Dedicated to: dehmiure
Thanks for the book cover.
Chapter 5
Miss
"Bilisan mo naman, James!" sigaw ko sa kaibigan kong nagpapa cute dun sa ash blonde na babae. She looks like a model but who cares? Idadagdag nanaman ni James yang blondinang yan sa listahan ng mga babaeng naka one night stand niya.
"Hayme! Get your ass over here! Ipapaskil na yung mga successful qualifiers sa Maharlika internship at pupuntahan ko si Asher ngayon para icongratulate siya!"
"Magui naman oh, hindi ko tuloy nakuha yung number. Tsaka anong icocongratulate e hindi mo pa nga alam kung nakapasa si Asher sa qualifications." may bahid ng irita sa tono niya
"Gusto mong baliin ko yang leeg mo? Hello? Asher got the mind and the bod para ma qualify sa private investigating agency na yan. Baka nga overqualified pa."
"Whatever. Just make sure na babawi ka sakin." Nilingon niya ulit yung ash blonde na babaeng mukhang model
Umirap ako sa kawalan.
Nahuli ko din siyang umirap sakin. Pinag taasan ko siya ng kilay at yun din ang isinukli niya sakin. Mokong na 'to!
"Fine!"
"Pumasok na ba si Asher?"
"Hindi pa. Kaya nga laking pasalamat ko na mauuna kong makita yung results bago niya makita. Para magka usap kami diba? Haha."
"Style mo bulok. Tingin mo walang babati sa kanya na ibang estudyante pag pasok palang niya?"
"Atleast makakausap ko pa din. Yun naman talaga intensyon ko."
"Yung totoo, Magui Leviste ba pangalan mo o Hashirama Senju? Smooth ng galawan mo parang hokage lang ah."
Hindi ko siya pinansin. Maya maya ay nakarinig ako ng hiyawan sa bandang hall. May mga pumapalakpak din kaya paniguradong dahil yun sa MIA results na pinapaskil na sa main bulletin board. Lahat ng gusto maging detective (or private investigator) ay dadaan sa one semester internship during their fourth year sa college. This internship will serve as their training at tiyak na malaking tulong ito as they gain experience sa field after graduating. If i'm not mistaken, four or five years of experience after graduation is mandatory before taking a promotional exam to become a licensed detective.
"Okay I know what you're thinking but I want you be still—Magui! Magui! Hoy!"
Hindi ko siya pinansin at tumakbo papunta doon. Sumingit ako at nakipagbanggaan sa mga babaeng kung makatili ay parang mapuputol na ang litid sa leeg."This is the official list na ibinigay satin ng Maharlika Investigating Agency. Congratulations to all successful qualifiiers." Ani ng director head na humahawak sa law rooted courses.
Nung una, nahirapan akong makita yung listahan. Bukod sa matatangkad ang mga lalaking nasa harap ko, ay kadalasan kasama nila ang mga girlfriends nila. Aba! May isa pang nagyayakapan sa harap ko. Nang sa wakas ay nadalian na kong makita ang listahan, hinahanap ko agad ang pangalan niya.
"De Leon, De Leon, De Leon."
Nanlaki ang mata ko
He passed! I knew it.
Matapos kong mamataan ang pangalan niya, ay nakarinig ulit ako ng hiyawan. Mas malakas ito kumpara sa una. Paniguradong siya na yun. At hindi ako aalis dito. Hihintayin kong makarating siya dito para personal ko siyang ma congratulate.
Sa bawat segundong lumilipas, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Pinapakiramdaman ang bawat hakbang ng mga tao sa likod ko.
"Excuse me, are you done?" umeksena pa 'tong babaeng 'to!
I didn't bulge. Aalis ako dito pag si Asher na ang nasa likod ko.
"Miss.." tawag sakin nung babae
"Miss" ulit niya at batid ko na ang irita sa boses niya
And then
"Miss.."
My heart skipped a beat.
Halos manindig balahibo ako sa narinig. Dahilan iyon para mas lalong tumibok nang mabilis ang puso ko at halos makalimutan kong huminga. It was his deep voice. What to do, what to do, Magui? What to fucking do?! Si Asher De Leon nasa likod ko! I felt my body was entirely covered by his. Natatakot akong humarap. Baka hindi ko maiangat ang paningin ko.
Then I faced him. Sinalubong ako ng nalilito niyang mga bata. Bubuksan ko na sana ang bibig ko para makapagsalita pero may ibang nakaagaw ng atensyon niya at binalingan ang babaeng na realize kong tumatawag sakin kanina.
"Walang duda, Asher! You passed! Congrats!" aniya sabay tili nilang mga kaibigan niya.
Hindi pinansin ni Asher ang sinabi nung babae. Instead, bumaling siya sakin. Nalilito pa rin. Like big question mark siguro sa kanya kung bakit nasa harapan niya ako ngayon at bakit ako nakaharang sa listahan ng mga qualifiers.
"If you don't mind." Aniya na nagpa tindig ulit ng aking balahibo
"Oh." Agad akong umalis sa kinatatayuan ko. Gumilid ako para magbigay daan sa diyos na nasa harap ko ngayon. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pangalan.
"Congrats by the way." Sabi ko. That was awkward.
Nakita kong napahinto siya sa paghahanap dahil sa sinabi ko. Nilingon niya ako and those hazel brown eyes met mine. Mas nakita ko ng mas malinaw ang mukha niya. Ngumuso ako nang bumitaw siya sa titig. Pinagpatuloy niya ang paghahanap. It was just a split second pero bakit parang para sakin matagal na ang titigan na iyon?
Tumili ulit ang mga babae. Hindi ko alam kung na tthrill ba sila sa paghahanap niya o dahil hindi sila makapaniwalang may ganto ka gwapong nilalang sa harap nila ngayon.
I attempted to speak pero nang nakita kong kumislap ang mga mata niya. Ngumiti siya at batid mong sobrang saya ang nararamdaman niya.
Damn haha.
Tumili ulit ang mga babae. Ahhh my eardrums! Nakakarindi!
I want to congratulate him again dahil para akong tumagos lang sa tingin niya kanina. Para akong multo. Watch me congratulate him again...calmly. Hindi tulad ng mga babaeng 'to.
"HI ASHER!" namula ang pisngi ko ng pumiyok pa ako sa dulo ng sinabi ko.
Napatalon siya sa bati ko. Nakatingin siya sakin at hindi maipinta ang mukha.
Ang kaninang mga nagtitiliaang mga babae at kung kiligin ay akala mong wala ng bukas, nagbubulungan na ngayon. Pero hindi ko sila pinansin. My attention is all in him.
I cleared my throat. "Um, congrats!" I tried to force a smile pero hindi ko na mabawi. Nice one, Mag. I think you just scared the hell out of him! Idiot! Gusto ko nalang maghanap ng restroom at iuntog ang sarili sa salamin.
"Congrats pala! You did it! You always wanted to become a detective di'ba? This is the start Asher. Sooo congrats!"
Ngumiti siya sakin. Yung ngiting nagpapasalamat. Finally, hindi na ko tumagos sa tingin ng lalaking 'to kundi, kkwestyunin ko na talaga ang existence ko. I smiled back. I had high hopes dahil akala ko kakausapin na ako ni Asher. Mag tthank you ganun pero napaawang ang bibig ko nang umalis siya doon at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
Napakurap ako. Halos marinig ang mga kuliglig sa paligid.
"Ayy he left you hangin', Leviste?" kutya sakin nung isang babaeng isa sa mga nagtilian kanina.
Matalim ko siyang tinignan. Mabilis kong binuksan ang bulsa ng bag ko at kinuha ang pepper spray. Tinutok ko sa kanya.
"Whoa whoa, easy Mag." Hawak ni James sa kamay ko na nasa tabi ko na ngayon. Inagaw niya sakin yung pepper spray.
Humalakhak ako nang nagsi takbuhan ang mga babaeng iyon. Mga echoserang frog na mga 'to
"C'mon, James. It's not like I'm gonna spray it on them."
"Oh I know you're capable to do that."
"Yeah whatever."
YOU ARE READING
Captivity in His Eyes
RomanceSinaktan ka na pero bakit nagawa mo pa din bumalik.? Tinulak ka na palayo pero bakit nagawa mo pa din siyang tagpuin? Sa kanya na mismo nanggaling yung "umalis ka na." pero kanino ka bumagsak sa huli? Sa kanya pa din. Bakit? Dahil sa pride? reve...