Chapter 3
Breakfast
"EQUALITY OVER POWER!"
"EQUALITY OVER POWER!"
"EQUALITY OVER POWER!"
"EQUALITY OVER POWER!"
"EQUALITY OVER POWER!"Humahakbang ako paatras nang unti unti silang lumalapit sakin. Nanginginig ako at hindi ko alam kung paano ko sila titignan isa isa. Lahat sila galit na galit sakin.
"ah!" nagulat ako nang may bumato sakin ng itlog. Dumaloy ang katas nito pababa ng aking mamahalin na damit.
"Lahat nga naman nagagawa ng pera! Pati hustisya pinagtatakpan!"
Patuloy nilang sinisigaw ang kanilang rant hanggang sa maramdaman kong wala na akong aatrasan kundi hagdan na ang nasa likod ko. Lumapit pa sila sakin at patuloy akong binato ng mga itlog.
"JUSTICE!"
"JUSTICE!"
"JUSTICE FOR R—""MAGUI!"
"AHH!" tumili ako at bumangon agad sa higaan. Pinagpapawisan ako ng malamig habang malalalim ang hininga.
"Shh hey, hey it's okay... calm down..I'm here.." ani ng pinsan kong si Adrian.
Nalaman kong may luhang lumandas sa aking pisngi. Inangat ko ang tingin sa kanya at nasumpungan ang naawang mga mata. Hindi na ako nagdalawang isip na humagulgol ulit sa dibdib niya. Here we go again with this stupid nightmare.
"Easy Mag, easy.."
Dati, hindi ako gaanong dinadalaw ng masamang panaginip na ito. Probably because I knew that Asher was always with me. Panatag ako. He was always there for me. Whenever he's around I feel calm and safe. I feel secured. Pero ngayon? Halos gabi gabi akong binabangungot ng masamang panaginip na ito. For the past 3 years it was always been like this. Nasesense ko na nga ang awa kay Adrian dahil saksi siya sa lahat ng mga gabing iyon.
"Same bad dream, Mag?"
Suminghot ako at tumango
"Yun at yun parin."
"About the 'equality over power' thing?"
"Yeah, it's just that..."
"What?"
"May narinig akong sumigaw na 'justice .. justice for' pero.."
"pero ano?"
"h-hindi ko narinig yung pangalan."
Kumabog ang puso ko. Eto ang unang panaginip ko na ganun. There was a name pero hindi klaro. Tumingin lang ako kay Adrian. I don't want this to bother me pero hindi ko mapigilan. May ibig sabihin ba ito? For the past three years bakit ngayon lang?
"Magui, go back to sleep. Don't let it bother you. Unang gabi mo dito sa Pilipinas galing ng New Zealand so I really think you should rest."
Tumango ako.
"Okay, I'll leave you now." He turned his back and approached the door of my room. Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Makakatulog pa kaya ako nito? After that bad dream? Naging curious ako bigla. Kaninong pangalan iyon? At bakit mainit ang dugo ng mga tao sakin?
"Tsaka nga pala.."
"Hmm?" bumaling ako kay Adrian
"How's..." he cleared his throat. "how's Asher? Asher ba pangalan nun?"
Matalim ko siyang tinignan. Lalaking 'to may tinatago palang pagiging chismoso.
"Chill," tawa niya "curious lang naman ako. I mean he's the reason why you decided to come back, right? So...kamusta na yung gagong 'yun?"
YOU ARE READING
Captivity in His Eyes
RomanceSinaktan ka na pero bakit nagawa mo pa din bumalik.? Tinulak ka na palayo pero bakit nagawa mo pa din siyang tagpuin? Sa kanya na mismo nanggaling yung "umalis ka na." pero kanino ka bumagsak sa huli? Sa kanya pa din. Bakit? Dahil sa pride? reve...