Chapter 4

17 0 0
                                    

Chapter 4

Keep Me

Kumalam ang sikmura ko nang naamoy ko ang seaweed wrapper. Pangatlo ko na ata to dahil bukod sa walang laman ang tiyan ko, na miss ko rin talaga kumain nito (with matching baked sushi).

Sa kakamadali ko ba naman kanina ay nakalimutan kong mag agahan (o hindi talaga nag agahan). Nakalimutan ko rin na posibleng nag iba na ng unit si Asher. For 3 years? I doubt it.

And for that, I hate myself. I'm so impulsive. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 8:30 am na. Sa halos isa't kalahating oras ni anino ni Asher ay hindi ko naaaninag.

"Ate paki punch na rin 'to."

Nilingon ko kung kaninong mahinhing boses iyon.

She is wearing a knee-length floral dress. Medyo vintage iyon at may sling bag. May isang paperbag din siyang yakap yakap.  Nakalugay ang kanyang kulot na buhok hanggang bewang.

"Dito nalang sa paperbag 'te, seaweed wrappers lang naman yan, Salamat!"

Humarap siya sakin at nakita ko ang abot tenga niyang ngiti. May dimple sa left cheek at maputi. As I observe her, she looks bubbly.

"Ayy!" sigaw niya nang napunit yung supot at nahulog ang mga pinamili niya.

She looks bubbly

But clumsy.

"Ma'am, eto oh."

"Salamat."

Her cheeks reddened as she grabbed the paperbag. Pero binawi nalang sa ngiti. Mabilis siyang umalis para makatakas sa hiya.

I finished my last seaweed wrapper. Gusto ko pang bumili at pumapak pero namataan ko na ang lalaking kanina ko pa hinihintay. I attempted to step out of the convenience store. Pero naalala ko yung nangyari sa Amelio Dines. What if itulak niya ako ulit? What if he leaves me hanging again?

Yeah, Magui para naming hindi ka pa nasanay.

Bumuntong hininga ako. As I've said, whatever it takes.

"Ate.."

Tumingin sakin yung babae sa counter

"penge pong tissue.."

Nilingon ko si Asher na binuksan yung pintuan ng Volvo niya.  Ito yata ang ipinalit niya sa Sedan niya 3 years ago.

"Thank you." Ani ko sabay punas sa mga daliri ko

Nagmadali akong lumabas at halos matapilok na ako sa kaka hangos.  Buti nalang nagkataon na walang masyadong tao kundi nag mukha akong tanga, chasing a man, wearking a stilleto.

"ASHER!"

Hindi pa niya sinasara ang pinto ng sasakyan niya dahil mukhang may kung anong kinukuha na di mo malaman kaya panatag akong narinig niya ako. At hindi ako nagkamali.

A big question mark on his face looking for the person who's calling him. Nanlaki ang mata niya nang namataan niya ako. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Still, with that question mark on his face remains pero unti unti iyong napalitan. Kumunot ang noo niya at tumalim ang tingin sakin pero bakit?  Bakit parang nangungusap ang mga mata niya?  Pumungay ang mga ito at mabilis niyang iniwas sakin ang kanyang mga tingin.

"What are you doing here?!"

"U-uh..b-breakfast? J-just like the old days?"

Matagal niyang pinroseso ang mga salitang lumabas sa aking mga bibig. Mas lalong tumalim ang mga tingin niya na para bang tatagos sa aking kaluluwa. Kung nakakamatay lang talaga ang mga tingin, paniguradong may mga kandila at mga bulaklak dito sa mismong kinatatayuan ko.

"Umuwi k-"

"Hindi pa ako nag aagahan, swear!"

"May convenience store.." turo niya

"Right, just like the old days?? I'll buy seaweed wrapper and then samahan kitang bumili ng baked sushi?"

Here he goes again, processing and detailing every word that coming out of my mouth. At sa tuwing ginagawa niya iyon, mas lalong nalulukot ang mukha niya. Nararamdaman ko na sa kinatatayuan ko ang nag aalab niyang galit.

Padabog niyang sinarado ang pinto ng sasakyan niya. Lumapit siya sakin nang hindi tinatanggal ang kanyang tingin.

Napakurap ako nang napagtantong sobrang lapit niya sakin. 3..2..1 foot apart. Mas nakita ko ang mukha niya nang maayos. Every details of his face, a God. His familiar scent hit my nostrils. Hindi pa rin siya nagpapalit ng pabango?

"uhh...d-dito pa rin pala condo mo? I mean nagbaka sakali lang naman ako." Lanta kong ngiti

"room 1501 ka pa rin ba?"

He didn't respond. Umigting ang bagang niya at umiwas ng tingin.

"Stop."

"Huh?"

"Stop this, Mag." Tumingin siya ulit sakin pero hindi na galit na mga mata. Mapupungay na ang mga ito. Parang pinaghalong pagod at sakit pero may bahid pa rin ng pagmamakaawa.

My heart stopped beating. Naramdaman kong uminit ang aking mga mata. Hindi ko alam pero wala ako sa sariling hinawakan ang kanyang pisngi. Do I have the right to do this?  Oo, dahil alam kong wala akong kasalanan.  Natatakot akong alisin niya ang mga palad ko sa kanyang pisngi.

He froze.

"Asher, I want you back. Please, let's fix this."

He didn't respond again.

"You know I didn't do anything. Sinet-up nila ako! All that footage! Kagagawan nila iyon."

Wala siyang emosyon at hindi ko maipinta ang kanyang mukha. What matters to me right now is to convince him fix our ill-fated relationship.

Dahil napaka lupit ng langit samin. Sa akin. We badly broke up because of some shitty misinformation. Dahil may gustong sumira ng relasyon namin. Kailan man hindi ko siya niloko. Alam ko sa sarili ko yun. At pag nakita ko ang kabuuan ng puno't dulo nito, I'll still make sure I'm gonna get my guy.

Hinawakan niya ang kamay ko. He hold it in place for a second pero tinanggal niya din yun.

"umuwi ka na, please Magui."

"Bullshit! Maging patas ka naman! Kasi mababaliw na ako sa kaiisip! Malabo sakin ang lahat Asher! Parang awa mo na! Gusto kong malinawan! And it hurts my pride to be this desperate! Dahil bakit ako nagdudusa kahit wala naman akong kasalanan!"

Nakita kong pumatak ang luha niya. Pinunasan niya agad iyon.

"Alam kong hindi ka titigil. But please Magui, there is a lot of friction between us. Tama nang nagkasakitan tayo noon."

"At sa tingin mo sa loob ng tatlong taon, hindi ako nasaktan? Hanggang ngayon, Asher! Hanggang ngayon! Nasasaktan ako dahil hindi ikaw ang Asher na kilala ko! Hindi ikaw yung Asher na papaniwalaan ako kahit na anong mangyari! Pero hindi eh! Imbes na pakinggan mo ako, pinagtulakan mo pa ako! You pushed me away!

"I pushed you away because you deserve better! There are tons of fucking men who can treat you better! Hindi sa gagong tulad ko na walang ginawa kundi saktan ka!"

"bullshit!"

"Please, Magui..nagmama kaawa ako sayo."

"I went through all that shit and no. I won't back down Asher. Not now. Kung noon tanga ako at sinunod kita na umalis ako dahil akala mo niloko kita, puwes ngayon hindi na. I'll be exactly the stubborn Magui you used to know. Hindi ako titigil kahit masakit dahil una, wala akong kasalanan. At pangalawa, dahil mahal kita!"

"I told you sinet-up nila ako! Just give me a chance na malaman ang lahat! At pag nangyari yun, then you'll decide. It's either you push me away again or keep me this time."

Captivity in His EyesWhere stories live. Discover now