The Letter

4.8K 258 125
                                    

Okay this is the real Ending. I'm sure ma di disappoint kayo at mabibitin pero wala, pasensyahan po tayo hahahahahaha

The END But not The END
________________________

Tatlong buwan na Witch. Masyado ka atang nasisiyahan kaka langoy dyan. Balik ka na sakin oh. Tama na kaka tago sakin, hindi naman ako galit eh. Wala lang ang pag gamit at pag sisinungaling mo sakin, naiintindihan ko. Handa ulit akong magpa gamit, bumalik kalang. Balikan mo lang ako.

"Ate Astra kakain na po" Tawag sa akin ni Alice.

Yeah, nandito ako sa Palawan at nakikitira Kila Alice at Tatang. Hindi padin nahahanap si Riona kaya dito muna ako, umaasa na maligaw siya dito. Hindi ako naniniwalang patay na siya. She's strong, hindi siya basta basta mamamatay. Tuso siya eh. Masamang damo kung baga

"Sige tara na. Ahm ano breakfast natin?" Tanong ko sa bata. Nasa dalampasigan kasi ako. Dito ako lagi naka tambay, kapag mangingisda naman si Tatang ay sasama ako.

"Dried pusit po. Favorite nyo ni ate Riona" napa ngiti ako sa sinabi niya. Kilala pala nila si Riona, dito din daw siya nakikitira minsan. At si Riona mismo ang naki usap na alagaan ako noong nabaril at napukpok ang ulo ko.

"Ganon ba? Edi bilisin na natin at gutom na ako. Mahuli mag huhugasssss" at nag unahan kaming maka uwi :) ang cute na bata lang nitong si Alice.

Tahimik lang kaming kumakain. Konting usap at pang aasar. Hindi kasi naman kayang maging masaya ng buo at totoo.

Napa tingin ako sa TV. Si Riona na naman ang laman ng Balita. May mga nag sasabing patay na siya at itigil na daw ang pag hahanap sabi ng mga coastguard . Pero mas marami kaming umaasang buhay siya, sa dami ba naman ng Fans niya tignan ko lang kung hindi kayo kuyugin pag tumigil kayo sa pag hahanap

Si Zemira naman. Wala na siya sa kulungan kundi sa Mental na talaga. She's guilty at habang buhay siyang makukulong. Untill now hindi ko pa siya nakaka usap, hindi ko pa kaya eh but someday.

Si Charlie? Bumaba na siya sa pwesto at si Nesrin na ngayon ang namamahala ng lahat sa mga Evans. Walang nakaka alam kung ano ang orihinal na laman ng USB, ang sabi sakin ni Henry hayaan nalang.

Sigurado syang about lang yon sa corruption ng company. Hindi daw ganoon kabuti ang puso ni Charlie pero hindi siya masamang tao. Minahal siya ng Mom nila Riona so may kabutihan din daw ito kahit papano, naligaw lang ng landas saglit.

And Henry, just like me nag hihintay lang siya sa pag babalik ni Riona. Sa ngayon ay si Nesrin ang pinag sisilbihan niya. Noong una ayaw nga ni Rin dahil Uncle naman daw niya ito pero mapilit si Henry. Nangako daw siya sa mom nila.

And yeah si Blaze. Guess what? Hindi na siya dilaw ngayon. Nagpa black na ulit ng buhok. Siya ang nag ligtas sakin habang hinahanap ko si Riona sa dagat noon. Iniisip nyo siguro na nagka tuluyan sila ni Sander noh. Well you're wrong, ewan sa mga yon bahala sila. Basta nag tatrabaho padin siya sa mga Evans.

"Anak hindi mo padin ba babasahin ang iniwang sulat sayo ni Riona?" Napa tingin lang ako kay Tatang. May binigay kasi siyang sulat sakin, galing daw kay Riona. And untill now hindi ko padin ito binabasa.

"Hindi ko po alam Tang" sabi ko at pinunasan agad ang malapit ng pumatak na luha. Unang sentence palang kasi non ay na iyak na ako. Baka hindi ko kayanin pag tinapos ko. Ang haba pa naman, 2 bond paper.

"Anak, ilang buwan nadin. Baka ang sulat na ito ang kailangan mo para bumita--"

"Ahm tang tapos na po ako. Hey Alice nahuli ka ha, ikaw mag huhugas" sabi ko at agad agad na lumabas ng bahay.

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon