Chapter 2
Abo na Ang Lahat
Nakangiti ako habang nakatingin sa kanyang umoorder sa menu. Seryoso . What a view.
"If you want to avoid awkwardness this way, trust me it won't work." Tawa ko
"I-is this awkward?"
Mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko. "Akin na yan." Kinuha ko yung menu at hinagis sa kabilang table na okupado ng dalawang naglalampungan.
"Excuse me, hindi mo ba napansin na nakabastos ka?" tumayo yung babae, sinusubukan siyang pigilan nung payatot na lalaki.
"Hindi mo rin ba napapansin na may diyos sa harap ko?" bumaling ako dun sa babae
Binalik ko kay Asher ang tingin ko at kita ko ang pagkalaglag ng panga niya. Tumingin ulit ako sa babae na ngayon ay nakatingin kay Asher at namumula ang mukha. Kinunot ko ang noo ko.
"Hey! keep your eyes down and go back to your fetus boyfriend. I may say bagay naman kayo. Para kayong chopstick sa sobrang payat. What are you? 12 years old?"
"Magui.." ani Asher
Mas lalong pumula yung mukha ng babae na parang kamatis. Hinila niya yung fetus boyfriend and minded their own business.
Now I'm gonna mind mine.
"Gusto kong tusukin yung mga mata ng babaeng yun. And don't pretend na may hinahanap ka pa sa menu na parang hindi mo alam yung gusto ko kapag nandito tayo sa Amelio Dines."
Bumuntong hininga siya "waiter." May lumapit sa kanya "classic steak."
Ngumiti ako.
"For two sir?"
"No, for one."
Napawi ang ngiti ko. "Wait you're gonna feed me, pano ka?"
"not hungry."
Sarkastiko akong tumawa. "Not hungry huh? This is just a promise that I have to fulfill, Asher. Don't take it personally."
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Umigting ang kanyang bagang at umiwas ng tingin.
"I'll fulfill that promise of yours Magui basta pagkatapos nito umuwi ka na."
"Ayoko. I want to have dinner with you at sabi ko ako ang taya."
"You don't have to do this."
"Asher."
"Magui." Sabay naming binaggit ang pangalan ng isa't isa. Nagsimula akong makarinig ng mga kuliglig.
"u-uh sir? For one na po?" tumingin si Asher sa malayo. Ako naman matalim na tinignan yung waiter.
"For two." Sabi ko
"For one." Asher
"For two."
"For one."
"For. Two." Nilakasan at diniinan ko.
"For one."
"FOR TWO!!" I didn't hold back. Nakatingin na sa amin ang mga tao.
"Nababaliw ka na ba? Lower your voice. You're embarrassing me." Halos pabulong niya na sinabi sakin iyon.
Mabilis kong iginhugit ang ngiti sa aking mukha. Tumingin ako dun sa waiter. "For two."
Mabilis na sinulat ng waiter ang order namin. "Classic steak po, for two."
Umalis ang waiter at nagawa pa niyang tumingin ulit samin bago tuluyang lumayo.
Pinagmasdan ko nanaman ang lalaking nasa harap ko. Mabilis ang kanyang hininga at may kung anong iniisip. Parang may bumabagabag.
YOU ARE READING
Captivity in His Eyes
RomanceSinaktan ka na pero bakit nagawa mo pa din bumalik.? Tinulak ka na palayo pero bakit nagawa mo pa din siyang tagpuin? Sa kanya na mismo nanggaling yung "umalis ka na." pero kanino ka bumagsak sa huli? Sa kanya pa din. Bakit? Dahil sa pride? reve...