Chapter 32

4.2K 215 164
                                    

TD32

"If you fight, I'll be your sword. If you retreat, I'll be your shield"

Inulit ko ang sinabi niya sa utak ko. Gusto ko din sabihin kay Riona yon. Pero pano kung ako mismo ang kumakalaban sa kanya. Kung ako ang may hawak ng espada laban sa kanya.

Mag sasalita na sana ako ng may biglang umagaw ng alak na hawak ko. Umakbay siya sakin

"Aww that's lovely uncle. I'm sure mom is so proud of you" Sabi ng isang babaeng umakbay sakin. Tinignan niya lang ako

"Oh hey Sister In law. Sorry hindi ako naka attend sa napaka totoo at kapani paniwala nyong kasal" sister in law!? Kapatid siya ni Riona?

"You're late" sabay kaming tumingin kay Henry. At alam niyang pupunta ito!?

"I am not. Kanina pa ko dito, nakikinig lang sa ma drama nyong usapan. So Sis, what's the plan? Pano natin mabubulok sa kulungan ang napaka buti kong ate" Now magka patid nga sila, confident at sure siya sa mga sinasabi niya. Pero hindi ako natutuwa -_-

"Your name is?" Pakiramdaman muna natin siya.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng Riona? " Pshh kinuha ko ang alak sa kanya at tinungga ito. Pero wala ng laman -_- Tinignan ko nalang ulit siya

"Pure" i said smiling. And then she laughed

"Yeah Pure. It's funny, ang nakaka tanda kong kapatid isang pure? Scam yon hahahahah" wala akong balak makinig ngayon sa ganito -_-

"Kukuha lang ako ng alak. Excuse me" sabi ko at tumayo na para umalis. Hindi pa man ako nakaka isang hakbang. May pumigil na sakin

"I'm not done talking. Kung takot ka sa ate ko, mas matakot ka sakin" really? Inalis ko ang kamay niya sa pagkaka hawak sa braso ko.

"Sorry, hindi ako mahilig makipag laro sa isang spoiled brat. Ito limang piso, maghanap ka ng ibang kausap mo Ms. Nesrin" nagulat siya sa huling sinabi ko.

"Why? Masaya ako kalaro"

"Just like your name. You're a wild rose, full of thorns. I don't want to play with you" seryosong sabi ko

:)"Kaya naman pala ikaw ang pinili ni Ate. Go on, paki kuha din ako. Hard ha, hindi ako mabilis malasing eh" bahala siya. Naglakad nalang ako papuntang counter

"And yeah. Baliktad nametag mo" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko nalang ang malakas niyang pag tawa. What? Eh sa nakita ko tag niya eh. Dito ata nag ta trabaho

Kumuha nalang ako ng isang bucket ng alak. Tinignan ko silang nag uusap, mukang seryoso ah.

"Rin, umuwi ka na. Kailangan ka ng ate mo" si Henry

"I told you that's stupid! Too ri--" napa hinto siya ng makita kong palapit

"Nga pala. Hindi alam ni ate na nandito kayo noh? Mauna kana umuwi uncle, baka mapano payon. Ako na bahala dito kay sis" napa buntong hininga nalang si Henry at tumingin sa akin.

"Mauuna na ko. Umuwi ka na agad, baka magising si Riona at hanapin ka. Mag iingat ka dito" sabi niya at tinapik lang ang balikat ko bago umalis.

Naiwan kami ni Nesrin. Ang awkward dahil hindi pa namin alam kung pano pakikitunguhan ang isa't isa. Lalo naman ako. Halos maubos na namin itong iniinom pero mukang wala pading tama. Sawakas at naka hanap nadin ako ng kainuman

"Close ba kayo ng ate mo?" Tanong ko, mawala wala man lang ang gap sa amin.

"Nahh, sila ni kuya ang close. Outcast ako" oww kaya pala. Tinapik ko ang likod niya.

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon