang inuutusan niya at manonood lang siya. Weird ba para sa isang taong naka gawa at gumagawa pa ng kasalanan? Sa iba siguro hindi. Pero para sakin, weird siya.

Dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig. Hindi ko siya pinansin gaya ng ginagawa ko dati, like yayakapin, hahalikan at babatiin siya. Tinigil ko na mula nung mag usap kami tungkol sa mga magulang ko, 3 araw nadin pala.

"Nag luto ako pakbet. Gusto mo tikman?" Tinignan ko lang siya.

Hinugasan ko nadin agad yung baso. Kahiya naman sa kanya eh.

"Sasabay ako papuntang palawan kay Zemira. Okay lang ba?" Siya naman ngayon ang tumitig sakin. Tinaasan pa ko ng kilay -_-

"Sure" oh?

"Seryoso ba? Hindi ka magagalit?" Ang bilis naman niya pumayag. 

"In one condition" ayun nga. Pahihirapan pa ata ako tsk. Naupo ako sa lamesa.

"What is it?" Tanong ko, ngumiti lang siya at nilapit sakin yung niluto niyang pakbet

"Ubusin mo to. Ikaw din mag hugas, nasugatan daliri ko eh" pinakita niya sakin yung thumb niyang may band aid.

"Yun lang?" May toyo na naman utak niya.

"Yup, pasalubong ha. Yung dried pusit and mga daing" uminom lang siya ng tubig at umakyat nadin sa taas. Napa iling nalang ako, naiinis ako pag ganito siya. Hays, heart and mind behave.

Tahimik na natapos ang gabing yon. Ni hindi kami nag talo, bilang nga lang ang pag uusap namin eh.

"Anong oras pala flight nyo?" Bigla niyang tanong habang kumakain kami ng umagahan. Ano ulam oh

Sardinas with egg. Siya nag luto nito. Maalat pero pwede na pag tyagaan. Sanay na ata dila ko sa mga luto niya.

"After ng work niya sayo. 7pm i think" sagot ko, kukuha pa sana ko ng ulam pero tinapik niya na ang kamay ko -_-

"Problema mo?"

"Tama na. Bibigyan ko pa si Henry mamaya" aba! Ito pa pala, ang hilig niya mamigay ng pagkain. At si Henry ang kauna unahan sa listahan. Palibhasa puro puri ang sinasabi sa luto niya. Minsan nga yung guard sa subdivision ang binibigyan niya, tas nakita ko siya noong isang araw na binigyan yung namamalimos na bata. Mamimigay na nga lang hindi pa masasarp

"Kala mo naman masarap" bulong ko

"Kinakain mo naman" aba may choice ba ko! Ang aga aga niya gumising para mag luto

Tsk kainis. Nawalan na ko ng gana.

"Iwan mo na dyan, ako na mag huhugas. Maligo ka na. Hindi ako papasok ngayon. And here nga pala, bigay mo kay Zem pag nasa byahe na kayo" May nilagay siyang maliit na paper bag sa lamesa.

"What's this?" Tinignan ko ang laman nito. Neck pillow at gamot

"Bakit di ka papasok? Ikaw nalang mag bigay sa kanya kung nag aalala ka" gagawin pa kong delivery girl -_- pake ko sa kanila

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon