Chapter 40

3.6K 214 93
                                    

TD38

Hindi na ako nag patagal pa at agad agad na umuwi. Hindi dapat ako mag expect pero hindi ko mapigilan, sure na sure ako na nasa likod ng painting ang usb. Ipupusta ko 2 nights na walang ganap samin ng asawa ko XD

"Okay Mr or Mrs Dire Wolf. Come to baby" kausap ko pa sa painting. Kumuha ako ng upuan para maabot ito.

What the! Ang bigat! Ni hindi ko ma angat ng sobra. Ginto ba to? Kahit mabigat ay pinilit ko itong iangat. Na alis ko naman sa pagkaka sabit so dahan dahan ko itong dinala sa sofa

"Okay, now turn around" sabi ko habang binabaliktad ang painting para makita ko ang likod. Mung baliw na sorry naman excited lang XD

Hmmm -_- wala. Isang patag na kahoy ang likod nito. Baka nasa loob? Kinatok katok ko ito at baka may something nga. Tinignan ko din bawat sulok at baka may kung anong secret doors or windows? . . .  . Jackpot :)

May isang maliit na butas sa gilid. Kumuha ako ng alambre para isuot dito. *click! O_O may biglang bumukas. Secret door nga, sa loob nito ay may isang maliit na usb. Color red at may print na lotus

"Kay tagal kitang hinanap, pinahirapan mo pa ko nasa taas kalang pala ng tv -_- okay close enough sa maria clara" sabi ko sa letcheng usb na to.  Bago ang lahat ay binalik ko muna sa dati ang painting.

Inopen ko ang laptop ko at sinaksak ang usb. Siguro naman walang virus to ano. Hmm Isang folder lang ang laman nito 'New Folder' pa ang name, di man lang binago

"Enter password to access!?" Abay pu! Pahihirapan pa talaga ako nitong putcha na toooo

Isip mind, isip isip kahit wala akong isippp

"Hello Phillip Hope Malboro!"

"Wag mo nga akong tawagin sa full name ko!" Sigaw niya pagka sagot ng tawag pfft Ganda ganda ng name niya eh, ayaw maging proud

"I need your help" seryosong sabi ko. Mamaya na ang biro.

"Alam ko. Tumatawag kalang naman pag may kailangan ka. What is it?" Kaibigan ko nga siya,

"Fuc**r ka diba?"

"Ano!" Nabingi ata ako sa sigaw niya.

"I mean hacker! Sorry sorry, marunong ka mag hack diba? May usb ako dito, gusto ko makita ang laman. Kaso may password"

"Nako ano yan? Nyornya? Pfft hahahahaha" aba ang gunggong na to! Bakit ko naman lalagyan ng password ang ganon ko pfft

"Bro I'm serious" And with that natahimik siya. Minsan lang ako mag seryoso kaya alam niyang importante sakin to

"Kita tayo. Day off ko naman ngayon. Basta libre mo pagkain" Labag man sa kalooban ko ang libre na binanggit niya ay pumayag nalang ako.

Nag kita kami sa isang fastfood na malapit. Itago nalang natin sa mascot na malanding bubuyog

"Naka order ka na ba?" Tanong niya agad pagka kita sa akin. Patay gutom din talaga to eh

"Oo ito na. As always, 2 pc of chicken with soup, fries, burger and coke float. Happy? Now bago ka kumain, tignan mo muna to" pinakita ko sa kanya ang laptop ko

"Hmmm ayos to ah, kanino to? Mukang sobrang importante ng laman" sabi niya habang nagkaka likot sa laptop, hindi ko ma gets ang mga pinag gagagawa niya kaya kumain nalang ako

"Why? Anong meron?"

"Nag lagay siya ng kakaibang virus  dito. Once na i copy mo ang laman, sureball sira ang computer mo at sureball din akong ihahampas ko sayo to kung hindi ka tumigil kaka lamon dyan! Akala ko ba akin yan" ay? Tinignan ko ang kinakain ko,

The Deceiver Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon